
29/05/2025
PATROL ng Kabataang Pilipino!
๐๐๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ฒ๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ: ๐๐๐๐๐ ๐๐ข๐๐จ๐ฅ๐๐ฌ ๐. ๐๐จ๐ซ๐ซ๐ ๐๐๐
Malugod kong ipinapaabot ang taus-pusong pagbati kay Tito/PMGEN Nicolas D. Torre III sa kanyang makasaysayang pagkakatalaga bilang Hepe ng Philippine National Police.
Bilang isang tunay na lingkod-bayan at haligi ng seguridad at kaayusan, si Tito Nick ay hindi lamang naging inspirasyon sa hanay ng kapulisan, kundi isa ring matapat na kaagapay ng ating pamahalaang bayan sa pagsusulong ng adbokasiyang Public Safety. Ang kanyang patuloy na presensya sa ating State of the Municipality Address (SOMA) ay patunay ng kanyang malasakit sa kapakanan ng mamamayan ng Masantol.
Bilang isang adopted member ng PNPA Oman Silang Class of 2008, buong puso akong nakikiisa sa PNPA Brotherhood sa pagdiriwang ng makabuluhang tagumpay na ito โ isang tagumpay hindi lamang para kay Tito Nick kundi para sa bawat โLakanโ na nangangarap at nagsusumikap makapaglingkod sa bayan sa pinakamataas na antas.
Sa ngalan ng mga mamamayan ng Masantol, ipinapaabot ko po ang aming pinakamainit na pagbati at suporta. Nawaโy lalo pang maging matatag ang PNP sa ilalim ng kanyang pamumuno tungo sa isang ligtas at mapayapang lipunan.
Mabuhay po kayo, Tito Nick!
Mabuhay ang PNP!