The Good Samaritan

The Good Samaritan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from The Good Samaritan, Digital creator, Camaya, Mariveles.

27/06/2026

YOU'RE TIRED BECAUSE YOU'RE CARRYING WHAT ISN'T YOURS.

Minsan akala mo pagod ka lang sa dami ng ginagawa mo. Busy schedule, responsibilities, expectations. But if you’re honest, hindi lang ito physical tiredness.

It’s deeper. It’s emotional. It’s mental. It’s spiritual.

Parang ang bigat-bigat ng dinadala mo,
and you don’t even know why.

But what if the reason you’re tired.. is because you’re carrying things God never asked you to carry?

Minsan dala mo ang expectations ng ibang tao.
Yung pressure na maging okay palagi.
Yung responsibility na ayusin ang lahat.
Yung burden na i-please ang lahat kahit nauubos ka na. And slowly, you start losing yourself just to keep everything together.

Other times, dala mo ang past.
Old pain, guilt, regrets, what-ifs.
Kahit tapos na ang season, binibitbit mo pa rin.

And it drains you.
Hindi mo napapansin,
pero ubos na ubos ka na.

And sometimes, you’re carrying tomorrow’s worries today. Iniisip mo na agad ang mga bagay na hindi pa nangyayari. You try to control outcomes, fix everything in advance, and carry responsibilities that were never placed on you yet. That kind of weight will always exhaust you.

Matthew 11:28 says, “Come to Me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest.” Hindi sinabi ni Jesus na “Ayusin mo muna lahat bago ka lumapit.”

He invites you while you’re still carrying it.
Pero may catch. Kailangan mong bitawan.

You cannot receive rest while holding on to what is weighing you down.

1 Peter 5:7 says, “Cast all your cares on Him because He cares for you.”

Ibig sabihin, hindi lang pwede, kundi kailangan mong isuko. God never designed you to carry everything alone. There are burdens that only He can handle.

Hindi lahat ng problema kailangan mong solusyunan. Hindi lahat ng tao kailangan mong i-please. Hindi lahat ng burden ay assignment mo.

Some things belong to God, not to you.

Let go of what isn’t yours.
Release the pressure.
Surrender the weight.

Because the moment you stop carrying what isn’t yours, is the moment you start experiencing the rest that God promised.

Godbless!

23/06/2026

DAPAT MO ITONG MAUNAWAAN KUNG IKAW AY NASA MINISTRY.

Ministry is a privilege. It's not because of what we can offer but because we're doing it for God.

And I want to share the things I've learned in Ministry.

1. Hindi ka palaging MOTIVATED pero kailangan mong maging CONSISTENT.

Hindi ka dapat palaging nakabase sa motivation.
May mga times talaga na discouraged ka pero kailangan mong piliing mag-serve kasi commitment yun.
You need to be consistent even if you're unmotivated.

2. SERVING is not equal to your CLOSENESS to God.
Magkaibang bagay yun. Yung pagtugtog na ginagawa natin halimbawa, iba yun doon sa personal relationship mo kay Lord. Posible na tutugtog ka tapos wala kang prayer life, na hindi okay yung relasyon mo.
Posible yun pero huwag mong gagawin kasi maaapektuhan yung buong ministry. Maaapektuhan yung congregation.
Hindi ibig sabihin na nagseserve tayo, close na tayo kay Lord.

3. May mga araw na MAPAPAGOD ka talaga kahit ginagawa mo ito para sa Diyos.

Nasa pisikal tayong katawan. Malamang sa malamang, may times talagang mapapagod ka and may times talagang kailangan mong mag-rest for a bit, matulog halimbawa.
Pero for me, I stand with remembering that you're committed.
You're committed to serving.
That's why I'm continuously doing it.
Mapapagod pero hindi susuko.

4. Hindi lahat ng kasama mo ay MAKAKASUNDO mo.

Magkakaiba tayo ng pinanggalingan, magkakaiba tayo ng mga kulturang kinalakihan. So ang kailangan ninyong gawin is mag-unawaan, magkaroon ng humility, maging willing magpa-correct at dapat always rooted sa Word ang mga desisyon.

