
02/07/2025
Worth reading.
May point naman. Kaya need talaga natin to plan ahead para hindi tayo maging pabigat sa mahal natin sa buhay. 👨👩👧👦
Life is so short and we never know what tomorrow brings. 💛
“NAMATAYAN KA NA,
MABABAON KA PA SA UTANG.”
———————————————-
Wife:
Hi RM.
Balak ko po kasi kumuha sa “life plan”
yung cremate muna, bago iburol….
pero ang plan ko—
after cremate….
wala na talagang burol na magaganap.
Ilang beses na po kasi kame namatayan
at ang bigat po sa bulsa.
Yes, may mga nagbibigay at nag-aabuloy
pero di pa rin po sapat
sa gastos sa burol.
Yung last na namatay samin
2months ago na
pero til now,
nagbabayad pa rin kame ng utang…
(💙RM: NOTED SA UTANG🎯)
——
at dun sa side ng asawa ko,
iba kasi sa kanila pag may patay,
parang bday
na magluluto ka talaga araw-araw ng foods
para sa mga nakikipaglamay
at nadating na mga bisita.
Nakakahiya naman daw na dumayo
tas hindi pakakainin.
Di sapat ang juice at biscuit…
Lalo na nung last lamay….
ilang kilo at putahe ang niluto
para da mga nakikipaglamay.
——-
Iba po kasi nakagisnan ko sa side ko,
pag may patay…..
biscuit kape at juice lang…..
kahit sino pa mga bisita.
Magluto man sa last lamay,
sopas lang….
tska sa libing….
dun lang pakainin kahit paano…
(💙RM: SA SIDE MO,
KAPAG MAY NAMATAY,
GUMAGASTOD KAYO
WITHIN YOUR MEANS & EARNINGS.✔️)
Pero sa side ng asawa ko,
medyo mabigat ang gastos
at gusto nila ganon din ang gagawin ko
kung kung sakaling yung asawa ko
na kamag-anak nila ang mawala.
——
Sabi ko nga, namatayan ka na,
mababaon ka pa sa utang.
(💙RM: SIMPLY PUT—
YOU GUYS ARE SPENDING MORE
THAN WHAT U ARE EARNING….
PUTTING EXTERNAL “SASABIHIN NG TAO SA LAMAY”
IN HIGHER PRIORITY…..
THAN THE INTERNAL “MABABAON TAYO SA UTANG”.)
——
Wala daw ako magagawa,
dahil yun ang tradisyon nila…
pero ayoko sundin
dahil di naman sila ang mahihirapan.
(💙RM: KAYA NGA PINAPABUKOD NI GOD
ANG BAWA’T MAG-ASAWA,
SO THEY CAN ESTABLISH
THEIR OWN FAMILY TRADITIONS…
💙NASA SA INYO YANG MAG-ASAWA
IF U WILL FOLLOW OR NOT.
—-
🖤BUT AS TO YOUR HUSBAND,
PAG SIYA AGREE SA KAMAG-ANAK NYA
NA “WALA NA TAYONG MAGAGAWA,
DAHIL TRADISYON NAMIN ITO”…
🖤THEN SIYA ANG DAHILAN BILANG LIDER
WHY BOTH OF U
WILL REPEATEDLY GO INTO DEBT
KAPAG MAY NAMATAY
SA SIDE NI HUBBY.😞)
——-
Ganon gusto ko kapag ako namatay.
Cremate lang,
wala ng burol na mangyayari.
Ayokong makaabala
ng mga mahal ko sa buhay
hanggang sa huli.
Selfish po ba?
(💙RM: NO.❌
SELFISH BA YUNG AYAW MAGING PABIGAT
HANGGANG SA KAMATAYAN?☺️
🖤🖤🖤ANG TOTOONG SELFISH,
YUNG PINAPAGASTOS KA
LAMPAS SA INYONG KINIKITA…
PARA SATISFIED SILA SA TRADISYON
IN EXTERNAL PEOPLE-PLEASING…
KAHIT PAULIT-ULIT KAYONG
MALULUBOG INTERNALLY SA UTANG.🎯🎯🎯)
——