The Marker Publication

The Marker Publication The Official Student Publication of PUP - Mariveles, Bataan Campus since 1990.

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—ข๐—ช | Fourth Year Entrepreneur Students of Polytechnic University of the Philippines (PUP) Bataan Campus, gath...
10/10/2026

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—ข๐—ช | Fourth Year Entrepreneur Students of Polytechnic University of the Philippines (PUP) Bataan Campus, gather at the Campus Covered Court for their Business Implementation today.


๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—œ  IndigenKNOWS MoreSa unang tingin, mukhang usapin ito ng diskriminasyon o rasismo na agad pupukaw sa atensyon,...
10/10/2026

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—œ IndigenKNOWS More

Sa unang tingin, mukhang usapin ito ng diskriminasyon o rasismo na agad pupukaw sa atensyon, ngunit isa pala itong makapangyarihang paalala para sa Buwan ng mga Katutubo (Indigenous Peoples' Month). Dinadala nito ang mambabasa mula sa mababaw na pagtingin sa pagkakaiba-iba patungo sa mas malalim na pagninilay ukol sa ating kasaysayan, kultura, at sa patuloy na pakikibaka ng ating mga kapatid na Katutubo para sa kanilang ancestral domain at karapatan.

Oktubreโ€”National Indigenous Peoples Month, kung saan ngayon buwan na ito ay inaalala ang ating mga Indigenous People(IP) bilang pagkakaroon ng malaking bahagi sa ating bansa. Ito ay sa mga kultura, tradisyon, at paniniwala. Ngunit, bakit tuwing buwan ng Oktubre lang nabibigyang pagkilala at naaalala ang ating nga katutubo? Dahil ba ang iba ay itinuturing na makaluma ang kanilang pamumuhay, habang sila ay nakatuon sa pagpapalago ng artipisyal na pamumuhay, masabi lang ang bansa ay lumalago?

Sa tema nito na, โ€œEmpowering Indigenous Peoples: Strengthening Rights, Culture, and Ancestral Domainsโ€ napakagandang tema at layunin para sa ating mga katutubo. Ngunit gaano katotoo ito na isinasagawa para sa kanila? Sa reyalidad, halos di na sila nabibigyang pansin dahil sa mabilis na pag-usbong ng modernisasyon. Sa rami at bilis ng pagbabago ng trend, tila mayroong mga lugar pa rin ang hindi nakakasabay rito. Maaaring ito pa rin ay dahilan ng 'digital divide' o hindi lang talaga nabibigyang pagkakataon na maranasan ang modernisasyon dahil sa limit na ibinibigay sa kanila.

Pero sa kabila ng pagkahuli nila sa trend, hindi iyon nangangahulugang sila rin ay nahuhuli pagdating sa kaalaman. Di hamak na mas maalam sila dahil sa mga nalalaman nila tungkol sa natural na buhay sa kalikasan, halamang gamot, at iba pang paraan ng pamumuhay sa bigay ng likas na yaman na turo pa sa kanila ng nga ninuno nila. Hindi ba't mas mapalad sila dahil sa mga natural na ginagamit nila? Hindi tulad sa siyudad na puro artipisyal na di lang nakakasira sa tao kundi pati sa takbo ng mundo.

Kaya hindi sila dapat tinatanggalan ng karapatan sa ibang oportunidad. Hindi rin dapat kalimutan ang kultura na sila na lang ang kumikilala, dahil ito rin ay kultura ng bawat Pilipino. Sapagkat hindi lang natatapos sa Oktubre ang pagkilala sa mga Indigenous People, ito ay araw-araw na pagyakap sa sarili nating kultura at pinanggalingan. Kaya nararapat lang na sila rin ay bigyan ng pantay na trato at tunay na malasakit, dahil sila ay maituturing na may tunay na pagmamahal at pakialam sa sarili at orihinal na yaman ng bansa, sapagkat sila ay mas maraming natural na alam sa mundong puno ng artipisyal.