5. DISCIPLINE is greater than FEELINGS.

Feelings is deceiving. Nasa katawan tayo eh. Kumbaga maaari kang madeceive ng kung ano ang nararamdaman mo.
What matters most is your discipline and you being rooted to the Word.
So maging disiplinado tayo.
Hindi feelings lagi ang basehan para gawin ang mga bagay na magpapalago sa relationship natin sa Lord.

Godbless!

22/06/2026

ANG HIRAP NAMAN MAGPATAWAD.

Minsan, mahirap magpatawad dahil matindi ang sakit.
Hindi maliit ang sugat.
Hindi mababaw ang ginawa sa iyo.
At may mga pagkakataong nasasabi nating, “Bakit ko siya patatawarin kung hindi naman siya nagsisisi?”

Pero kadalasan, ang dahilan kung bakit hirap tayong magpatawad ay dahil patuloy pa rin nating hawak ang right natin na gumanti, magalit, o panagutin ang taong nakasakit sa atin.
Ayaw nating bitawan ang sakit dahil pakiramdam natin, kapag nagpatawad tayo, para na rin nating sinabing okay lang ang ginawa nila.

Pero sa katunayan, ang pagpapatawad ay hindi pagsang-ayon sa maling ginawa sayo.
Hindi rin ito basta paglimot nalang sa nangyari.

Ang pagpapatawad ay pagsuko sa Diyos ng karapatang maghiganti at pagtitiwala na Siya ang makatarungang Hukom.

Kapag hindi tayo nagpapatawad, tayo rin ang nagiging alipin ng ating galit. Ang taong nakasakit ay maaaring naka move on na, pero tayo ay nakakulong pa rin sa nakaraan.

Efeso 4:32
32 Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Hindi madaling magpatawad, pero posible ito dahil tayo mismo ay pinatawad ng Diyos. Habang naaalala natin kung gaano kalaki ang biyayang tinanggap natin kay Cristo, natututo rin tayong magbigay ng biyaya sa iba.

Maaaring hindi mo na mabago ang nangyaring sakit, ngunit sa tulong ng Diyos, maaari mong piliing huwag hayaang kontrolin ng sakit ang iyong bukas.

Ang pagpapatawad ay hindi tanda ng kahinaan.
Ito ay tanda ng pusong nagtitiwala na ang Diyos na ang bahala sa hustisya, at Siya rin ang magpapagaling sa sugat na hindi kayang pagalingin ng panahon lang.

Godbless everyone!

20/06/2026

HINDI LAHAT NG GUSTO MO IBIBIGAY.

Hindi lahat ng gusto mo, ibibigay ng Diyos.
Hindi lahat ng ipinagpe-pray mo, agad-agad na mangyayari.
At hindi lahat ng inaasam mo, magiging parte ng plano Niya para sa’yo.

Pero hindi ibig sabihin nito na hindi Siya mabuti.

Sabi sa Matthew 6:8: “Your Father knows what you need before you ask Him.”

Alam Niya ang difference ng “want” at “need.”
Alam Niya kung ano ang makakasira sa’yo at kung ano ang makakapag-build sa’yo.

Kaya minsan, ang “no” Niya ay protection.
Ang “wait” Niya ay preparation.
At ang “different answer” Niya ay redirection.

Dahil mas mahalaga sa Diyos ang iyong destiny kaysa sa iyong desire.

Sabi sa Romans 8:28: “And we know that in all things God works for the good of those who love Him.”

Kahit hindi mo naiintindihan ngayon,
may ginagawa Siya na mas malaki kaysa sa hinihingi mo.

Kasi ang Diyos hindi lang nagbibigay ng comfort…
He builds character.
Hindi lang Siya nagbibigay ng temporary happiness…
He gives eternal purpose.

Kaya kung may prayer kang hindi pa nasasagot, huwag agad isipin na pinabayaan ka na Niya.

Baka iniingatan ka lang Niya.
Baka hinahanda ka lang Niya.
Baka may mas better pa kaysa sa hinihingi mo.

