09/01/2026
"MALINIS KAHIT MARUMI"
Kuya Jay, nais ko na dito umpisahan ang aking story, gaano ka man karumi, nalilinis din,
Si Rex ang kinakasama ko. 19 lang ako noon, at isang drp out student, mahirap kami, kaya ang naging tahanan ko ay kalye, ay pagsama sa ibat ibang lalake, si rex noong una, akala ko pagmamahal 'yung pagiging possessive niya. Hindi pala. Pag-aari lang pala ang tingin niya sa akin. Kapag gusto niya, dapat makuha niya. Hindi mahalaga kung may sakit ako, kung pagod ako o kung wala ako sa mood. "Asawa kita, tungkulin mo 'to," 'yan ang laging linya niya habang pinipilit ako. Kahit labag sa loob ko, hinahayaan ko na lang para matapos na.
Pero ang pinak**asakit, hindi lang siya ang gumagamit sa akin.
Nagsimula 'yun sa isang gabi ng inuman. Lasing sila ng mga tropa niya. Akala ko, papatuluyin lang niya ako sa kwarto para makapagpahinga. Pero tinawag niya ako. Paglabas ko, nakita ko ang tingin ng mga kaibigan niya, malagkit,
Sabi ni Rex sa kanila, "O, 'di ba? Sabi ko sa inyo, ayos 'yan."
Tapos tinulak niya ako sa kanila. Ibinenta niya ako kapalit ng ilang bote ng alak at pakikisama sa mga "tropa" niya. Sa gabing 'yun, nawala ang huling piraso ng respeto ko sa sarili ko. Pinanood lang ako ni Rex habang pinagpipistahan ako ng ibang lalaki. Parang basahan na ipinapasa-pasa. Parang trophy na pinagyayabang niya, Martir ako, sabi nila. Bakit hindi pa ako umalis? Minsan, nakakapagod na ring sumagot. Kapag araw-araw mong nararamdaman na wala kang halaga, darating 'yung point na maniniwala ka na lang na dito ka lang talaga nararapat. Na ang katawan ko ay hindi akin, kundi gamit lang para sa kasiyahan nilang lahat.
Dumating ang gabi na naging huling huli na talaga. Nakaupo ako sa gilid ng k**a, naririnig ko na naman ang tawanan nina Rex at ng mga tropa niya sa labas. Alam ko na ang kasunod nun. Ang bigat na ng katawan ko, hindi na lang dahil sa sakit, kundi dahil sa pandidiri.
Pero may nagbago nung gabing 'yun. Tumingin ako sa salamin. Hindi ko na kilala ang mukha ko. Sabi ko sa sarili ko, "Venus, kung hindi mo 'to gagawin ngayon, mamamatay ka rito na parang basura."
Hindi ako nag-impake ng malaki. Isang maliit na backpack lang. Isang pares ng damit, ang itinatago kong pera na galing sa paglalabada na hindi alam ni Rex, at ang ID ko. 'Yun lang.
Lumabas ako ng kwarto. Nakita ako ni Rex, lasing na siya. "O, Venus, halika rito. Hinihintay ka ng tropa," sabi niya habang tumatawa.
Imbes na sumunod, dire-diretso ako sa pinto.
"Saan ka pupunta?" sigaw ni Rex. Tumayo siya, medyo pagewang-gewang. "Bumalik ka rito!"
Hindi ako lumingon. Hindi ako sumigaw. Binuksan ko ang pinto at tumakbo ako. Rinig ko ang mura niya at ang paghabol niya, pero dahil sa kalasingan, natumba siya sa may gate. Narinig ko ang kalabog, pero hindi ko hinintay na makatayo siya.
Tumakbo ako hanggang sa kanto kung saan may terminal ng jeep. Sumakay ako sa unang sasakyang umalis. Hindi ko alam kung saan ang dulo, basta ang alam ko, palayo sa kanya. Palayo sa mga tropa niya.
Habang umaandar ang jeep doon lang ako nakahinga nang malalim. Sa unang pagkakataon, ang katawan ko ay akin na ulit. Hindi ako laruan. Hindi ako gamit.
Anim na buwan na ang nakalipas. Hindi ako bumalik, kahit isang beses.
