31/07/2025
🫶🏻👏🏻
🏢 22 Thoughts While Watching 🏢
(Katulad ng viral blogs ko rito sa Minsan Okay Lang Ma-traffic, hindi 'to spoiler kung 'di parang trailer na ipinamamalas sa porma ng mga hugot—maaaring totoong nasa pelikula o serye pero maaari rin na simbolismo lamang—at malalaman lang ninyo kung bakit ko naisip ang mga nakalista kung panonoorin na ninyo mismo.)
#1 Kailangan ba talagang pasanin ng panganay ang mga bagay na kaya naman sanang dalhin ng magulang?
#2 Minsan, kailangan mong isakripisyo ang sakit na dulot ng pangungulila dahil mas malala ang sakit na dala ng realisasyon na nagkulang ka sa mga taong pinakamahalaga sa iyo.
#3 Wala nang hihigit pa sa pagmamahal na sasalubungin ka pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na biyahe.
#4 May paborito ba talaga ang Diyos?
#5 May mga pintuang kailangang buksan para maliwanagan—kahit pa alam mong dilim ang iyong madadatnan.
#6 Hindi napapagod ang mundo na magbigay sa atin ng mga babala. Minsan lang, sa kabila ng mga paalala, mas pinipili natin ang posibilidad na mapahamak kaysa sa posibilidad na habambuhay tayong magtanong at magtaka.
#7 Hindi lahat ng maganda sa mata ay maganda talaga.
#8 Alin ang mas nakakatakot na bangungot—‘yong ginugulo ka sa iyong pagtulog o ‘yong mga realidad na kinamumulatan mo kapag gising ka na?
#9 Alam mo ang hitsura ng mga mukha sa likod ng makikinang na maskara?
#10 Makinang, magara, parang perpekto na—pero masaya ba talaga sa mundo nila? Handa ka bang maging isa sa kanila?
#11 Isang manipis na linya lamang ang naglalayo sa panaginip at sa realidad, sa bangungot at sa mapait na katotohanan, maging sa pangarap at sa panaginip na gusto mo sanang maging katotohanan.
#12 Kukunin mo ba ang pagkakataon maging masaya kahit ang kapalit nito ay kadiliman?
#13 Minsan, delikadong matikman ang pagkain sa mundong hindi mo naman kinabibilangan—hindi dahil maaari kang mapahamak, kung ‘di dahil maaari mo itong hanap-hanapin hanggang sa makalimutan mo na kung ano talaga ang pinakamahalaga.
#14 Mapanganib ang kalungkutang dala ng pangungulila—maaari kang lapitan ng mga hindi mo gugustuhing makasama.
#15 Minsan, may mga pangyayari sa buhay natin na talagang babaguhin tayo—to the point na hindi na magiging imposible pang bumalik sa mga bersyon natin bago ito.
#16 Kailangan ba talagang matapos lahat sa pagbabago?
#17 Sana mayroon pang daan palabas. ‘Yong maayos kahit madilim. ‘Yong bubuhayin ka kahit pa tatakutin ka. ‘Yong walang collateral para lang maligtas ka.
#18 Huli na ba para bumalik sa simula?
#19 Sabi ng writer na si Sir Enrico Santos before the special screening, “longest crying scene sa history ng horror movie” at halos 40 minutes daw umiiyak si Barbie. Akala ko nagbibiro lang pero ang tagal naming natulala, walang gusto palampasing detalye, namamangha sa iba’t ibang klase ng iyak ni Barbie—takot, lungkot, galit, pagsisisi, paglaban, etc.
#20 Ang ending, hindi naubos ang popcorn. Haha! “Longest plot twist reveal” pala ang atake ng sinasabi ni Sir.
#21 “Kumusta kayo?” tanong ni Barbie after ng special screening. ‘Di ko alam ang isasagot, ni hindi ako makangiti. Halatang ‘di niya rin alam ang sasabihin pagkatapos mapanood ang pelikula niya for the first time. Halatang panay ang iyak. Siguro naman halata rin kami. Quits lang. Hehe.
#22 Pinaglaruan ng P77 ang karakter ni Barbie. Pinaglaruan din kami ng pagganap ni Barbie. ‘Di ko kayo gugustuhing ma-spoil para mapaglaruan din kayo. Damay-damay na ‘to. ;)
- Charina Clarisse Echaluce, 2025
© Minsan Okay Lang Ma-traffic
___
PAGES:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
📰 MOLMT Publications
👩🏻💻 Life Traffic in the ‘90s
___
For invitations and business proposals:
📧[email protected]
___
📚 For Traffic books 1-3 orders, please message the page. 🤗 My Shopee store is closed ATM.
Barbie Forteza GMA Pictures Kapuso PR Girl