Dahil sa dulo,
hindi lahat ng gusto natin ang kailangan natin…
pero lahat ng kailangan natin, hindi Niya ipagkakait sa atin.

Godbless everyone!

19/06/2026

THE BATTLE IN MY MIND.

Ito ang laban na madalas walang nakakakita.

Tahimik lang outside,
pero maingay ang isip.

We smile in front of people,
pero pagdating ng gabi,
nakikipagdigma tayo sa sarili nating mga iniisip.

Fear whispers,
"You're not enough."
Guilt says,
"You've failed too many times."
Shame tells us,
"You'll never change."

At minsan, sa sobrang ingay ng lahat,
hindi na natin alam kung alin ang totoo.

But here's the truth:
Not every thought deserves your agreement.

Hindi dahil pumasok sa isip mo,
ibig sabihin galing ito sa Diyos.

Because the enemy attacks the mind
before he destroys the faith.

Kaya sabi sa 2 Corinthians 10:5,
"...we take captive every thought to make it obedient to Christ."

Ibig sabihin, hindi tayo alipin ng bawat iniisip natin.

Pwede nating dalhin ang ating mga takot,
alinlangan, at mga tanong sa paanan ni Jesus.

Because prayer is not our last resort.
It is our lifeline.

Kaya kung pagod ka na sa laban sa isip mo,
lumapit ka kay Lord.

Sabihin mo,
"Lord, ang gulo ng isip ko.
Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko.
Pero pipiliin kong maniwala sa sinasabi Mo kaysa sa sinasabi ng takot ko."

The battle in your mind is real.
But so is the presence of God.

At baka hindi agad matahimik ang lahat ng iniisip mo.
Pero habang hawak mo ang kamay ng Diyos, hindi ka matatalo ng mga boses na nagsasabing wala nang pag-asa.

Because you are not your intrusive thoughts.
You are not your fears.
You are not your failures.
You are a child of God.

And the same God who gives peace to the storm, can also bring peace to the storm within you.

The battle in your mind may be loud, but the voice of God is louder.

Godbless everyone!

18/06/2026

KRISTIYANO KA PA NAMAN.

Ilang beses mo na bang narinig ang linyang,
"Kristiyano ka pa naman, bakit ganyan ka?"

At totoo naman, bilang mga followers ni Christ, may expectation ang mga tao sa atin. Dapat makita sa buhay natin ang pagmamahal, kabutihan, at karakter ni Jesus.

Pero tandaan natin na ang pagiging Kristiyano ay hindi nangangahulugang perfect na tayo.
Hindi ibig sabihin na wala na tayong kahinaan.
Hindi ibig sabihin na hindi na tayo magkakamali.

Lahat tayo ay work in progress. Lahat tayo ay binabago pa rin ng Diyos araw-araw.

Pero may isang bagay din tayong dapat bantayan.
Huwag nating gawing dahilan ang linyang,
"Hindi naman ako perfect."
Para manatili sa maling ginagawa.

Huwag nating gawing excuse ang ating kahinaan para hindi na magbago.

Oo, hindi tayo perfect.
Pero hindi rin tayo dapat comfortable sa kasalanan.

Oo, nadadapa tayo.
Pero hindi ibig sabihin na hihiga na lang tayo sa pagkakadapa.

Ang tunay na Kristiyano ay hindi yung taong hindi nagkakamali.
Ang tunay na Kristiyano ay yung taong marunong magsisi, tumanggap ng pagtutuwid, at patuloy na lumalakad kasama ang Diyos.

2 Corinto 5:17
17 Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago.

Hindi sinabing magiging perfect ka agad.
Pero sinabi na magiging bago ka.

Magkakaroon ng pagbabago.
Magkakaroon ng growth.
Magkakaroon ng transformation.

Kaya mga kapatid, kapag may nagsabi sa'yo ng,
"Kristiyano ka pa naman,"
huwag mo agad isipin na inaatake ka.

Minsan, baka reminder iyon para tingnan natin ang sarili natin.
At kung may dapat bang baguhin.