Nasa malayo akong probinsya ngayon, nakikitira sa isang malayong k**ag-anak na matagal ko nang hindi nakakausap. Noong una, hindi ako makatulog. Bawat kalabog ng pinto, akala ko si Rex. Bawat lalaking nakatambay sa kanto, akala ko isa sa mga tropa niya na susubukan na naman akong gamitin.
Pero unti-unti, naging maayos ang lahat.
Nagtatrabaho ako ngayon sa isang maliit na kainan. Simple lang, naghuhugas ng plato, nagsisilbi sa mga customer. Ang sahod, hindi kalakihan, pero sa akin lahat 'yun. Walang kukuha para pambili ng alak. Walang hihingi kapalit ng pananahimik ko.
Isang hapon, habang naglilinis ako ng mesa, may isang grupong lalaki na pumasok. Nagtatawanan sila, maingay, amoy alak ang isa. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlamig ang mga k**ay ko. Pero imbes na yumuko at manginig, huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa kanila nang diretso. Order lang ang kailangan nila, hindi ako. Nang matapos silang kumain at umalis, doon ko napatunayan na hindi pala ako ng pakay nila,
Minsan, tinitingnan ko ulit ang sarili ko sa salamin. May mga peklat pa rin sa isip ko, hindi 'yun basta-basta mawawala. Pero iba na ang tingin ko sa sarili ko. Hindi na ako 'yung "Venus" na laruan lang. Ako na si Venus na may sariling desisyon.
Ngayon, kapag pagod ako, natutulog ako dahil gusto ko. Kapag ayaw ko, walang pwedeng pumilit sa akin. Sa wakas, hawak ko na ang sarili kong buhay,
Sa mga gabing tahimik at mag-isa lang ako sa higaan, doon lumalabas ang mga isiping hindi ko masabi sa iba.
Alam ko ang kwento ko, biktima ako, ginamit ako, binaboy ako. Galit ako kay Rex dahil ibinenta niya ako. Pero sa gitna ng galit na 'yun, may isang bahagi ng pagkatao ko na pilit kong itinatago, ang katotohanang may mga sandali noon na, sa kabila ng takot at pagpilit, may naramdaman akong hindi ko dapat naramdaman.
May mga gabi noong nakapila ang mga tropa ni Rex, na habang nangyayari ang lahat, tila humiwalay ang isip ko sa katawan ko. Doon ko natuklasan na sa gitna ng rurok ng pagkapahiya, may kakaibang sipa ang pakiramdam na pinagkakaguluhan ka ng marami. Ang atensyong 'yun, kahit na marumi at sapilitan, ay nagbigay sa akin ng isang uri ng kapangyarihan na noon ko lang naramdaman.
Naramdaman ko ang init, ang bigat, at ang pagnanasa nila. At ang masakit aminin? May mga pagkakataong nag-enjoy ako. Nag-enjoy ako sa pakiramdam na kailangang-kailangan nila ako sa sandaling 'yun, kahit na bilang gamit lang.
Ngayong malaya na ako kay Rex, akala ko sapat na ang katahimikan. Pero minsan, hinahanap-hanap ko 'yung gulo. Hinahanap ko 'yung pakiramdam na maraming k**ay ang humahawak sa akin, 'yung tensyon ng dami ng lalaking nakatingin sa akin.
Gusto ko itong maranasan ulit. Pero sa pagkakataong ito, hindi dahil utos ni Rex. Hindi dahil kailangan kong gawin para sa alak niya. Gusto ko itong gawin dahil gusto ko.
Gusto kong maranasan ang "pila" na 'yun nang ako ang may hawak ng kontrol. Gusto kong makita ang pagnanasa sa mga mata nila, pero sa pagkakataong ito, ako ang pipili kung kailan magsisimula at kailan hihinto.
Hindi nagtagal, lumipat ako ng tirahan sa lungsod. Doon, walang nakakakilala sa akin bilang ang "martir ni Rex." Naghanap ako ng trabaho sa isang bar, hindi bilang waitress, kundi bilang tagapamahala sa likod ng VIP lounge. Doon ko nakita ang mundong kailangan ko, isang mundong puno ng laro at pagnanasa.
