Balitang Marilao - Bayan Patroller

Balitang Marilao - Bayan Patroller BALITANG MARILAO (Bayan Patroller) ang maghahatid ng balita saan sulok man sa Marilao

MARILAO PNP, PINARANGALAN MATAPOS MAHULI ANG TOP 1 MOST WANTED PERSON NG REGION 3Kinilala ng Bulacan Police Provincial O...
23/06/2026

MARILAO PNP, PINARANGALAN MATAPOS MAHULI ANG TOP 1 MOST WANTED PERSON NG REGION 3

Kinilala ng Bulacan Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Jay B. Baybayin, Officer-in-Charge, ang natatanging serbisyo at dedikasyon ng mga tauhan ng Marilao Municipal Police Station matapos ang kanilang matagumpay na operasyon laban sa isang high-profile na pugante.

Iginawad ang parangal kina PLTCOL Jordan G. Santiago, Hepe ng Marilao MPS, kasama sina PCPT Joel G. De Leon, PCMS Ariel B. Gacutan, at PMSg Melchorson T. Roxas, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa pagkakadakip ng Top 1 Most Wanted Person ng Region 3.

Ayon sa Bulacan PPO, ang nasabing tagumpay ay bunga ng masusing koordinasyon, mahusay na intelligence operations, at dedikasyon ng mga operatiba sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Marilao PNP na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at hustisya sa komunidad sa pamamagitan ng epektibong pagpapatupad ng batas at pagtugis sa mga pinaghahanap ng hustisya.

VENTURANZA WATER SUPPLY SYSTEM, PORMAL NANG PINASINAYAAN SA LOMA DE GATOPormal nang pinasinayaan ang Venturanza Water Su...
23/06/2026

VENTURANZA WATER SUPPLY SYSTEM, PORMAL NANG PINASINAYAAN SA LOMA DE GATO

Pormal nang pinasinayaan ang Venturanza Water Supply System sa Barangay Loma de Gato, isang proyektong pinondohan ng Barangay at Lokal na Pamahalaan ng Marilao upang mapabuti ang suplay ng tubig para sa mga residente ng komunidad.

Sa isinagawang inauguration ceremony, nakiisa ang mga opisyal ng barangay, LGU Marilao, at mga kinatawan ng PrimeWater, na katuwang sa pagpapatupad ng proyekto. Layunin ng Venturanza Water Supply System na mabigyan ng mas maayos, sapat, at maaasahang serbisyo ng tubig ang mga pamilya sa lugar.

Ayon kay Mayor Jem Sy, malaking ginhawa para sa bawat tahanan ang pagkakaroon ng malinis at tuloy-tuloy na suplay ng tubig, lalo na sa mga lugar na matagal nang nakararanas ng kakulangan sa serbisyo.

Ang proyekto ay bahagi ng patuloy na pagtutulungan ng Barangay Loma de Gato, LGU Marilao, at PrimeWater upang mapalakas ang mga pangunahing serbisyo at imprastraktura na direktang makikinabang ang mga mamamayan.

₱34,000 HALAGANG SHABU NASAMSAM; 2 ARESTADO SA POT SESSION SA BRGY. LAMBAKINDalawang indibidwal ang naaresto matapos maa...
23/06/2026

₱34,000 HALAGANG SHABU NASAMSAM; 2 ARESTADO SA POT SESSION SA BRGY. LAMBAKIN

Dalawang indibidwal ang naaresto matapos maaktuhan sa umano’y pot session sa Brgy. Lambakin, Marilao noong gabi ng Hunyo 3, 2026.

Sa ulat ng Marilao Municipal Police Station sa pangunguna ni PLTCOL Jordan G. Santiago, agad na rumesponde ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa ilegal na paggamit ng droga sa lugar.

Sa tulong ng isang confidential informant, naaktuhan ang mga suspek na gumagamit ng hinihinalang shabu na nagresulta sa kanilang agarang pagkakaaresto. Nasamsam mula sa kanila ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na limang gramo at halagang humigit-kumulang ₱34,000, bukod pa sa iba’t ibang drug paraphernalia.

Dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at paghahanda ng mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy namang pinaigting ng Marilao PNP ang kampanya laban sa ilegal na droga bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

TOP 1 MOST WANTED NG REGION 3 SA KASONG STATUTORY R**E, NASAKOTE NG MARILAO PNP SA LAGUNAMatagumpay na naaresto ng Track...
23/06/2026

TOP 1 MOST WANTED NG REGION 3 SA KASONG STATUTORY R**E, NASAKOTE NG MARILAO PNP SA LAGUNA

Matagumpay na naaresto ng Tracker Team ng Marilao Municipal Police Station ang Top 1 Most Wanted Person ng Region 3 na nahaharap sa kasong Statutory R**e, sa isinagawang manhunt operation noong Hunyo 3, 2026 sa lalawigan ng Laguna.

Sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Jordan G. Santiago, Chief of Police ng Marilao MPS, naisakatuparan ang operasyon sa pamamagitan ng masusing intelligence monitoring at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang law enforcement units, na nagresulta sa pagkakadakip ng akusado matapos ang matagal na pagtugis.

Matapos ang pag-aresto, agad na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan at ang dahilan ng kanyang pagkakadakip sa wikang kanyang nauunawaan. Kasalukuyan namang inihahanda ang mga kinakailangang dokumento para sa kanyang turnover sa kaukulang hukuman.

Ayon sa Marilao PNP, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng kanilang patuloy na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas at ng kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Pinuri rin ng pamunuan ng pulisya ang Tracker Team ng Marilao MPS sa kanilang mahusay na koordinasyon at walang humpay na pagtugis sa mga indibidwal na may kinahaharap na mabibigat na kaso.

BULACAN BOARD MEMBER KAT HERNANDEZ, PINAPAKASUHAN NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE SA KADIWA ISSUENahaharap ngayon sa reklam...
28/04/2026

BULACAN BOARD MEMBER KAT HERNANDEZ, PINAPAKASUHAN NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE SA KADIWA ISSUE

Nahaharap ngayon sa reklamong isinampa ng Department of Agriculture si Kat Hernandez, na kasalukuyang Board Member ng Bulacan, kaugnay ng umano’y anomalya sa implementasyon ng Kadiwa ng Pangulo Program.

Ayon sa mga kawani ng ahensya, ginagamit umano ni Hernandez ang programa para sa sariling interes, kabilang ang paglalagay ng kanyang pangalan at mukha sa mga aktibidad. Isang gawaing iniuugnay sa tinatawag na “anti-epal” policy, at taliwas sa layunin ng programa na maghatid ng murang bilihin at dagdag kita sa mga magsasaka.

Lumabas din sa ulat na nagbebenta umano siya ng mga produkto sa mas mataas na presyo, tulad ng bigas na dapat ay P20 pesos lamang ngunit P33 pesos binibenta ni Board Member Kat Hernandez sa mga walang ID ng PWD, senior citizen, at solo parent. Bukod pa rito, nagbebenta pa umano si Board Member Kat Hernandez ng P1450 kada sako ng NFA na mahigpit na ipinagbabawal.

Dahil dito, sinuspinde ng Department of Agriculture ang partner na kooperatiba ni Hernandez habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Bukod sa isyu sa Kadiwa, inireklamo rin si Hernandez ng ilang residente ng Marilao kaugnay ng umano’y mahirap na proseso ng availment sa PhilHealth Yakap Program. Ayon sa mga reklamo, pinapapunta pa umano ang mga residente sa mga kalapit na lungsod tulad ng Meycauayan, San Jose Del Monte, at Quezon City upang doon magproseso, dahil diumano roon rehistrado ang mga partner clinics.

Dagdag pa rito, lumabas din sa imbestigasyon na umano’y kumukuha ng komisyon si Hernandez mula sa mga private clinic kung saan niya ipinadadala ang mga pasyente.

Sinubukan kunin ang panig ni Board Member Kat Hernandez hinggil sa mga paratang, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa itong opisyal na pahayag.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga kinauukulan habang hinihintay ng publiko ang kanyang sagot sa mga seryosong alegasyon.

SUMADSAD SA SURVEY ANG GABINETE—PERO MAY 5 KALIHIM NA UMANGAT! Alamin kung sino-sino!Sa gitna ng bumababang tiwala ng pu...
23/04/2026

SUMADSAD SA SURVEY ANG GABINETE—PERO MAY 5 KALIHIM NA UMANGAT! Alamin kung sino-sino!

Sa gitna ng bumababang tiwala ng publiko sa Gabinete ng administrasyong Marcos, may limang kalihim na nananatiling matatag, epektibo, at patuloy na pinagkakatiwalaan ng taumbayan!

Ayon sa pinakahuling survey ng Tangere na isinagawa noong Abril 9–11, 2026, bumagsak ng 7.87% ang satisfaction rating at 4.39% ang trust rating ng buong Gabinete kumpara noong Enero. Ibig sabihin mas naging mapanuri at mapili na ang publiko sa kanilang mga lider.

Pero sa kabila nito, may mga kalihim na patuloy na namumukod-tangi sa kanilang performance at tiwala ng publiko.

Nangunguna si Sonny Angara dahil sa paggamit ng digital platforms para sa reporma sa edukasyon. Sumunod sina Rex Gatchalian para sa mabilis na serbisyong panlipunan at Vince Dizon para sa transparency at laban sa korapsyon. Kinikilala rin si Renato Solidum Jr. sa pagbibigay ng kapaki-pakinabang na datos.

At hindi rin nagpahuli sa listahan si Department of Agrarian Reforrm (DAR) Secretary Conrado Estrella III, na patuloy na umaangat sa mata ng taumbayan.