Dahil ang goal ng Christian life ay hindi maging mukhang banal sa harap ng tao.
Ang goal natin ay maging mas katulad ni Cristo araw-araw.

Hindi tayo perfect.
Pero sa tulong ng Diyos, we must not stay the same.

Patuloy tayong mag-grow, patuloy tayong magbago, at patuloy tayong sumunod kay Jesus araw-araw.

Godbless everyone!

17/06/2026

ANG BIGAT NG CALLING NG ISANG LEADER.

Hindi biro ang maging leader.

Marami ang nakakakita ng entablado, pero hindi nila nakikita ang mga gabing lumuluha ka sa panalangin.
Nakikita nila ang pagtuturo, pero hindi nila nakikita ang mga laban na tahimik mong hinaharap.

Ang leadership ay hindi parang pagkakaroon ng korona sa ulo, ito ay parang pagbubuhat ng krus araw-araw.

Kaya ganun nalang din ang sinabi ng Panginoong Hesus kay Ananias tungkol sa magiging buhay ni Pablo bilang isa sa mga mag-lelead sa mga tao papunta sa Diyos.

Gawa 9:15-16
15 Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, “Pumunta ka roon, sapagkat siya'y pinili ko upang ipakilala ang aking pangalan sa mga Hentil, sa mga hari, at sa mga anak ng Israel. 16 Ipapakita ko sa kanya ang lahat ng dapat niyang tiisin alang-alang sa akin.”

Hindi lang sarili mo ang iniisip mo, kundi ang mga taong ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos. Ang bawat salita mo ay maaaring makapag encourage o magkapag discourage. Ang bawat desisyon mo ay maaaring maglapit o maglayo sa isang tao sa Panginoon.

Kaya mabigat ang calling ng isang leader.

May mga araw na gusto mong sumuko. May mga pagkakataong pakiramdam mo ay mag-isa ka.
May mga sugat na hindi mo maikwento sa iba.

Pero tandaan mo na ang Diyos na tumawag sa iyo ay Siya ring magbibigay ng lakas para ipagpatuloy ang calling Niya sa buhay mo.

Hindi ka tinawag dahil perpekto ka. Tinawag ka dahil sa biyaya ng Diyos.

Kaya kung isa kang leader, manatiling mapagpakumbaba.
Manatiling nananalangin.
Manatiling tapat.

Yes mabigat ang calling mo, pero ang Diyos na tumawag sayo ay mas dakila kaysa sa anumang bigat na iyong pinapasan.

Godbless everyone!

16/06/2026

ANG DIYOS NAKATINGIN SA PUSO, HINDI SA STATUS.

Sa panahon ngayon, masyado nang pinapahalagahan ang status.
Relationship status.
Social status.
Financial status.
At kahit social media status.

May mga tao na gustong magmukhang okay at sagana sa harap ng iba.

Pero tandaan natin na hindi tumitingin ang Diyos sa kung ano ang nakikita ng tao. Tumitingin Siya sa puso.

1 Corinto 1:27
27 Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas.

Maaaring simple lang tayo sa paningin ng tao, pero kung malinis ang puso natin, iyon ang mahalaga sa Diyos.

Hindi kailangan ng mamahaling damit para mahalin ng Diyos.
Hindi kailangan ng maraming followers para pagpalain Niya tayo.
At hindi kailangan ng perfect image para gamitin tayo ng Panginoon.

Minsan, magaling tayong magtago sa likod ng mukang maayos na finance, work, o relationship. Pero alam ng Diyos ang tunay nating nararamdaman — ang sakit, takot, at mga laban natin sa buhay.

At ang maganda rito: kahit alam Niya ang lahat tungkol sa atin, mahal pa rin Niya tayo.

Kaya mas pagandahin natin ang puso kaysa profile.
Mas ayusin natin ang relasyon natin sa Diyos kaysa image natin sa tao.

Dahil sa huli, hindi likes and approval ng mga tao ang magliligtas sa atin — kundi ang tunay na relasyon kay Cristo.

