24/10/2025
Naalala ko before noong mga panahong gusto na natin isumpa ang Miss Grand International dahil sa heartbreak na pinaranas ng org sa atin dahil sa sunod sunod na pagka unplaced ng mga candidates natin sa Miss Grand, nasundan pa non noong nagka issue si MJ Lastimosa at Papa nawat na halos kulang nalang sabihin ni nawat na banned na ang Philippines sa Pageants niya. Everytime na Miss Grand noon at may lalaban sa bansa natin alam na natin iyong magiging result dahil sa relationship ng may ari sa Filipino fans.
Until Lumaban si Samantha Bernardo and inilaban niya tayo ng buong tapang at nag end pa rin siya as First runner up, Sabe nga niya ang pinakamasakit na placement sa pageants ay First runner up kase nandoon kna pero di mo pa nakuha.
At noong 2024 ang nag iisang CJ opiaza ang pinaka unang Pilipina na nagsuot ng Golden crown, and alam naman natin na Assumed Queen lang siya dahil sa Dethroned Queen na si Gupta. Though hindi ganon ka perfect iyong moment na iyon but still, she gave her 100% best at tinapos niya ang reign at responsibility as Queen at doon palang nakaka proud siya at subrang minahal siya ng mga pilipino at kahit international fans dahil sa napakabuti niyang Personalities
At sinong mag aakala nga nitong nakaraang Edition ng Miss Grand International 2025 na ginanap sa Bangkok Thailand, Kinoronahan si Emma Mary Tiglao na tubong Mabalacat, Pampanga bilang panagalawang Pilipina na nagsuot ng pinakabagong korona ng Miss Grand International. Ito ang totoong victory para sa bansang pilipinas , na akala natin forever na tayong unplace sa pageant na ito pero binigyan tayo ng Back to Back winners, at ito ay magtatala sa History ng Pageants sa buong mundo.
Nakakaproud maging isang Pilipino, nagpapatunay lamang ito na kahit madaming problema ang dumarating sa bansa natin, corruption, lindol, bagyo , Kaya pa rin natin magkaisa at sumuporta sa ating mga kababayan. Mabuhay !