Opinyon ni: Bhea Pulido
Disenyo ni: Raymart Pelicano

๐——๐—˜๐—™๐—˜๐—ก๐—— ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜๐——๐—ข๐— !
โ€œ๐—” ๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜โ€™๐˜€ ๐˜ƒ๐—ผ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฝ๐—ผ๐˜„๐—ฒ๐—ฟ๐—ณ๐˜‚๐—น ๐˜„๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐—ถ๐˜ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ณ๐˜‚๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฏ๐˜† ๐—ฎ๐—ป ๐˜‚๐—ป๐—ท๐˜‚๐˜€๐˜ ๐˜€๐˜†๐˜€๐˜๐—ฒ๐—บ.โ€


๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—œ  Katarungan o Stratehiya, Prinsipyo o Politika?Kapag namulat ka sa katotohanan, kasalanan na ang pumikit. Kula...
09/10/2026

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—œ Katarungan o Stratehiya, Prinsipyo o Politika?

Kapag namulat ka sa katotohanan, kasalanan na ang pumikit. Kulay ang nagbibigay-buhay sa mundoโ€“maliban na lamang sa usaping politika. Ilang sigaw pa ba ng โ€œFree Palestine!โ€ ang dapat nating isigaw para lamang marinig? ilang beses pa ba kailangang ulitin ang โ€œStop Genocide!โ€ bago maramdaman na ang mga salitang ito ay hindi lamang mga katagang ipinapaskil sa plakard o isinisigaw sa lansangan?

Noong Oktubre 5, 2026, habang patuloy na umaalingawngaw ang mga panawagan para sa Palestine, isang Israeli ambassador ang dumating sa Naga City. Si Israeli Ambassador Dana Kursh ay bumisita kay Naga City Mayor Leni G. Robredo sa Naga City Hall para sa isang courtesy visit, bago nagtungo sa Museo ni Jesse Robredo at Huna Huna Art Space.

Isang larawan, dalawang taong nakangiti, may pakikipagkamay.

Napakadaling magpalusot na ito ay bahagi lamang ng "diplomatic protocol" o tungkulin bilang isang lokal na opisyal. Ngunit ang diplomasya ay hindi dapat maging lisensya upang maging bulag sa krimen laban sa sangkatauhan. Habang binibigyan ng marangyang pagtanggap at plataporma ang kinatawan ng Israel sa Naga, milyun-milyong Palestino ang patuloy na pinagkakaitan ng sariling lupain at unti-unting binubura sa mapa at sa likod ng isang pakikipagkamay ay may mga taong patuloy na naghihintay ng katarungan. May mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, mga batang lumalaki sa gitna ng digmaan, at mga tahanang hindi na maibabalik sa dati. Ang tanggapin sila nang may ngiti at tratuhing parang normal na bisita ay malinaw na pag-normalize sa ginagawa ng gobyerno nila.

Ang nakakadismaya, galing ito sa isang pamumuno na akala natin ay may totoong paninindigan sa karapatang pantao. Hindi pwedeng ipaglaban ang human rights dito sa Pilipinas, pero kapag usaping Palestine na ang nakasalang, biglang magtatago sa likod ng protocol at pormalidad. Kung ang hustisya mo ay para sa sarili mo lang, huwad ang iyong prinsipyo.

Mula nang magsimula ang digmaan noong Oktubre 2023, patuloy na dinaranas ng mga Palestino ang matinding pagkawasak at pagkawala ng buhay. Ayon sa World Health Organization (WHO), pagsapit ng Disyembre 2025, mahigit 71,000 katao ang naiulat na namatay at mahigit 171,000 ang nasugatan sa Gaza. Halos buong populasyon nitong tinatayang 2.1 milyong katao ang paulit-ulit na napilitang lumikas. Sa 36 na ospital sa Gaza, iniulat ding napinsala ang lahat, at halos kalahati na lamang ang bahagyang gumagana

Maaari nating kilalanin ang mga nagawa ng isang politiko nang hindi kinakailangang ipagtanggol ang bawat desisyon nito. Maaari tayong humanga sa isang lider at, sa parehong pagkakataon, kuwestiyunin ang kaniyang mga kilos. Ang tunay na suporta ay hindi bulag na pagsang-ayon, kundi ang pagkakaroon ng lakas ng loob na maningil ng pananagutan kahit sa mga taong dati nating ipinagtatanggol.

