25/02/2026
Hindi naman kayo magkaaway.
Wala namang sigawan.
Pero kanya-kanya.
Kanya-kanyang plano.
Kanya-kanyang gastos.
Kanya-kanyang problema.
“Bahala ka diyan.”
“Hindi ko na yan sakop.”
“Problema mo na yan.”
Tahimik lang ang bahay,
pero mabigat.
May isang kapatid na nahihirapan... iniiwasan.
May magulang na tumatanda... binabalewala.
May isang gustong umangat... walang sumusuporta.
Ang bahay sa labas, mukhang maayos.
Pero sa loob, parang bawat isa kanya-kanyang diskarte.
Minsan akala natin independence yan.
Na mature na kasi hindi na tayo umaasa.
Pero iba ang independent sa disconnected.
Kapag kanya-kanya ang mindset,
walang umaalalay kapag may nadapa.
Walang nagche-check kapag may nawawala.
Walang sumasagip kapag may kapos.
At sa totoo lang,
mas mabagal ang usad.
Hindi naman kailangan na lahat sabay-sabay.
Hindi rin kailangan na pare-pareho ang ambag.
Pero may difference kapag may alignment.
Kapag may isa na nagsusumikap, hindi siya pinipigilan.
Kapag may isa na nalulunod, may kahit isang kamay na aabot.
Kapag may plano ang pamilya, hindi agad sinasabing “wala akong pakialam.”
Hindi ito tungkol sa pera lang.
Mindset ito.
Kung kanya-kanya, kanya-kanya rin ang pagod.
Pero kung may konting tulungan,
kahit hindi pantay,
may momentum.
Hindi mo kailangang sagutin lahat.
Hindi mo kailangang akuin lahat.
Pero huwag din sana umabot sa punto na parang roommates lang kayo sa iisang bubong.
Mas mabilis umusad ang pamilya
kapag hindi kanya-kanya ang direksyon... kahit iba-iba man ang hakbang.