30/08/2025
"Past or Present?"
(Sana ma-post po, gusto ko lang ng advice)
Hi, I'm A. Gusto ko lang sana humingi ng advice at nahihirapan na ko sa sitwasyon kong ito. May girlfriend ako, si J. She is 30, at ako naman ay 24. Parehas kaming babae—oo, tama kayo, parehas kaming babae. Ako ay isang fem at siya naman ay le***an na masc.
Matagal na ang relationship namin, 5 years na. Wala akong masabi sa kanya—mabait, maalaga, may itsura po siya. Yung alam mo yung mapapalingon sa kanya ang mga babae, ganon. Maayos yung pakikitungo niya sa mga magulang ko at ako din naman sa mga magulang niya. Kaya ko din siya nagustuhan kasi bukod sa mabait at maalaga siya, napaka-romantic niyang tao at masasabi ko na good provider siya.
Ayaw niya din nakikita akong umiiyak o nasasaktan, kasi sabi niya nasasaktan din siya. Wala na kong hihilingin pa dahil na-open niya din sakin na gusto niya kong pakasalan. At after nun, gusto niya din daw na magka-anak kaming dalawa. Gusto niya daw na ako ang magiging mommy ng magiging anak namin. Sobrang saya ko po na gusto niya kong makasama habang buhay at na-vision niya yung ganon para sa future namin. Parehas naman kaming gusto ‘yon.
Ako din may work, isa akong VA (work from home). Siya naman may business at may work din. Kaya madalas ako naiiwan sa bahay, pero lagi ko naman siyang inaasikaso at maalaga din ako sa bahay at sa kanya. Always ko siyang pinaglulutoan. Pagdating niya sa bahay, may luto na at malinis, ang gagawin niya na lang ay kakain at magpapahinga. Sa 3 years na pagsasama namin—dahil nga live-in kami—ganon ang routine namin.
Pero this past few weeks, nag-iba siya. Paano ko nasabi na nag-iba siya? Dahil ayaw niya kong kausapin o kibuin, lalo na pag kinakausap ko siya. Para akong hangin sa kanya. Nasasaktan ako every time na kinakausap ko siya pero hindi niya ko kinikibo. Ang dami kong tanong sa isip: Bakit? Anong nagawa ko? Bakit niya ko ginaganto?
Ayaw niya kasing sabihin sakin kung anong problem niya—kung may problema ba siya sa work, sa sarili niya, o sakin ba. Basta, yung una, umaalis siya ng maaga—6am. Eh dati ang alis niya sa bahay ay 8am, kaya naaasikaso ko pa siya at nalulutuan ng baon. Ngayon, umaalis na siya ng 6am ng umaga. Pag-uwi naman niya, gabing-gabi na—11 or 12 na ng gabi, minsan madaling araw pa hanggang 2am. At kahit umuwi siya ng 2am, aalis pa din siya ng 6am. Di ko na alam gagawin ko, nahihirapan ako.
Pero isang araw, umuwi siya mga 7pm. Pag-uwi niya, nakatulog siya agad sa kwarto namin. Eh ako naman, na sobrang curious na talaga, parang mababaliw na kaka-isip kung bakit siya ganon. Tiningnan ko na phone niya. Akala ko nagpalit na siya ng password, buti na lang hindi.
So chineck ko talaga lahat—FB, Messenger, Telegram, IG, o kahit TikTok pa niya. Wala naman akong nakita. Pero na-open ko yung messages, may nakita akong number don na walang name, number lang talaga. Ang nakalagay:
“Sino ba talaga pipiliin mo, yung present mo o yung past mo na true love mo?”
At ang sinagot ng girlfriend ko don ay:
“Di ko pa alam, pag-iisipan ko pa.”
Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Nasasaktan ako.
Ano ba dapat kong gawin? Help nyo naman ako.