Stop Corruption. Stop Idolizing. Start Questioning.

Dahil sa huli, hindi pangalan ng politiko ang dapat nating ipaglaban, kundi ang mga taong patuloy na pinagkakaitan ng kanilang mga karapatan. Hindi dapat manaig ang katapatan sa isang personalidad kaysa sa ating pananagutan sa kapwa. Kapag ang ating paninindigan ay nakadepende lamang sa kung sino ang gumagawa ng isang bagay, hindi na prinsipyo ang pinanghahawakan natinโ€”pagkiling na lamang ito.

At sa usapin ng Palestine, hindi sapat na magbahagi tayo ng mga panawagang โ€œFree Palestine!โ€ habang pinipiling manahimik kapag ang mga taong sinusuportahan natin ang nasusuri. Kung tunay na para sa masa ang ating paninindigan, dapat kasama sa ating pagbatikos ang sinumang kumikilos nang salungat sa karapatang pantao, anuman ang kaniyang pangalan, posisyon, o kulay sa politika.

Kapag namulat ka sa katotohanan, kasalanan na ang pumikit. Kulay ang nagbibigay-buhay sa mundoโ€“maliban na lamang sa usaping politika.

Hindi tayo dapat maging panatiko ng mga politiko. Dapat tayong maging mapanuri, mapanindigan, at higit sa lahat, makatao. Sapagkat maaaring magpalit ang mga lider, ngunit hindi dapat magpalit-palit ang ating prinsipyo.

Hindi tayo maka-Leni, hindi tayo maka-Duterte, hindi rin tayo maka-Marcos, MAKATAO TAYO.

Opinyon ni: Princess Angela Magisa
Disenyo ni: Raymart Pelicano

๐——๐—˜๐—™๐—˜๐—ก๐—— ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜๐——๐—ข๐— !
โ€œ๐—” ๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜โ€™๐˜€ ๐˜ƒ๐—ผ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฝ๐—ผ๐˜„๐—ฒ๐—ฟ๐—ณ๐˜‚๐—น ๐˜„๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐—ถ๐˜ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ณ๐˜‚๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฏ๐˜† ๐—ฎ๐—ป ๐˜‚๐—ป๐—ท๐˜‚๐˜€๐˜ ๐˜€๐˜†๐˜€๐˜๐—ฒ๐—บ.โ€


Todayโ€™s top story: Our very own broadcaster, Jay Mark Nedic, is celebrating another year! May your voice continue to inf...
07/10/2026

Todayโ€™s top story: Our very own broadcaster, Jay Mark Nedic, is celebrating another year!

May your voice continue to inform, inspire, and make an impact. Hereโ€™s to more stories to tell, milestones to reach, and moments worth broadcasting.

Happy Birthday, Jay Mark Nedic! May this new chapter bring you success, happiness, and countless stories worth sharing.


HEY, ISKO AND ISKA!WE'RE EXTENDING THE MARK!You still have time to bring your ideas, stories, creativity, and voice to t...
06/10/2026

HEY, ISKO AND ISKA!

WE'RE EXTENDING THE MARK!

You still have time to bring your ideas, stories, creativity, and voice to the publication. Whether you write, design, capture moments, or simply want to learn and grow, thereโ€™s still a place for you in The Marker.

DEADLINE EXTENDED!
๐Ÿ—“๏ธ ๐Ž๐œ๐ญ๐จ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ“โ€“๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Donโ€™t let this second chance pass you by. Take the opportunity to write, create, and leave your mark.

Answer the recruitment form through the link below!

๐Ÿ”— https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdxzrUYIOlE5VWiLRTJrJpBfu4qPWcm8LA8hFaL5rxQlPV0OQ/viewform?usp=header

๐——๐—˜๐—™๐—˜๐—ก๐—— ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜๐——๐—ข๐— !
โ€œ๐—” ๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜โ€™๐˜€ ๐˜ƒ๐—ผ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฝ๐—ผ๐˜„๐—ฒ๐—ฟ๐—ณ๐˜‚๐—น ๐˜„๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐—ถ๐˜ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ณ๐˜‚๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฏ๐˜† ๐—ฎ๐—ป ๐˜‚๐—ป๐—ท๐˜‚๐˜€๐˜ ๐˜€๐˜†๐˜€๐˜๐—ฒ๐—บ.โ€


