Vhelyn's Vlog

Vhelyn's Vlog Family first before anything else🤍
(1)

19/02/2025

Kahit gaano pa karami ang pera mo hindi mo yan madadala sa langit
Kaya pahiramin nyo ako kahit 3k 🤣😆

19/02/2025
Goodmorning mga mi🥰 Pwede na rin pala sa STORIES kumit@ 😍Check nyo na rin sainyo🥰Vhelyn's Vlog
19/02/2025

Goodmorning mga mi🥰 Pwede na rin pala sa STORIES kumit@ 😍Check nyo na rin sainyo🥰

Vhelyn's Vlog

"KAPAG NAGING NANAY KA NA MARAMI KANG KAILANGAN I-GIVE UP"That. Hits. Hard😢Magbubuntis, titiisin ang pagsusuka sa umaga,...
18/02/2025

"KAPAG NAGING NANAY KA NA MARAMI KANG KAILANGAN I-GIVE UP"

That. Hits. Hard😢

Magbubuntis, titiisin ang pagsusuka sa umaga, gabi, yung sakit mg ulo at pagkahilo.
Alam kong mahirap manganak, pero nung naranasan ko triple pala yung hirap na akala ko mahirap lang.

Titiisin mo yung mahabang karayom, na isasaksak sa likod mo, lalabanan mo yung takot na kailngan mong hiwain🥺
Kailangan mong ibigay ang sarili mo.
BUONG SARILI MO.

Pag nanay kana parang wala kang choice, minsan kahit antok na antok kapa wala kang choice kailngan mong bumangon kasi kailngan ka ng anak mo.
Kahit pagod kana parang walang lugar yung salitang "pagod na ako" 🥺
Parang di mo na alam kung anong pahinga kailngan mo.

Pag may sakit ka kailngan mo maging malakas kasi kailngan mong alagaan yung sarili mo para sa pamilya mo
Ang pagiging nanay 24/7 walang dayof, walang sickleave.

Tao din kaming mga nanay, napapagod, na dadrain nabuburn out
Madaming beses kaming umiiyak magisa na di alam ng iba💔.

Minsan tumitingin kami sa salamin, nakakaramdam ng awa sa sarili kasi napabayaan na namin yung sarili namin dahil may mas kailangan ng alaga namin.
Hindi makapag suklay sa umaga kasi nakapila na yunh gawain.

Isa sa pinak**ahirap gawin ay yung bumawi sa sarili pagkatapos manganak
Dahil di lahat tayo ay pare parehas ng estado sa buhay
Di lahat ay my choice.🥺

Minsan kamustahin nyo yung mga misis nyo kung okay pa ba sya, o kaya yakapin kapag nararamdaman nyong pagod na
Or vice versa🤍

Yakap na mahigpit para sa lahat ng mommy
🥺🤍
Kinaya, kinakaya, kakayanin natin to para sa pamilya natin

MAPAPAGOD PERO HINDI SUSUKO 🫶🤙💪.

Vhelyn's Vlog

😅Vhelyn's Vlog
18/02/2025

😅

Vhelyn's Vlog

NAG-UMPISA KAYO NA KAYONG DALAWA LANG, PAG DATING NG ARAW KAYONG DALAWA NALANG DIN 👴👵Bago po tayo naging magulang, tayo ...
18/02/2025

NAG-UMPISA KAYO NA KAYONG DALAWA LANG, PAG DATING NG ARAW KAYONG DALAWA NALANG DIN 👴👵

Bago po tayo naging magulang,
tayo po muna ay naging kabiyak.

Kaya wag po natin isasantabi ang ating mga asawa kapag tayo po ay nagka-anak na.

Ipakita parin natin at ipadama ang ating presensya, pagtuunan parin natin sila ng oras, pagsilbihan at kalingahin.

Dahil sa dulo po ng buhay natin, kapag ang mga anak natin ay may kanya-kanya na ring buhay, ang ating kabiyak nalang din po ang ating makakasama.❤️

USO NA NGAYON YUNG KAIN SA LABAS with FRIEND"😊inuman. With "FRIEND"PASYAL PASYAL with "FRIEND" At syempre INUMAN with "F...
17/02/2025

USO NA NGAYON YUNG KAIN SA LABAS with FRIEND"😊
inuman. With "FRIEND"
PASYAL PASYAL with "FRIEND"
At syempre INUMAN with "FRIEND" 🤣
Kapag nalasing na LANDIAN na with "FRIEND".
Kaya ingat SA nga SNAKE FRIENDS(FRIENDS KUNO)

Kung may asawa kana
wag KANG MAKIKIPAGKAIBIGAN
sa pwede kang MA-INLOVE
Saan ba naman nagsisimula ang lahat ng PANGANGALIWA?
Sa Pagpakikipag kaibigan…
Sa pagkikipag-usap…
Sa pakikipagbulahan…
Hanggang hindi mo na namalayan,
nagiging close na kayo,
nagiging CLOSE NA CLOSE na kayo,
hindi na kayo friends,
CLOSE FRIENDS na kayo, alam mo nman siguro kung ano ang meaning ng CLOSE FRIEND?
Noong una naiku-kwento mo pa
sa asawa mo na nagkwe-kwentuhan
pa kayo, pero yung mga sumunod ,
hindi na, itinago mo na,
Isinekreto mo na, wala ka ng
follow up na kwento sa asawa mo...

