Mariveles Tribune

Mariveles Tribune An independent media platform providing comprehensive news coverage, information services, and travel & lifestyle content.

๐‰๐š๐ฉ๐š๐ง๐ž๐ฌ๐ž ๐Œ๐š๐ง๐ฎ๐Ÿ๐š๐œ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž๐ซ ๐Œ๐ข๐ง๐ž๐›๐ž๐š๐Œ๐ข๐ญ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐ข, ๐Œ๐š๐ -๐ข๐ข๐ง๐ฏ๐ž๐ฌ๐ญ ๐ง๐  โ‚ฑ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐๐ข๐ฅ๐ฒ๐จ๐ง; ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ๐ž๐ฌ ๐Š๐š๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ซ๐ ๐ž๐ญ ๐ง๐š ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ค๐ข๐งNagpahayag ang...
31/05/2026

๐‰๐š๐ฉ๐š๐ง๐ž๐ฌ๐ž ๐Œ๐š๐ง๐ฎ๐Ÿ๐š๐œ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž๐ซ ๐Œ๐ข๐ง๐ž๐›๐ž๐š๐Œ๐ข๐ญ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐ข, ๐Œ๐š๐ -๐ข๐ข๐ง๐ฏ๐ž๐ฌ๐ญ ๐ง๐  โ‚ฑ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐๐ข๐ฅ๐ฒ๐จ๐ง; ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ๐ž๐ฌ ๐Š๐š๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ซ๐ ๐ž๐ญ ๐ง๐š ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ค๐ข๐ง

Nagpahayag ang Japanese electronics manufacturer na MinebeaMitsumi Inc. ng planong mag-invest ng โ‚ฑ25 bilyon sa Pilipinas upang palawakin ang operasyon nito sa semiconductor at advanced electronics manufacturing, isang hakbang na inaasahang lilikha ng humigit-kumulang 3,000 bagong trabaho.

Inilahad ng kumpanya ang expansion plans nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang pagpupulong sa Tokyo, Japan. Kabilang sa mga tinalakay ang pagpapalawak ng semiconductor back-end manufacturing, battery-related components para sa hyperscale data centers, Optical Image Stabilization (OIS) technologies, at iba pang advanced precision manufacturing activities.

Mayroon nang mga pabrika ang MinebeaMitsumi sa Santo Tomas, Batangas; Mariveles, Bataan; at Danao at Naga City sa Cebu. Nagsimula ang operasyon ng kumpanya sa Pilipinas noong 1980 at ngayon ay isa na sa pinakamalalaking manufacturing operations nito sa Asya.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ipinapakita ng planong pamumuhunang ito ang lumalaking papel ng Pilipinas sa global semiconductor at advanced electronics supply chain, gayundin ang patuloy na tiwala ng mga dayuhang mamumuhunan sa kakayahan ng mga manggagawang Pilipino.

Source: Presidential Communications Office (PCO)

๐ƒ๐š๐ญ๐ž ๐ง๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐ค๐š๐ฒ๐š? ๐’๐š ๐Ž๐ซ๐ข๐จ๐ง ๐๐š๐ซ๐ค? ๐ŸŒ™โค๏ธMukhang mas masarap nang maglakad-lakad at magkuwentuhan sa gabi sa bagong ayos na pa...
31/05/2026

๐ƒ๐š๐ญ๐ž ๐ง๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐ค๐š๐ฒ๐š? ๐’๐š ๐Ž๐ซ๐ข๐จ๐ง ๐๐š๐ซ๐ค? ๐ŸŒ™โค๏ธ

Mukhang mas masarap nang maglakad-lakad at magkuwentuhan sa gabi sa bagong ayos na park sa harap ng Orion Municipal Hall at katabi ng St. Michael the Archangel Parish Church.

Sa ganda ng ilaw at ambiance, parang magandang tambayan para sa pamilya, magkakaibigan, o baka naman sa inyong espesyal na tao. โœจ

Ikaw, kung may date ka ngayong gabi, dadalhin mo ba siya rito?

๐Ÿ‘‡ Tag mo nga ang gusto mong maka-date sa Orion Park. ๐Ÿ˜…

๐Š๐€๐’๐€๐‹๐”๐Š๐”๐˜๐€๐๐† ๐‹๐€๐†๐€๐˜ ๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐Š๐„๐‘ ๐๐† ๐‚๐Ž๐๐Ž ๐ƒ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐•๐„๐‹๐„๐’ ๐’๐€ ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐€๐๐ˆ๐๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜๐Ž ๐๐ˆ๐“๐ŽNgayong araw ay ginugunita ang anibersaryo ...
31/05/2026

๐Š๐€๐’๐€๐‹๐”๐Š๐”๐˜๐€๐๐† ๐‹๐€๐†๐€๐˜ ๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐Š๐„๐‘ ๐๐† ๐‚๐Ž๐๐Ž ๐ƒ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐•๐„๐‹๐„๐’ ๐’๐€ ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐€๐๐ˆ๐๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜๐Ž ๐๐ˆ๐“๐Ž

Ngayong araw ay ginugunita ang anibersaryo ng makasaysayang Copo de Mariveles. Sa kabila ng kahalagahan nito sa kasaysayan ng bayan, kapansin-pansin ang kasalukuyang kalagayan ng marker na nagsisilbing paalala sa isang mahalagang yugto ng nakaraan ng Mariveles.