๐—ข๐—ก๐—˜ ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——, ๐—ฌ๐—˜๐—ง ๐—ฆ๐—ข ๐— ๐—”๐—ก๐—ฌ ๐— ๐—˜๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—š๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ is a 7-letter word, but it holds a deep meaning for every student. Inside the four...
05/10/2026

๐—ข๐—ก๐—˜ ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——, ๐—ฌ๐—˜๐—ง ๐—ฆ๐—ข ๐— ๐—”๐—ก๐—ฌ ๐— ๐—˜๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—š๐—ฆ

๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ is a 7-letter word, but it holds a deep meaning for every student. Inside the four corners of the classroom, you play different roles. You become our parents when we need guidance, our friends when we need someone to listen, and our mentors when we need a little push to keep going.

Beyond the lessons and discussions, thank you for the patience, guidance, and memories you share with us.

๐—ง๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ธ ๐˜†๐—ผ๐˜‚, ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ท๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐˜†.

๐—›๐—ฎ๐—ฝ๐—ฝ๐˜† ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—น๐—ฑ ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜†!


๐‡๐„๐˜, ๐ˆ๐’๐Š๐Ž ๐€๐๐ƒ ๐ˆ๐’๐Š๐€! ๐Ÿ‘€๐†๐จ๐ญ ๐š ๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐ญ๐จ ๐ญ๐ž๐ฅ๐ฅ? ๐€ ๐ฏ๐จ๐ข๐œ๐ž ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ก๐š๐ซ๐ž? ๐€ ๐ฆ๐š๐ซ๐ค ๐ญ๐จ ๐ฅ๐ž๐š๐ฏ๐ž?Maybe ๐“๐ก๐ž ๐Œ๐š๐ซ๐ค๐ž๐ซ is where your words, ideas,...
29/09/2026

๐‡๐„๐˜, ๐ˆ๐’๐Š๐Ž ๐€๐๐ƒ ๐ˆ๐’๐Š๐€! ๐Ÿ‘€

๐†๐จ๐ญ ๐š ๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐ญ๐จ ๐ญ๐ž๐ฅ๐ฅ? ๐€ ๐ฏ๐จ๐ข๐œ๐ž ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ก๐š๐ซ๐ž? ๐€ ๐ฆ๐š๐ซ๐ค ๐ญ๐จ ๐ฅ๐ž๐š๐ฏ๐ž?

Maybe ๐“๐ก๐ž ๐Œ๐š๐ซ๐ค๐ž๐ซ is where your words, ideas, and stories can become something that matters.

We are looking for ๐ˆ๐ฌ๐ค๐จ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ฌ๐ค๐š๐ฌ who are ready to ๐ฐ๐ซ๐ข๐ญ๐ž, ๐œ๐ซ๐ž๐š๐ญ๐ž, ๐œ๐š๐ฉ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž, ๐๐ž๐ฌ๐ข๐ ๐ง, ๐š๐ง๐ ๐ญ๐ž๐ฅ๐ฅ ๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ญ๐ก ๐ซ๐ž๐ฆ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ๐ข๐ง๐ .

You do not have to be an expert. You do not have to be perfect. What matters is that you are ๐ฐ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐จ ๐ฅ๐ž๐š๐ซ๐ง, ๐Ÿ๐ข๐ง๐ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฏ๐จ๐ข๐œ๐ž, ๐š๐ง๐ ๐ฅ๐ž๐š๐ฏ๐ž ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฆ๐š๐ซ๐ค.

Because every story deserves to be told, and every voice deserves a space to be heard.

๐Ÿ“ฃ ๐“๐‡๐„ ๐Œ๐€๐‘๐Š๐„๐‘ ๐‘๐„๐‚๐‘๐”๐ˆ๐“๐Œ๐„๐๐“ ๐ˆ๐’ ๐๐Ž๐– ๐Ž๐๐„๐!