Godbless everyone!

16/06/2026

SA MINISTRY, IMPORTANTE KA PERO WAG KANG PA-IMPORTANTE.

Sa loob ng ministry, madaling ma-misunderstand ang value natin. Minsan, dahil ginagamit tayo ng Diyos, nagiging subtle ang shift, from being valuable to acting important.

Pero may malaking difference ang dalawa.
Narito ang ilang mahahalagang paalala:

1. MAHALAGA KA KASI MAY PURPOSE KA KAY LORD.
Hindi ka nilagay sa ministry by accident. May calling ka, may assignment ka. Every role, visible man o hindi, may impact sa Kingdom. Kaya dapat mong i-value ang responsibility
mo.

Ephesians 2:10 -"For we are God's
handiwork, created in Christ Jesus to do good works, which God prepared in advance for us to do."

2. PERO HINDI UMIIKOT ANG MINISTRY SAYO.
Hindi ikaw ang dahilan kung bakit umaandar ang gawain ng Diyos. Siya ang source, Siya ang center. Kahit wala ka, tuloy pa rin ang ministry, kasi kay Lord ito, hindi sayo.

Colossians 1:17-18-"He is before all things,
and in Him all things hold together... so that in everything He might have the supremacy."

3. ANG PAGIGING "PA-IMPORTANTE" AY NAGBUBUKAS NG PINTO SA PRIDE.

Kapag nagsimula kang mag-isip na
"kailangan nila ako," o "di pwedeng wala
ako," doon pumapasok ang pride. At kapag
may pride, nawawala ang grace.

Proverbs 16:18-"Pride goes before
destruction, a haughty spirit before a fall."

4. ANG TUNAY NA SERVANT, MARUNONG MAGPAKUMBABA.

Hindi kailangang mapansin para maglingkod.
Kahit walang spotlight, tuloy lang. Hindi
naghahanap ng credit-basta faithful sa
assignment.

Mark 10:43-44-"Whoever wants to
become great among you must be your
servant.."

5. SERVE WITHOUT NEEDING RECOGNITION.
Hindi lahat ng ginagawa mo makikita o
maa-appreciate ng tao. Pero okay lang. Ang mahalaga, nakikita ni Lord. Siya ang ultimate rewarder.

Matthew 6:4-"Then your Father, who sees
what is done in secret, will reward you."

6. REPLACEABLE KA, PERO VALUABLE KA.
Reality check: God can use anyone. Pero
grace na pinili ka Niya ngayon. Kaya instead na magpa-importante, magpasalamat at magpakumbaba, then give your best.

1 Corinthians 12:18-"But in fact God has
placed the parts in the body, every one of
them, just as He wanted them to be."

7. OBEDIENCE OVER IMPORTANCE.
Sa dulo, hindi sukatan ang pagiging
"importante," kundi pagiging obedient. Mas
mahalaga ang sumusunod kaysa sa sikat.

"God opposes the proud but gives grace to the humble."(James 4:6)

Sa ministry, hindi mo kailangang magpa-importante para maging mahalaga.
Maglingkod ka lang ng tapat, God will take
care of your significance.

Godbless everyone!

Proverbs 1:7 The fear of the Lord is the beginning of knowledge but fools despise wisdom and instruction.In most Christi...
28/04/2026

Proverbs 1:7 The fear of the Lord is the beginning of knowledge but fools despise wisdom and instruction.

In most Christian interpretations, “fear of the Lord” doesn’t mean being terrified of God in the way you’d fear danger. Instead, it’s about reverence, awe, and a deep respect for God’s authority and holiness. It’s more like recognizing that God is ultimate truth and aligning yourself accordingly.

From a Christian perspective:
True knowledge begins with humility—accepting that humans don’t know everything. It involves acknowledging God as the source of truth and moral order. It sets the foundation for wisdom, not just intellectual knowledge but how to live rightly.

So in short: it’s less “be scared of God” and more “start with deep respect for God, and that’s where real understanding begins.”

Address

Camaya
Mariveles
2105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Good Samaritan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share