Isang gabi, pagkatapos ng shift, kinausap ko ang tatlo sa mga regular na parokyano doon. Mga lalaking may pera, may itsura, at alam kong naghahanap ng higit pa sa alak. Hindi ako natatakot ngayon. Walang Rex na nagtutulak sa akin; ako ang lumapit.
"Gusto niyo ba ng mas masayang gabi?" tanong ko. Deretso ang tingin, walang kurap.doon ko muling nakita ang mga ng mga lalake na parang kumikislap,
Dinala ko sila sa isang pribadong unit na nirenta ko. Pagpasok pa lang, naramdaman ko na ang tensyong pamilyar, , ang mga titig na gutom. Pero imbes na manginig ang tuhod ko, naramdaman ko ang init sa katawan ko. Ito 'yung hinahanap ko.
Pinaupo ko sila. "Ako ang magdidikta," sabi ko sa kanila. "Walang gagawa ng hindi ko gusto."
Sa gabing 'yun, naulit ang "pila." Pero malaking-malaki ang pagkakaiba. Noong panahon ni Rex, nakapikit ako at umiiyak sa dumi. Ngayon, nakadilat ako. Pinapanood ko ang bawat galaw nila. Ninanamnam ko ang bawat hawak at bawat ungol.
Naramdaman ko ulit 'yung pakiramdam na pinagkakaguluhan, 'yung pakiramdam na sa sandaling 'yun, ako ang sentro ng mundo nilang tatlo. Pero sa pagkakataong ito, hindi ako laruan na ipinapasa-pasa. Ako ang premyo na kailangang pagsilbihan.
Hindi na lang ito simpleng kagustuhan; naging pangangailangan na ito. Para na akong adik na naghahanap ng susunod na "hit." Sabi ng iba, baka raw dahil ito sa trauma, na dahil sinira ni Rex ang konsepto ko ng respeto at pag-ibig, ang tanging paraan para maramdaman kong buhay ako ay ang balikan ang mismong sakit na sumira sa akin.
Hinahanap-hanap ng katawan ko 'yung pakiramdam na dinudumog. 'Yung pakiramdam na walang kontrol, kahit na sa totoo lang, ako ang nag-aanyaya.
Gabi-gabi, iba’t ibang lalaki. Minsan, dalawa, tatlo, o higit pa.
Mas marami, mas ramdam ko 'yung sarap, Kapag mag-isa lang ako, nararamdaman ko 'yung sobrang lumbay at dumi, kaya ang tanging solusyon ay magpatawag ulit ng mapaglilibangan. Ang trauma na naranasan ko kay Rex, ang pagtrato sa akin na parang gamit, ay naging isang malalim na sugat na ang tanging gamot ay ang kiskisan ng ibang katawan.
May mga oras na habang nasa gitna ako ng gulo, biglang papasok sa isip ko si Rex at ang mga tropa niya. Sa halip na matakot, mas lalo akong nanggigigil. Ginagaya ko ang mga eksenang iyon, pero ngayon, ako ang nag uutos, Pero kahit ako ang masusunod, aminin ko man o hindi, alipin pa rin ako ng pakiramdam na iyon.
Nawalan na ako ng pakialam sa pangalan, sa relasyon, o sa kinabukasan. Ang mahalaga lang ay ang init ng sandali, ang bigat ng ibang tao sa ibabaw ko, at ang panandaliang pagkalimot na ako ay isang tao na may mas malalim pang halaga.
Naging "Venus" ako sa paraang hindi ko inaasahan, isang simbolo ng pagnanasa na walang hangganan, pero sa loob-loob ko, alam kong ito ay isang paraan lang ng pagtakas sa isang sugat na hindi kailanman naghilom.
Sa gitna ng magulo at madilim na buhay ko, dumating si Elias. Hindi siya tulad ng mga lalaking kinakasama ko gabi-gabi. Hindi siya bastos tumingin, at hindi rin siya naghahanap ng "pila."