Nawa'y magsilbi itong paalala na ang ating mga makasaysayang pook ay hindi lamang bahagi ng nakaraan kundi bahagi rin ng ating pagkakakilanlan bilang mga Mariveleรฑo.

Ano sa tingin ninyo ang dapat gawin upang mas mapangalagaan at mabigyang pansin ang mga makasaysayang lugar sa Mariveles?

Looking for magbubuhat ng Arko. Dalawa po. Tig โ‚ฑ4,500 po 1-hr Sagala. Nasa comment po yung Arko.
31/05/2026

Looking for magbubuhat ng Arko. Dalawa po. Tig โ‚ฑ4,500 po 1-hr Sagala. Nasa comment po yung Arko.

๐‰๐Ž๐‹๐‹๐ˆ๐๐„๐„, ๐†๐‘๐„๐„๐๐–๐ˆ๐‚๐‡, ๐€๐“ ๐‚๐‡๐Ž๐–๐Š๐ˆ๐๐† ๐๐€๐๐€๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€ ๐๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐•๐„๐‹๐„๐’? ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐…๐Ž๐Ž๐ƒ ๐“๐‘๐ˆ๐ ๐‡๐”๐ ๐๐€ ๐๐€ ๐ˆ๐“๐Ž?Bagong food trip at negos...
31/05/2026

๐‰๐Ž๐‹๐‹๐ˆ๐๐„๐„, ๐†๐‘๐„๐„๐๐–๐ˆ๐‚๐‡, ๐€๐“ ๐‚๐‡๐Ž๐–๐Š๐ˆ๐๐† ๐๐€๐๐€๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€ ๐๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐•๐„๐‹๐„๐’? ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐…๐Ž๐Ž๐ƒ ๐“๐‘๐ˆ๐ ๐‡๐”๐ ๐๐€ ๐๐€ ๐ˆ๐“๐Ž?

Bagong food trip at negosyo hub ang unti-unting bumubuo sa loob ng Freeport Area of Bataan sa Marivelesโ€”patunay na tuloy-tuloy ang paglawak ng komersyo at trabaho sa bayan.

Sa isang kasalukuyang development sa FAB, makikita ang isang lugar na pinatag at handa na para sa konstruksyon, senyales na may bagong establisyimento na itatayo sa mismong site. Habang wala pang opisyal na kumpirmasyon, usap-usapan na maaari itong paglagyan ng mga kilalang fastfood brands tulad ng Jollibee, Greenwich, at Chowkingโ€”mga brand na madalas sabay-sabay mag-expand sa mga bagong commercial areas.

Kung matutuloy, ito ay magdadala ng:

- mas maraming food options para sa mga manggagawa at residente sa FAB
- dagdag na trabaho at negosyo activity sa Mariveles
- mas buhay na commercial zone sa loob ng freeport

Ang Freeport Area of Bataan ay patuloy na nagiging sentro ng industrial at commercial development, kaya hindi na nakapagtataka na dumarami ang mga proyekto at bagong establisyemento sa loob nito.

๐Ÿ“ Sa ngayon, wala pang final announcement kung anong eksaktong brand ang itatayo, pero malinaw ang direksyon: mas pinalawak na lifestyle at food district sa loob ng FAB.

๐Ÿงญ Abangan ang susunod na updateโ€”posibleng isa na itong bagong tambayan ng mga Mariveleรฑo at workers sa Freeport.

๐‰๐„๐๐ˆ๐๐„ ๐Œ๐€๐„ ๐‘. ๐’๐Ž๐‘๐ˆ๐€๐๐Ž, ๐๐‘๐Ž๐๐™๐„ ๐Œ๐„๐ƒ๐€๐‹๐ˆ๐’๐“ ๐’๐€ ๐€๐‘๐๐ˆ๐’ โ€“ ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Ž๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Isang karagdagang karangalan para sa Lalawigan n...
31/05/2026

๐‰๐„๐๐ˆ๐๐„ ๐Œ๐€๐„ ๐‘. ๐’๐Ž๐‘๐ˆ๐€๐๐Ž, ๐๐‘๐Ž๐๐™๐„ ๐Œ๐„๐ƒ๐€๐‹๐ˆ๐’๐“ ๐’๐€ ๐€๐‘๐๐ˆ๐’ โ€“ ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Ž๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Isang karagdagang karangalan para sa Lalawigan ng Bataan!

