24/09/2025
๐ฆ๐๐๐ฆ, ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ผ ๐ธ๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ฎ ๐๐ก๐๐ฆ ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฟ๐ ๐บ๐ฒ๐ปโ๐ ๐ฏ๐ฎ๐๐ธ๐ฒ๐๐ฏ๐ฎ๐น๐น
Via Sky Aquino
MARIKINA, Pilipinas โ Nag-aalab na opensa! Matatag na depensa! Iskor!
Ngiting tagumpay ang ipinamalas ng Sta. Elena High School (SEHS) matapos magwagi laban sa Kalumpang National High School (KNHS) sa katatapos lamang na Secondary Menโs Basketball double elimination round ng Marikina District Palaro na ginanap sa Marikina Sports Complex Basketball Court.
Umpisa pa lang ng laban ay sumisiklab na mga opensa ang ipinakita ng SEHS, na nagdulot ng walong puntos na pagitan sa dalawang koponan, 26-18.
Bumaba naman sa limang puntos ang naging agwat sa iskor ngunit agad din itong nakontra matapos magpaulan ng magkakasunod na puntos ang SEHS team captain, Chester Mariano, sa ikalawang kapat, 38-28.
Lalo pang lumobo ang lamang ng SEHS sa KNHS dahil sa dalawang matagumpay na three-point shots ni Tristan Sanchez, samantalang tinapos ni Mariano ang ikalawang kapat sa kaniyang dalawang two-point shots na nagresulta sa 13-puntos na agwat, 48-35, pabor sa SEHS.
Pagdating naman ng ikatlong kapat ay umabot sa 16 puntos ang layo ng SEHS sa KNHS na agad ding nalunasan matapos magpabagsak ng sunod-sunod na three-point shots ang KNHS, kaya namaโy napababa nila ang lamang na iskor sa 10 puntos, 76-66.
Ayon kay Mariano, pagsapit naman ng ikaapat na kapat ay kinailangan nilang gumawa ng panibagong game plan dahil hindi naging epektibo ang kanilang plano sa umpisa ng huling kapat.
โAng sabi lang po ni coach, gumamit lang po kami ng oras kasi lamang na lamang naman na raw po kami, so kapag ginamit po namin โyong oras, mauubos lang po nang mauubos,โ ani Mariano.
Bagaman nagawa pa nilang pababain ang agwat ng kanilang mga puntos, hindi pa rin nagtagumpay ang KNHS na maselyuhan ang kanilang panalo, kung saan natapos ang laro sa magkadikit na iskor, 104-99, at tinanghal naman na Most Valuable Player ng laban si Mariano.
Gayunpaman, binanggit ng team captain ng SEHS na kailangan pa nilang pagbutihin ang kanilang depensa para sa mga susunod nilang laban.
โKasi madalas po kaming nabubutasan sa ilalim, e, saka sabayan lang din po namin โyong sipag ng kalabanโmas sisipagan pa po namin para po makuha โyong panalo,โ ani Mariano.
Hindi pa tapos ang laban ng SEHS sapagkat nakatakda pa silang maglaro sa pagpapatuloy ng elimination round sa Lunes, Setyembre 29.