Lagi ko syang nakikita na nakatayo sa kanto malapit sa bar, may kasama din sya minsan mga babae, may dala silang mga librong maliit at nagsasalita ng mga ewan at hindi ko maintindihan,
Isang gabi, matapos ang isang matinding session kasama ang ilang lalaki, lumabas ko kahit na
9am ng umaga, na dapat ay tulog ako, naupo ako malapit sa puwesto nya, umupo lang ako, hindi ko alam kung bakit ako umiyak noon, basta nag eemote lang ako, lumapit si elias sa akin, binigyan nya ako ng tissue at,
Gusto mo ba ng tulong? Nandito ako makikinig,
Kuya jay naka upo ako, nagsasalita ako ng kahibangan ko, si elias nakatingin lang sa akin hanggang sa hawakan nya ang dalawang k**ay ko,
Magpahinga ka muna, sama ka sakin, sabi nya, hindi ko alam kung bakit ako sumama, sabagay, sanay naman ako sumama kahit kanino, hindi ko na matandaan kung saan lugar yun, basya presko ang paligid, tahimik at natulog ko doon, na parang napakatagal, pakiramdam ko tatlon araw ako natulog ng derecho, kasi pag gising ko, maga ang mga mata ko, pero ang gaan ng pakiramdam ko, fresh at malinaw ang isip ko, kinausap ako ng isang babae, pero wala akong masyadong naunawaan, basta sa isip ko noon, umuwi na at bumalik kung saan ako galing,
Pinayagan naman nila ako, pero ng sumunod na araw, nandoon na naman si elias, at ako pala talaga ang inaabangan nya.,
"Alam ko ang ginagawa mo, Venus," diretsahan niyang sabi. Walang halong panghuhusga sa boses niya. "Pero hindi mo kailangang gawin 'yan para lang mapatunayang buhay ka."
Natawa ako. "Ano bang alam mo? Marumi ako, Elias. Sanay na ako sa ganito. Ito na ang buhay ko." yung ang usapan namin, na para bang alam na ni elias ang buong nangyari sa buhay ko,
Pero hindi siya sumuko kuya jay, Sa mga sumunod na linggo, lagi siyang nandoon. kinakausap ako na parang tao, hindi parang laman.na tulad ng mga lalaking nakasama ko, Isang gabi, habang nasa tapat kami ng pinto ko, hinarap ko siya.
"Bakit mo 'to ginagawa? Alam mo kung ilang lalaki na ang dumaan sa akin. Alam mo kung gaano ako karumi."
Hinawakan ni Elias ang mga k**ay ko. "Hindi ka marumi, Venus. Sugatan ka lang. At kahit gaano pa karaming lalaki ang humawak sa iyo, hindi nun mababago ang halaga mo sa paningin ko. Mahal kita, at gusto kitang tulungan na makita ang sarili mo na hindi tumitingin sa kung ano nakaraan mo,
Doon ako bumigay ng iyak, Sa loob ng maraming taon, iyon ang unang pagkakataon na may humawak sa akin na hindi pagnanasa ang pakay. Ang pag-ibig ni Elias ay parang salamin na nagpapakita sa akin ng isang Venus na matagal ko nang kinalimutan, yung Venus na karapat-dapat mahalin nang buo, hindi piraso-piraso.
Hindi naging madali. Ang katawan ko, hinahanap pa rin ang trauma. Pero sa bawat gabi na gusto kong bumalik sa madilim na gawi, nandoon si Elias para yakapin ako hanggang sa makatulog ako. Unti-unti, pinalitan niya ang sakit ng katahimikan.sa pamamagitan ng dasal nya,
Hanggang sa isinama nya na ako sa sinasabi nyang bahay nila, Hindi ko akalain na sa isang simbahan pala ako dadalhin ni Elias. Doon ko nalaman ang lahat, si Elias ay isang pastor. Hindi siya lumapit sa akin para husgahan ako, kundi para hanapin ang kaluluwa kong matagal nang nawawala.
Isang Linggo, isinama niya ako sa kanilang church. Noong una, ayaw kong pumasok. Nahihiya ako. Pakiramdam ko, masusunog ang balat ko sa dumi ng nakaraan ko. Pero hinawakan ni Elias ang k**ay ko at sinabing, "Ang simbahan ay hindi para sa mga banal, kundi para sa mga sugatang tulad mo."