Whether you are a writer, photographer, artist, layout artist, or simply someone who loves stories and wants to learn, ๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ž ๐ข๐ฌ ๐š ๐ฉ๐ฅ๐š๐œ๐ž ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ข๐ง ๐“๐ก๐ž ๐Œ๐š๐ซ๐ค๐ž๐ซ.

๐Ÿ“… ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ— โ€“ ๐Ž๐œ๐ญ๐จ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Donโ€™t miss your chance to be part of the publication. ๐€๐ง๐ฌ๐ฐ๐ž๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐ซ๐ž๐œ๐ซ๐ฎ๐ข๐ญ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ ๐ญ๐ก๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก ๐ญ๐ก๐ž ๐ฅ๐ข๐ง๐ค ๐›๐ž๐ฅ๐จ๐ฐ!

๐Ÿ”— https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdxzrUYIOlE5VWiLRTJrJpBfu4qPWcm8LA8hFaL5rxQlPV0OQ/viewform?usp=header

๐˜๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐œ๐จ๐ฎ๐ฅ๐ ๐›๐ž ๐ญ๐ก๐ž ๐ง๐ž๐ฑ๐ญ ๐จ๐ง๐ž ๐ฐ๐ž ๐ญ๐ž๐ฅ๐ฅ.
๐˜๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฏ๐จ๐ข๐œ๐ž ๐œ๐จ๐ฎ๐ฅ๐ ๐›๐ž ๐ญ๐ก๐ž ๐ง๐ž๐ฑ๐ญ ๐จ๐ง๐ž ๐ฐ๐ž ๐ก๐ž๐š๐ซ.
๐˜๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฆ๐š๐ซ๐ค ๐œ๐จ๐ฎ๐ฅ๐ ๐›๐ž ๐ญ๐ก๐ž ๐ง๐ž๐ฑ๐ญ ๐จ๐ง๐ž ๐ฐ๐ž ๐ซ๐ž๐ฆ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ.

๐๐ž ๐ฉ๐š๐ซ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐“๐ก๐ž ๐Œ๐š๐ซ๐ค๐ž๐ซ. ๐‹๐ž๐š๐ฏ๐ž ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฆ๐š๐ซ๐ค. ๐Ÿ–‹๏ธ

๐——๐—˜๐—™๐—˜๐—ก๐—— ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜๐——๐—ข๐— !
โ€œ๐—” ๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜โ€™๐˜€ ๐˜ƒ๐—ผ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฝ๐—ผ๐˜„๐—ฒ๐—ฟ๐—ณ๐˜‚๐—น ๐˜„๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐—ถ๐˜ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ณ๐˜‚๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฏ๐˜† ๐—ฎ๐—ป ๐˜‚๐—ป๐—ท๐˜‚๐˜€๐˜ ๐˜€๐˜†๐˜€๐˜๐—ฒ๐—บ.โ€


๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | BEYOND THE BEAT: The Markerโ€™s Publication Makes Itโ€™s Mark at DALUMAT 2026We proudly congratulate our outstanding ...
28/09/2026

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | BEYOND THE BEAT: The Markerโ€™s Publication Makes Itโ€™s Mark at DALUMAT 2026

We proudly congratulate our outstanding student journalist who brought honor and pride to ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป and ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐˜†๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐—ต๐—ป๐—ถ๐—ฐ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€ (๐—ฃ๐—จ๐—ฃ) ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€ during ๐——๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐— ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ฎ, ๐—”๐—ฑ๐˜ƒ๐—ผ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฐ๐˜†, ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—œ๐—ป๐—ป๐—ผ๐˜ƒ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€ held on ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿฒโ€“๐Ÿฎ๐Ÿณ at ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐˜๐˜† โ€“ ๐— ๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€.

๐๐‘๐ˆ๐๐‚๐„๐’๐’ ๐€๐๐†๐„๐‹๐€ ๐Œ๐€๐†๐ˆ๐’๐€
๐Ÿฅˆ ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ โ€“ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—บ ๐—ฎ๐˜ ๐—ง๐—ฒ๐—ธ๐—ป๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ต๐—ถ๐˜†๐—ฎ

๐€๐’๐‡๐‹๐„๐˜ ๐‘๐„๐€๐‹๐ˆ๐๐Ž
๐Ÿ… ๐Ÿฑ๐˜๐—ต ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ โ€“ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜

As the head of The Markerโ€™s News section and a writer under the category of ๐—ก๐—ฒ๐˜„๐˜€ ๐—ช๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด, Angela returned to the Sci-Tech category she used to write in and earned ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ in Pagsulat ng Agham at Teknolohiya.

