
12/07/2025
BAWAL ANG PABEBE SA USAPANG DENGUE
Kapag ganitong pabago-bago ang klimaโmainit, maulan, nariyan rin ang paglipana ng samuโt saring sakit. Isa na rito ang mapanganib na dengue. Ang sakit na ito ay nakukuha sa pamamagitan ng kagat ng lamok na Aedes aegypti na nagdadala ng dengue virus. Ito ay maaaring magdulot ng ibaโt ibang komplikasyon gaya ng lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng mga kasukasuan, pagsulpot ng mapupulang rashes, at pagsusuka. Kung hindi ito maaagapan, maaaring ikamatay ito.
Ayon sa Centers for Disease Control (CDC), ang dengue ay patuloy na kumakalat sa iba't ibang mga bansa sa Amerika at Asya. Nitong Mayo 2025, mahigit 7.6 milyong kaso ng dengue ang naitala sa buong mundo. Ayon sa Department of Health (DOH), ang Pilipinas ay kasalukuyang nangunguna sa Southeast Asia na may pinakamataas na kaso ng dengue, na may 73% na pagtaas ng kaso mula Enero hanggang Marso 2025 kumpara sa nakaraang taon.
Anu-ano ang pwedeng gawin upang maiwasan ang dengue? Ayon sa World Health Organization (WHO), ilan sa maaaring gawin ay:
pagsusuot ng mahabang damit na matatakpan ang balat
paggamit ng kulambo sa pagtulog
paggamit ng pamatay-lamok gaya ng katol at insect spray
pagpapataas ng malusog na pangangatawan
pagpapanatili ng malinis na kapaligiran, lalo na sa mga lugar na maaaring pamahayan ng mga lamok, gaya ng nakaimbak na tubig na walang mga takip
Ang pag-iwas sa dengue responsibilidad nating lahat. Kung tayo ay magtutulungan, maaari nating maiwasan ang dengue at maprotektahan ang ating mga mahal sa buhay.
Kaya sa usapang dengue, BAWAL ANG PABEBE!
Isinulat ni: Angel Roshel L. Agapito
Graphics by: Gian Michaela and Angel Roshel Agapito