23/06/2024
TIL DEATH DO US PART
ika-Sampung kabatana
Troy: “S-sopia?” aniya
Hindi na mapigilang mataranta ni Troy. Dinampot niya ang kanyang mga damit na nagkalat sa sahig at mabilis sinuot. Kaagad rin nitong kinuha ang cellphone sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon. Nang mabuksan ang selpon ay tumambad ang sandamakmak na missed calls at text messages galing sa mama at kanyang Asawa. Kinakabahan na siya sapag kakataong iyon. Hindi manlang niya namalayan ang nangyare sakanila ng dalaga. Hindi niya matandaan kung kailan ito sumulpot at ngayon nga ay nakatabi niya na. Basta ang alam niyang nakagawa malaking kasalang siya sa asawa sa naging kapabayaan niya.
Wala ng lingon lingong nilisan ni Troy ang kwartong iyon at iniwan ang buong akala niya'y natutulog pa na dalaga. Pero ang totoo'y nakatingin lamang ito kay Troy habang pinagmamasdan ang pag alis nito. Hindi narin nito sinubukan pang pigilan ang lalaki dahil alam niyang magagalit lamang ito. Ang importante sakanya'y nagawa na niya ang kanyang first step.
Sopia: “Move to next step. Mapapadali nalang ang lahat saatin Troy. Ngayon na may hawak na akong alas saiyo. Mapapasaakin karin” usal nito sa sarili. Tila' na obsess na ito sa lalaki at lahat ng paraan ay kanyang gagawin makuha lamang ito.
Alisza: “Where have you been Troy?” bungad nito sa Asawa. Mahihimigan rin sa boses nito ang pagka inis.
Nanuyo naman bigla ang lalamunan ni Troy, napapalunok siya dahil hindi niya malaman ang kanyang idadahilan. Ayaw niyang magsinungaling sa asawa pero natatakot rin siya sa pwedeng mangyare kapag ipinagtapat niya ang totoo.
Alisza: “Tinawagan ko si mama kagabi baka sakaling doon ka natulog. Pero wala ka naman roon. Saan kaba kasi natulog ha? Eh sabi saakin ng katrabaho mo na umuwi kana raw” anito
Troy: “B-babe.....” nauutal nitong boses
Alisza: “Dont worry, I will accept your explanation, just tell me where you've been dahil nag alala talaga kami sayo” kalmado na ito.
Natatakot siya na magalit at iwanan siya ng asawa kapag sinabi niya ang totoo kaya pinili niyang sinungaling na lamang at sinabi na sa sobrang kalasingan ay nag pasya na siyang mag check in nalang sa isang malapit na motel. Naniwala naman kaagad si Alisza dahil may tiwala naman siya sakanyang asawa kaya pinag sa walang bahala nalang nito nangyare.
Nakokonsensya si Troy sa hindi niya pagsabi ng totoo sa Asawa, dalawang linggo narin ang nakalipas buhat non. At sa tingin niya ay mas nadagdagan lamang ang kanyang kasalanan. Balak niyanang aminin ang lahat kay Alisza dahil hindi narin siya mapakali at makatulog namay tinatagong sekreto sa Asawa Hindi naman niya ginusto ang nangyare at siguro'y maiintindihan naman siya nito. Niyaya niya itong mag Japan trip kasama ang kanilang anak at doon niya balak mag tapat.
Esmeralda: “Mag iingat kayo roon ha, tsaka ingatan ninyo ang apo ko” anito pagkatapos ay Isa isang niyakap ang tatlo.
Alisza: “Thank you, ma. Ayaw niyo pa po kasing sumama edi sana maranasan ninyo namang mag Japan” anito sa ina
Megan: “Sus! Naku kung hindi lang ako busy sasama talaga ako sainyo”
Celso: “Basta yong apo ko ingatan niyo roon. Malikot pa naman yan. Bakit kasi hindi nalang ninyo iwan saamin at ng makapag enjoy naman kayong dalawang mag asawa”
Troy: “Wag po kayong mag alala, Pa. Iingatan kopo ang aking mag ina. Salamat po”
Eireen: “Basta ate, don't forget my pasalubong ha.”
______
Alisza: “Ang ganda pala talaga dito sa Tokyo babe” aniya ng masilayan ang nag gagandang tanawin.
Troy: “Lalo na ngayon spring season babe. Pero sa ngayon magpahinga na muna tayo ngayon. Bukas na bukas igagala ko kayo sa mga sikat na pasyalan rito”
Alisza: “Mukhang pabalik balik kana rito babe ah.. ilang beses kana bang tumungo rito?”
Troy: “I think this was my eight times here” aniya
Alisza: “Wow really? Kaya naman pala alam na alam mona”
Troy: “Dito kasi kami nag babakasyon ng family noong bata pa ako at hanggang nag highschool. Kaso no'ng college na hindi na kami nakakapag bakasyon dahil masyado ng busy si papa, tsaka may sarili naring pamilya ang kuya at ate.” paliwanag nito. Manghang mangha naman si Alisza. Tunay nga namay kaya talaga sa buhay ang pamilya ni Troy kahit noon pa. Sila kasi hanggang out of town lang tapos bilang lang sa daliri.