Meanwhile, as the head of The Markerโ€™s Sports section and also a writer under the ๐—ก๐—ฒ๐˜„๐˜€ ๐—ช๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด category, Ashley proved his skills in Pagsulat ng Balitang Isport and secured ๐Ÿฑ๐˜๐—ต ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ in the competition.

๐—ง๐˜„๐—ผ ๐˜„๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—ฑ๐—ถ๐—ณ๐—ณ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐˜€, ๐—ผ๐—ป๐—ฒ ๐—ฝ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป โ€” ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ.

Congratulations, ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป and ๐—ฃ๐—จ๐—ฃ ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€ is truly proud of you!


๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | Kabataang Mamamahayag, Nagtipon sa DALUMAT 2026Nagtipon ang mga kabataang mamamahayag mula sa ibaโ€™t ibang paarala...
28/09/2026

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | Kabataang Mamamahayag, Nagtipon sa DALUMAT 2026

Nagtipon ang mga kabataang mamamahayag mula sa ibaโ€™t ibang paaralan sa ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐˜๐˜† (๐—•๐—ฃ๐—ฆ๐—จ) ๐— ๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€ noong ๐—ฆ๐—ฒ๐˜๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿฎ๐Ÿฒ para sa unang araw ng ๐——๐—”๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: The Bataan Youth Media, Advocacy, and Innovation Congress.

Tampok sa unang araw ang mga indibidwal na kategorya ng ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ž๐—ผ๐—ป, kabilang ang News, Editorial, Feature, Sports, Column, Sci-Tech, Copyreading, Editorial Cartooning, at Photojournalism.

Itinanghal naman sa ikalawang araw, ๐—ฆ๐—ฒ๐˜๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿฎ๐Ÿณ sa ๐—•๐—ฃ๐—ฆ๐—จ-๐— ๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€, ang mga pangkatang kategorya ng Youth PressKon, kabilang ang ๐—ฅ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ผ ๐—ฆ๐—ฐ๐—ฟ๐—ถ๐—ฝ๐˜๐˜„๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—•๐—ฟ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฐ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด at ๐—–๐—ผ๐—น๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐——๐—ฒ๐˜€๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ฝ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด (๐—–๐——๐—ฃ).

Sa pamamagitan ng mga kompetisyong ito, nabigyan ang mga kabataang mamamahayag ng pagkakataong maipamalas ang kanilang husay sa pagsulat, pag-uulat, at pagbabahagi ng mga kuwentong mahalaga sa kanilang komunidad.

๐Ÿ–‹๏ธ: A. Amurao
๐Ÿช„: R. Pelicano

๐——๐—˜๐—™๐—˜๐—ก๐—— ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜๐——๐—ข๐— ! โ€œ๐—” ๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜โ€™๐˜€ ๐˜ƒ๐—ผ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฝ๐—ผ๐˜„๐—ฒ๐—ฟ๐—ณ๐˜‚๐—น ๐˜„๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐—ถ๐˜ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ณ๐˜‚๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฏ๐˜† ๐—ฎ๐—ป ๐˜‚๐—ป๐—ท๐˜‚๐˜€๐˜ ๐˜€๐˜†๐˜€๐˜๐—ฒ๐—บ.โ€


๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—œ  ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ก , ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก"Yung isang gallon ng ketcup, guntingin mo ayun yung sa PUP sa mga cr. ...
28/09/2026

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—œ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ก , ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก

"Yung isang gallon ng ketcup, guntingin mo ayun yung sa PUP sa mga cr. Sa ceiling fans, yung machine mismo ang umiikot hindi yung elesi. Pagkakasyahin yung mahigit limampung estudyante sa maliit na classroom. Bakit ganiyan ang DBM, kung maglagak ng pondo sa mga SUCs natin? Magising naman sa reyalidad ang Department of Budget and Management."
-Kamanggagawa Partylist Representative Mr. Eli San Fernando

Ating Sintang Paaralan, kahit sa budget ay pahirapan. Sa mga pasilidad ay siksikan maging sa mga gamit ay tipiran. Walang ikabubuti ang pagtipid sa budget kung marami ang apektado o maraming makakasalo ng masamang dulot. Pati ba naman sa paglaan ng tustos ay hahadlangan. Maraming nakinabang sa mga karangalang dulot ng Sintang Paaralan ngunit isang salik din ang ang pagtipid tungo sa karangalan.

