
23/07/2025
OPISYAL NA PAHAYAG ๐ฃ๐ฃ๐ฃ
Ayon sa pinakahuling abiso ng DOST-PAGASA, Office of Civil Defense (OCD), at Department of Social Welfare and Development (DSWD), isang bagong bagyo na pinangalanang Tropical Storm โEmongโ ang namataan sa hilagang-kanlurang bahagi ng bansa at kasalukuyang kumikilos pababa patungong timog-kanluran.
Bilang pag-iingat at sa interes ng kaligtasan ng publiko, SUSPENDIDO po ang klase sa lahat ng antas sa buong lalawigan ng Masbate bukas, Huwebes, Hulyo 24, 2025. Ipagpapaliban rin ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan, maliban na lamang sa mga essential personnel gaya ng mga first responders, disaster risk reduction teams, at emergency services.
Inaasahan ang malalakas na pag-ulan at hangin na maaaring magdulot ng pagbaha at landslide, lalo na sa mga mabababang lugar at bulubunduking bahagi ng lalawigan.
Pinapayuhan ang lahat na manatili sa ligtas na lugar, i-monitor ang lagay ng panahon, at sundin ang mga abiso mula sa inyong mga lokal na pamahalaan. Nakaalerto ang ating PDRRMO at mga kaugnay na ahensya upang tumugon sa anumang emerhensya.
Maging maingat at alerto, Masbateรฑos. Ang inyong kaligtasan ang aming pangunahing layunin.
Mag-himat po kita tanan!