Nakamit ni Jenine Mae R. Soriano mula sa Limay, Bataan ang Bronze Medal sa larangan ng Arnis (Full Contact โ€“ Featherweight Category) sa Palarong Pambansa 2026 na ginaganap sa Agusan del Sur.

Ipinakita ni Soriano ang husay, lakas, at determinasyon sa loob ng laban, patunay ng patuloy na pag-usbong ng mga atletang Batang Bataan sa pambansang kompetisyon.

Saludo ang buong lalawigan ng Bataan at buong rehiyon sa iyong ipinamalas na galing at sipag. Patuloy kang magbigay inspirasyon at magtagumpay sa mga darating pang laban.

๐€๐‹๐˜๐’๐’๐€ ๐€. ๐๐ˆ๐€๐Œ๐Ž๐๐“๐„, ๐๐‘๐Ž๐๐™๐„ ๐Œ๐„๐ƒ๐€๐‹๐ˆ๐’๐“ ๐’๐€ ๐€๐‘๐๐ˆ๐’ โ€“ ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Ž๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”BRONZE MEDAL PARA SA MORONG ATHLETE SA ARNISIsang m...
31/05/2026

๐€๐‹๐˜๐’๐’๐€ ๐€. ๐๐ˆ๐€๐Œ๐Ž๐๐“๐„, ๐๐‘๐Ž๐๐™๐„ ๐Œ๐„๐ƒ๐€๐‹๐ˆ๐’๐“ ๐’๐€ ๐€๐‘๐๐ˆ๐’ โ€“ ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Ž๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

BRONZE MEDAL PARA SA MORONG ATHLETE SA ARNIS

Isang malaking karangalan para sa Lalawigan ng Bataan!

Nakamit ni Alyssa A. Piamonte mula sa Morong, Bataan ang Bronze Medal sa larangan ng Arnis (Full Contact โ€“ Pinweight Category) sa Palarong Pambansa 2026 na ginaganap sa Agusan del Sur.

Ipinamalas ni Piamonte ang galing, disiplina, at tibay ng isang tunay na Batang Atleta na nagbigay karangalan hindi lamang sa kanyang bayan kundi sa buong rehiyon.

Saludo ang buong lalawigan ng Bataan at buong rehiyon sa iyong ipinamalas na galing at determinasyon sa Palarong Pambansa. Patuloy kang magbigay inspirasyon at magtagumpay sa mga darating pang laban.

๐’๐–๐ˆ๐Œ๐Œ๐„๐‘ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐•๐„๐‹๐„๐’: ๐’๐€๐Œ๐€๐๐“๐‡๐€ ๐. ๐ƒ๐„ ๐‹๐„๐Ž๐, ๐๐€๐†๐–๐€๐†๐ˆ ๐๐† ๐๐‘๐Ž๐๐™๐„ ๐’๐€ ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Ž๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿฅ‰ Bronze Medal para kay Samantha...
31/05/2026

๐’๐–๐ˆ๐Œ๐Œ๐„๐‘ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐•๐„๐‹๐„๐’: ๐’๐€๐Œ๐€๐๐“๐‡๐€ ๐. ๐ƒ๐„ ๐‹๐„๐Ž๐, ๐๐€๐†๐–๐€๐†๐ˆ ๐๐† ๐๐‘๐Ž๐๐™๐„ ๐’๐€ ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Ž๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐Ÿฅ‰ Bronze Medal para kay Samantha B. De Leon!

Nag-uwi ng bronze medal si Samantha sa 4x100 Meter Medley Relay sa Palarong Pambansa 2026 na ginanap sa Agusan del Sur sa ilalim ng Elementary Category.

Bukod sa medalya, nagtala rin siya ng mga kahanga-hangang resulta sa iba pang swimming events:

๐Ÿ… 4th Place โ€“ 4x50 Meter Freestyle Relay
๐Ÿ… 6th Place โ€“ 100 Meter Backstroke

Patunay ang kanyang tagumpay sa dedikasyon, disiplina, at husay sa paglangoy. Ang kanyang naging performance ay isa pang karangalang ipinagmalaki ng kanyang paaralan, komunidad, at rehiyon sa pinakamalaking pambansang palaro para sa mga mag-aaral.

๐Ÿ‘ Congratulations, Samantha!

