06/06/2026
Erwin Tulfo nag o off na ng comment section 😆😆 kahit ung mga kasamahan mo ganon din😆
PAHAYAG
MALAKING KASINUNGALINGAN ang mga naging paratang ni Bernard Gumban, isa sa mga nagpakilalang 18 Ex-Marines, sa ginaganap na BOGUS BLUE RIBBON COMMITTEE HEARING. Sa sobrang daming kasinungalingan, siya mismo ay LITONG-LITO.
Una, sabi niya sa kanyang naunang sinumpaang salaysay, nag-deliver raw siya sa akin ng anim na medium-sized na maleta. Ngunit, galing na mismo sa kanyang bibig kanina na dalawa (2) at anim (6) na maleta ang kanyang idinedeklara.
Pangalawa, pati sa halaga ng diumano’y nilalaman ng mga maleta, NAGKAGULO-GULO NA. Sabi dati, kapag small, 15 to 25 million ang laman tapos ngayon, 20-25 million. Samantalang sa medium, 30 to 40 million sa affidavit, tapos 40-50 million naman ngayon. ANO BA TALAGA?
Kapansin-pansin din na pili lang ang mga binanggit kahit na sa una nilang affidavit, marami ang idinawit nila. May mga dinagdag pa.
Ito ba ang sinasabi nilang IMPARTIAL investigation? Kapag kaalyado ligtas ka, kapag tagapagtuligsa, delikado ka?
Hindi na ito isang simpleng imbestigasyon, ito ay isang malinaw at planadong propaganda laban sa aking pagkatao at reputasyon. Walang puwang sa Senado ang mga fake news at trolls. Sana nag-FB Live na lang kayo.
Magkita-kita tayo sa lehitimong Blue Ribbon Committee Hearing. #