Alisza: “Kulang nalang pala magpakayo kayo mg bahay rito no. By the way dito lang ba kayo nagbabakasyon?”
Troy: “Actually babe may bahay nga kami rito, kaso masyadong malayo sa city at mga tourist destination. Nasa country side kasi. Pero hindi lang naman kami sa Japan nagbabakasyon. Noong first year highschool ako pumunta kami sa Korea, tapos noong bago ako tumungtong ng college pumunta naman kami sa Thailand at sa Malaysia. Yon na yong last na bakasyon namin sa labas ng bansa” mahabang paliwanag nito. Kitang kita niya naman kung paano maamaze ang Asawa.
Alisza: “Talagang may kaya talaga kayo noon pa. Alam moba first time kong lumuwas ng bansa na dati pangarap kolang. Tapos sa Japan pa. Thank you for this, super appreciated. I love you so much babe. Salamat dahil hindi ka gumagawa ng mga bagay na ikakasira natin, at sa walang hanggang efforts na binibigay mo saamin ng anak ko.”
Tila' biglang umurong ang dila ni Troy, nagdadalawang isip nanaman siya kung sasabihin niya ang totoo lalo na nang marinig ang sinabi ng Asawa. Natatakot rin siya na baka masira ang dapat sana'y masaya lang nilang bakasyon. Halo halo na ang nasa utak niya, urong sulong din. Masaya na sila, hindi rin naman nagdududa ang kanyang Asawa. Malaki ang tiwala nito sakanya na pwedeng masira kapag sinabi niya ang matagal ng bumabagabag sakanya.
Troy: “Smile ka anak, 1.2.3!” utos nito sa anak pangalawang araw na nila sa Japan at pumunta sila sa Sanrio Puroland dahil mahilig sa hello kitty si Margarette
Margarette: “Thank you mummy and daddy” anito sabay halik sa dalawa. Tuwang tuwa naman ang mag Asawa dahil malinaw na nakakapag salita ang anak nila ng ilang words.
Alisza: “Babe magpa picture rin tayong tatlo para naman my remembrance tayo. Ang ganda panaman ng spot dito” yaya nito sa Asawa. Mabilis naman silang nakahanap ng mag picture sakanila dahil mababait ang turista rin na nakakasalamuha nila.
Troy: “Bukas babe, ipapasyal ko naman kayo sa Osaka Castle.”
Alisza: “Yong sikat na landmark Dito? Na sixteenth century na?” namamangha nitong tanong.
Troy: “Yes babe, but for now let's eat. Saan mo gusto kumain?”
Alisza: “I want some sushi gusto kong kumain ng authentic sushi” anito. Kaagad naman silang dinala ni Troy sa isang sikat na sushi restaurant doon
Pagkatapos kumain ay agad narin silang sa hotel na pinag check inan nila. Mabilis na nakatulog si Margarette dahil narin siguro sa pagod buhat ng pag gagala nila. Six days lang ang bakasyon nila Japan kaya gusto nilang sulitin ang lahat at puntahan ang mga sikat tourist spots na malapit lang sa kanilang hotel.
Alisza: “Kawawa naman ang baby ko, mukhang pagod na pagod talaga at ang bilis nakatulog” aniya habang pinagmamasdan ang anak, hinahawi rin nito ang buhok ng bata.
Hindi naman mapigilang matuwa ni Troy habang pinagmamasdan ang mag ina. Pero bigla na lamang pumapasok sa isipan niya ang nangyare sakanila ni Sopia. Bigla na lamang siyang nakaramdam ng konsensya. Ayaw niyang masira ang binuo nilang pamilya at masayang na lamang ang lahat ng pinag samahan nila ni Alisza. Kaya sa palagay niya ay nararapat na isikreto nalang dahil wala namang ibang nakakaalam kung hindi silang dalawa lang ni Sopia
Troy: “I love you babe” aniya sabay halik sa noo ng asawa na kasalukuyang nakahiga sa kanyang dibdib.
Alisza: “I love you too babe. At thank you sa lahat” tinugonan rin nito ang halik ng Asawa.
Kinabukasan ay maaga silang nagising dahil pupunta naman sa Osaka Castle at pagkatapos ay pupunta sila sa isang sikat na beach sa Osaka, sa Nishiki-no-hama-Beach. Susulitin nila ang bawat araw dahil minsan lang silang nagkakasama. Gusto rin nilang bumawi kay Margarette. Pa onte onte narin kinakalimutan ni Troy ang naging kasalan niya.
Samantalang hindi naman mapalagay si Sopia. Hindi nito makontak si Troy at hindi rin niya ito nakikita sa headquarters. Marami na siyang araw na nasasayang pero wala pa siyang balita sa lalaki. Naiinis na siya at hindi mapakali, ang buong akala pa naman niya'y hahanap hanapin na siya nito sa oras namay mangyare sakanila, pero mukhang wala siyang talab at mukhang mahihirapan siya kay Troy.