31/05/2026

๐Ÿ… Any Palarong Pambansa 2026 medalists here in Bataan? ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Mariveles Tribune would like to feature and recognize our proud Bataeรฑo athletes who brought home medals from the Palarong Pambansa 2026! ๐ŸŽ‰

If you are a medalist, or if you know someone who is, send us a message with the following details:

โœ… Name
โœ… Municipality/City
โœ… Sport/Event
โœ… Medal won
โœ… Photo (optional)

Let's celebrate the hard work, dedication, and achievements of our local athletes! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

๐Ÿ“ฉ Send us a message today.

โ€˜๐‚๐Ž๐๐Ž ๐ƒ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐•๐„๐‹๐„๐’โ€™๐˜•๐˜Ž๐˜ˆ๐˜ ๐˜–๐˜•๐˜Ž ๐˜ˆ๐˜™๐˜ˆ๐˜ž ๐˜š๐˜ˆ ๐˜’๐˜ˆ๐˜š๐˜ˆ๐˜ ๐˜š๐˜ˆ๐˜ ๐˜ˆ๐˜• ๐˜•๐˜Ž ๐˜”๐˜ˆ๐˜™๐˜๐˜๐˜Œ๐˜“๐˜Œ๐˜š | ๐˜”๐˜ˆ๐˜ ๐˜– 31, 1898Sa araw na ito, Mayo 31, ginugunita natin ang ...
31/05/2026

โ€˜๐‚๐Ž๐๐Ž ๐ƒ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐•๐„๐‹๐„๐’โ€™

๐˜•๐˜Ž๐˜ˆ๐˜ ๐˜–๐˜•๐˜Ž ๐˜ˆ๐˜™๐˜ˆ๐˜ž ๐˜š๐˜ˆ ๐˜’๐˜ˆ๐˜š๐˜ˆ๐˜ ๐˜š๐˜ˆ๐˜ ๐˜ˆ๐˜• ๐˜•๐˜Ž ๐˜”๐˜ˆ๐˜™๐˜๐˜๐˜Œ๐˜“๐˜Œ๐˜š | ๐˜”๐˜ˆ๐˜ ๐˜– 31, 1898

Sa araw na ito, Mayo 31, ginugunita natin ang makasaysayang tagumpay ng mga Katipunero sa tinaguriang Copo de Marivelesโ€”isang mahalagang kabanata sa pakikibaka ng mga Mariveleรฑo para sa kalayaan laban sa pananakop ng Espanya.

Matapos ang mga pagpupulong ng mga rebolusyonaryo sa pangunguna nina Rafael Echevarria at Crisanto Rodriguez, at sa inspirasyon ng muling pagbabalik ni Heneral Emilio Aguinaldo mula sa Hong Kong, nagpasya ang mga Katipunero ng Mariveles na lumahok sa himagsikan.

Sa pangunguna ni Antonio Mendoza, inilunsad ang pag-aalsa noong Mayo 31, 1898. Sa hudyat ng tunog ng bombo, sinalakay ng mga Katipunero ang Casa Tribunal o munisipyo ng bayan.

Bagama't karamihan sa kanila ay armado lamang ng mga gulok, sibat na kawayan, at kakaunting baril, matagumpay nilang napasuko ang humigit-kumulang 25 sundalong Kastila. Ang tagumpay na ito ay naging simbolo ng katapangan at pagkakaisa ng mga Mariveleรฑo sa kanilang hangaring makamit ang kalayaan.

Ang tagumpay sa Copo de Mariveles ay itinuturing na isa sa mga mahahalagang pangyayari sa lokal na kasaysayan ng bayan, na nagpatunay sa tapang at determinasyon ng mga mamamayan ng Mariveles sa panahon ng Rebolusyong Pilipino.

Bilang paggunita sa makasaysayang pangyayaring ito, itinayo ang Copo de Mariveles Marker sa Barangay Poblacion, sa tapat ng Bataan People's Park. Hanggang ngayon, nananatili itong paalala ng kabayanihan ng ating mga ninuno at isa sa mahahalagang pamanang pangkultura ng Mariveles.

Sa pagdiriwang natin ng araw na ito, alalahanin natin ang sakripisyo at katapangan ng mga Mariveleรฑong lumaban para sa kalayaan. Ang kanilang pamana ay patuloy na nabubuhay sa bawat salinlahi na nagmamahal at nagpapahalaga sa kasaysayan ng ating bayan.



Mga Sanggunian:

Municipal History of Mariveles โ€“ Mariveles LGU (https://marivelesbataan.gov.ph/municipal-history/)
Provincial Government of Bataan (https://bataan.gov.ph/mariveles/)
"Preserving the Past: An Investigation into the Status and Conservation Efforts of Tangible Cultural Properties in Mariveles, Bataan, Philippines" (ResearchGate)
Formosa Journal of Applied Sciences Research โ€“ Cultural Properties in Mariveles
Narrative Report on Mapping of Tangible Cultural Properties in Mariveles, Bataan (2023)

Address

Mariveles

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mariveles Tribune posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share