Sa kulang-kulang na 100,000 na populasyon ng iskolar ng bayan, bakit hindi makita ang tunay na pangangailangan, at pati ang perang laan ay ginugulangan? Hindi naman iyon galing sa sarili nilang bulsa, pero kung tipirin parang hindi ang bayan ang nagpapakain sa kanila.

Noong miyerkules, kinuwestyon ni Kamanggagawa party-list Representative Elijah San Fernando ang tungkol sa proposed budget sa PUP para sa 2027 ng Department of Budget and Management (DBM), sa kadahilanang ito ay napakaliit ng budget na laan ng gobyerno. Ayon sa salaysay ni San Fernando, sa proposed fiscal year 2027 general appropriations budget, ang PUP ay makakatanggap lamang ng 3.646 billion. Kaya ayon sa kanya, ang per student funding ay 40 percent below the national average, ito ay wala pa sa kalahating porsyento ng mga estudyante sa PUP.

Sa nagsisiksikang mga estudyante sa isang masikip at kulang-kulang na silya sa isang silid-aralan; mainit dahil hindi sapat ang mga bentilador para mahanginan ang lahat ng nasa loob. Hindi lang 'yan, luma at sira-sirang pasilidad ang malilibot ng mata sa bawat sulok ng PUP, na para bang ito pa ay kapanahunan ng mga Kastila... hindi pa ba sapat ang mga ito upang malaanan ng nararapat na budget, o tila sila ay nabubulag na sa perang nakaharap sa kanilang palad at sabay deretso sa kanilang bulsa?

Puno naman ng mga pantas sa loob ng paaralan, ngunit sila ay hindi man lang makaranas ng patas dahil sa mga nagmamataas sa katungkulan na wala namang sapat na kaalaman at pinag-aralan, kaya hindi nila maramdaman ang tunay na paghihirap ng mga mag-aaral makapagtapos lang nang may taglay-taglay na karunungan. Hindi dapat makuntento sa kung ano lang ang ibigay ng gobyerno, kailangan din kuwestyunin: "Ito lang ba ang kaya nilang ibigay? Nasaan na ang bunga ng binabayaran natin?" Dahil ito naman ay karapatan ng bawat mag-aaralโ€”mabigyan ng maayos na karanasan habang nag-aaral. Sa himno ng PUP, ito ay pinagpala at paaralang dakila, kaya sila ay hindi iskolar ng mga gahamanโ€”sila ay iskolar ng bayan.

Opinyon ni: Bhea Pulido
Disenyo ni: Raymart Pelicano

๐——๐—˜๐—™๐—˜๐—ก๐—— ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜๐——๐—ข๐— !
โ€œ๐—” ๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜โ€™๐˜€ ๐˜ƒ๐—ผ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฝ๐—ผ๐˜„๐—ฒ๐—ฟ๐—ณ๐˜‚๐—น ๐˜„๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐—ถ๐˜ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ณ๐˜‚๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฏ๐˜† ๐—ฎ๐—ป ๐˜‚๐—ป๐—ท๐˜‚๐˜€๐˜ ๐˜€๐˜†๐˜€๐˜๐—ฒ๐—บ.โ€


Address

1st Floor, Room 124, Building A, PUP Mariveles, Bataan Campus, AFAB, Malaya
Mariveles
2105

Opening Hours

Monday 8am - 11pm
Tuesday 8am - 11pm
Wednesday 8am - 11pm
Thursday 8am - 11pm
Friday 8am - 11pm
Saturday 8am - 10pm
Sunday 8am - 10pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Marker Publication posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Marker Publication:

Share

Category