Nakakuha si Estrella ng 34% satisfaction rating at 38% trust rating, patunay na ramdam ng mga magsasaka at maging ng iba’t ibang sektor ang kanyang trabaho.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, mas pinaigting ang pamamahagi ng lupa at binigyang-diin na ang agrarian reform ay hindi lang para sa mahihirap, kundi isa ring malaking oportunidad para sa pag-nenegosyo at pangmatagalang pag-unlad ng ekonomiya.

Dahil sa mga programang may konkretong resulta at mga kwentong tagumpay mula sa komunidad, patuloy na lumalawak ang tiwala sa Department of Agrarian Reform.

Sa panahon na marami ang nagdududa at kawalan ng tiwala sa gobyerno, may mga lider pa ring pinapatunayan na ang kanilang serbisyo ay tapat at ramdam ng ating mga kababayan.

2 INDIBIDWAL, NASAMSAM SA ANTI-DRUG OPS NG MARILAO PNPDalawang indibidwal ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drugs...
14/04/2026

2 INDIBIDWAL, NASAMSAM SA ANTI-DRUG OPS NG MARILAO PNP

Dalawang indibidwal ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marilao Municipal Police Station sa Brgy. Lambakin nitong madaling araw ng Abril 14, 2026.

Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang suspek at pagkakasamsam ng ilang hinihinalang pinatuyong dahon ng ma*****na. Kaagad na dinala sa himpilan ng pulisya ang mga naaresto kasama ang nakuhang ebidensya para sa dokumentasyon at sumailalim sa tamang proseso.

Inihahanda na rin ang mga nakumpiskang ebidensya para sa laboratory examination ng Bulacan Provincial Forensic Unit upang matukoy ang kabuuang detalye ng kaso.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na inamyendahan ng RA 10640.

Patuloy namang nananawagan ang kapulisan sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapalakas ang kampanya kontra ilegal na droga at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

19-ANYOS, TIMBOG SA BUY-BUST; ₱37K HALAGANG “KUSH” NASAMSAM SA MARILAOArestado ang isang 19-anyos na lalaki matapos masa...
14/04/2026

19-ANYOS, TIMBOG SA BUY-BUST; ₱37K HALAGANG “KUSH” NASAMSAM SA MARILAO

Arestado ang isang 19-anyos na lalaki matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marilao Municipal Police Station sa Brgy. Loma De Gato, madaling araw ng Abril 8, 2026.

Ayon sa ulat, naisagawa ang operasyon sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at alinsunod sa umiiral na mga alituntunin. Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 23 gramo ng hinihinalang high-grade ma*****na o “Kush” na may standard drug price na humigit-kumulang ₱37,950.

Dinala ang suspek at mga ebidensya sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165.

Muling pinagtibay ng Bulacan Police Provincial Office ang kanilang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga at hinikayat ang publiko na makiisa at maging mapagmatyag upang mapanatili ang kaayusan sa komunidad.

𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗧𝗢𝗧𝗥𝗢𝗣𝗔, 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗕𝗢𝗦𝗢 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗢𝗣𝗢𝗧 𝗦𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 Arestado ang tatlong indibidwal matapos maaktuhan sa umano’y illega...
14/04/2026

𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗧𝗢𝗧𝗥𝗢𝗣𝗔, 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗕𝗢𝗦𝗢 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗢𝗣𝗢𝗧 𝗦𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡

Arestado ang tatlong indibidwal matapos maaktuhan sa umano’y illegal drug session sa Mayon Compound, Brgy. Abangan Norte, bandang 1:15 ng madaling araw.

Batay sa ulat, rumesponde ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa nagaganap na “pot session.” Sa kanilang pagdating, nadatnan ang mga suspek na aktwal na gumagamit ng hinihinalang ilegal na droga na nagresulta sa kanilang agarang pagkakaaresto.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang 1 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱6,800, pati na ang iba’t ibang drug paraphernalia.

Dinala ang mga naaresto at ebidensya sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon. Haharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165.

Patuloy namang nananawagan ang kapulisan sa publiko na makipagtulungan at agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗖𝗧, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟𝗔𝗢Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang naare...
24/03/2026

𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗖𝗧, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟𝗔𝗢

Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Marilao Municipal Police Station sa Brgy. Lambakin bandang 3:20 ng madaling araw noong Marso 20, 2026.

Batay sa ulat ni PLTCOL Jordan G. Santiago, Hepe ng Marilao MPS, nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong (3) sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na ₱20,400, kasama ang isang 12-gauge shotgun, mga bala, at buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga naaresto at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Ayon kay PCOL Angel L. Garcillano, Provincial Director ng Bulacan PPO, sa patnubay ni PBGEN Jess B. Mendez, Regional Director ng PRO3, bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan sa lalawigan.

Address

Barangay Saog
Marilao
3019

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balitang Marilao - Bayan Patroller posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share