Habang nagsisimula ang kanta at naririnig ko ang bawat salita tungkol sa pagpapatawad, parang may kung anong humahaplos sa puso ko. Pag-akyat ni Elias sa stage,, hindi siya nagmura o sumigaw. Nagsalita siya tungkol sa isang babaeng nabaon sa pagkak**ali pero binigyan ng bagong buhay.na para bang ako ang tinutukoy nya,
Doon na ako humagulgol. Hindi lang basta iyak, galing sa kaibuturan ng pagkatao ko. Nagising ako sa katotohanan. Napakalaki ng kasalanang ginawa ko, hindi lang dahil sa ginawa sa akin ni Rex, kundi dahil hinayaan kong maging adik ang katawan ko sa dumi at trauma. Kinamuhian ko ang sarili ko habang nakaluhod sa sahig ng simbahan.
"Patawad," bulong ko sa gitna ng iyak. "Patawad sa paglapastangan sa sarili kong katawan."
Sa sandaling iyon, parang may mabigat na kadena na kumalas sa akin. Ang pagnanasa na hanapin ang "pila," ang adik na paghahanap sa sakit, lahat 'yun ay biglang naglaho. Pinalitan ito ng isang uri ng kapayapaan na hindi kayang ibigay ng kahit sinong lalaki.
Pagkatapos ng service, nilapitan ako ni Elias. Hindi niya ako tinanong kung bakit ako umiyak. Ngumiti lang siya at sinabing, "Welcome home, Venus."
Simula noon, tinalikuran ko na ang madilim na mundo. Nagbago ako, hindi dahil kailangan, kundi dahil natutunan ko na ang tunay na pag-ibig ay hindi nakukuha sa dami ng humahawak sa iyo, kundi sa Isang nagligtas sa iyo mula sa hukay. Kasama ni Elias, sinimulan ko ang isang bagong buhay, isang buhay na malinis, payapa, at puno ng pag-asa.
Ikinasal kami ni Elias sa mismong simbahan kung saan ako unang lumuhod at umiyak. Simple lang ang seremonya, pero para sa akin, iyon ang pinak**alinis na sandali ng buhay ko. Sa harap ng Diyos at ng mga tao, tinanggap ako ni Elias nang buong-buo. Wala nang Rex, wala nang mga tropa, wala nang madidilim na gabi.
Lumipas ang mga taon, at naging malinaw sa amin na hindi kami magkakaroon ng sariling anak. Minsan, sumasagi sa isip ko na baka ito na ang "sumpa" o kabayaran sa mga taon na nilapastangan ko ang aking katawan. Noong una, may kirot,masakit na tanggapin na hindi ko mabibigyan ng supling si elias, nagkasakit kasi ako, siguro sobrang abuso at gamit ko sa aking katawan, nasira ang matris ko, nagkabukol at tuluyan ng tinanggal, pero hindi ako iniwan ni elias, mula sa pagpikit ko sa operating room, hanggang muling pagdilat ko sa recovery room, ang mukha ni elias ang nakikita ko,
Hindi man ako biniyayaan na magdala ng buhay sa aking sinapupunan, naging ina naman ako sa daan-daang bata na lumalapit sa amin. Kami ni Elias ang naging takbuhan ng mga ligaw na kaluluwa, ng mga kabataang nawawalan ng pag-asa, at ng mga sugatang babae na katulad ko noon. Ang bawat bata sa church ay itinuturing naming sariling aming anak,
"Salamat, Elias," madalas kong sabihin sa kanya habang nakaupo kami sa harap ng altar pagkatapos ng gawain. "Salamat dahil hindi mo ako tiningnan bilang basura, kundi bilang isang taong pwedeng mabago."
Ngingiti lang siya at sasabihing, "Instrumento lang ako, Venus. Ang Diyos ang tunay na nagligtas sa iyo."
Wala nang hihigit pa sa katahimikang nararamdaman ko ngayon. Ang dating katawan na ginamit at binaboy, ngayon ay ginagamit na sa paglilingkod. Ang bahay namin ay hindi lang isang gusali, kundi isang tunay na tahanan, isang extension ng tahanan ng Diyos na ipinakilala sa akin ni Elias.
Sa wakas, nahanap ko na ang tunay na ligaya na matagal kung hinahanap, , hindi sa k**ay ng maraming lalaki, kundi sa piling ng nag-iisang lalaking nagmahal sa kanya nang tapat at sa biyaya ng Maykapal.