
31/01/2025
Good day to all!
As you all know, nag-organize ang guild namin ng "Boost for a Cause" last year para makapag-raise ng funds para sa ka-guild namin na si Saydak na nakikipag-laban sa sakit na B-Cell Lymphoma ( cancer of the lymphatic system) para sa kanyang medical bills. Muli po ay nagpapasalamat po kami sa lahat ng tumulong at nakiisa sa aming fund-raising upang makatulong sa gamutan ng aming ka-guildmate. Hindi magiging posible iyon kundi dahil sa inyo.
Pero gusto po naming ipaalam sa inyo na tuluyan nang namaalam ang kaibigan namin kanina lamang dahil sa mga kumplikasyon ng kanyang sakit. He already lost his fight from cancer.
Isang nakakalungkot na araw para sa amin dahil nawalan kami ng isang kaibigan, pero Saydak kung nasaan ka man ngayon kami ay nagpapasalamat dahil dumating ka sa mga buhay namin, hindi ka man namin nakasama personally ay isa ka sa mga dahilan bakit patuloy na matibay ang guild natin. Pinatunayan lang na ang samahan ng guild natin ay hindi lamang dahil sa laro kundi itinuturing natin ang isa't isa na pamilya kahit ano mang hamon ang dumating sa atin at higit sa lahat, walang hindi kayang gawin kung para sa kapamilya.
You will be missed Saydak. Nasa puso ka naming lahat ♥️