Dahil may GUILT ng kasama ang ginagawa mo. And yes, alam mong mali, pero sige kapa rin since na nagja jive kayo, nagkakasundo kayo sa mga bagay-bagay, ang dating simpleng kwentuhan na ito ay unti- unting LUMALALIM. FEEL NA FEEL mong nagging iba na ang mga nagiging usapan nyo,
mas PERSONAL na ang usapan nyo,
Minsan green na Ang topic
mas madami ka pang time makipag usap SA kanya kesa sa Asawa no, maging SA SOCIAL MEDIA SYA DIN LAMAN NG QCCOUNT MO! mas madami ka pa ataNg pinusuang post nya kesa SA post Ng Asawa mo
iba na ang tono, hindi na lang kayo magkaibigan NAGLALANDI KA, LUMALANDI SYA, NAGLALANDIAN NA KAYO…

Huwag mong sabihin na
nadadala ka lang ng sitwasyon,
dahil sa una pa lang ,
alam mo nang MALI.
Lalo na ang sumunod na
pagkakataon, mga sumunod
na pag-uusap at mga sumunod
na lakad nyo…
Hanggang nararamdaman mo
na lumulubog kana, na
INLOVE ka na.
Oo nman, you felt good,
pero mag suffer ang lahat,
SINASAKTAN mo Ang Asawa mo,
ang pamilya mo,
masasaktan mo, kahit ang
mga batang walang k**alay- malay.
Ang dating TAHIMIK NA PAMILYA mo,
wasak na,

Maaring masaya ka Kasi masaya ka
sa bago mo, peru naisip mo ba paano mo pina ibig ang asawa mo?
Paano sya nag sakripisyo para
sa pamilya mo?
Paano nya- nilagay sa panganib
ang buhay nya
maibigay lang anak na pangarap mo?

At dahil lang sa pakikipag close mo sa ibang babae nawala lahat sa utak mo at pinagpalit mo pamilya mo

MAKIKIPAGKAIBIGAN ka pa ba sa taong pwede kang MAIN LOVE? Na imagine mo na ba ang gulong idudulot sa’yo at sa tahimik mong pamilya? Ikaw na ang LUMAYO , ikaw na ang UMIWAS, ikaw na ang PUMIGIL sa sarili mo

゚ ゚

17/02/2025

Pag umulan dapat ulan lang
hindi yung pati net aalisin

Ang iyong INA, hindi mo siya katulong o yaya—tandaan mo yan!Maraming anak ngayon, yumaman o nagkapamilya lang, ay nagigi...
17/02/2025

Ang iyong INA,
hindi mo siya katulong o yaya—tandaan mo yan!

Maraming anak ngayon,
yumaman o nagkapamilya lang,
ay nagiging utusan ang kanilang ina.

Taga-luto,
taga-laba,
taga-alaga ng mga anak,
taga-linis ng bahay.

Hindi dapat ganito ang pagtrato sa iyong ina.
Siya ang nagpalaki at nagmahal sa'yo ng walang kapalit,
kaya huwag siyang gawing parang katulong.

Kung ganito ang asal mo,
ikaw ang walang kuwentang anak—tandaan mo yan.

Ang INA ay dapat minamahal,
inaalagaan, at pinahahalagahan—hindi inaalila o sinisigawan.

CTTO

1. Masakit sa isang asawa kapag mas pinakikinggan ng kanyang mister ang payo ng ibang babae kaysa sa kanya.Para bang hin...
16/02/2025

1. Masakit sa isang asawa kapag mas pinakikinggan ng kanyang mister ang payo ng ibang babae kaysa sa kanya.
Para bang hindi mahalaga ang kanyang opinyon, kahit siya ang kasama sa buhay. Kung ibang babae ang mas pinakikinggan ng mister, ano na lang ang halaga ng asawa sa kanya?

2. Masakit kapag sa harap ng ibang tao, parang wala siyang asawa—walang pagpapahalaga sa kanilang pagsasama, parang hindi siya proud sa pagmamahal na meron sila.
Ang isang asawang babae ay gustong maramdaman na ipinagmamalaki siya ng kanyang mister. Kung sa bahay ay sweet at maasikaso, pero sa labas parang hindi sila magkasama, masakit iyon.

3. Masakit kapag mas gusto pa ng mister na manuod ng p**n at magpaligaya ng sarili kaysa makipagniig sa kanyang sariling asawa. Hindi lang ito tungkol sa pisikal na intimacy kundi sa emotional connection. Parang hindi na sapat o kaakit-akit ang asawa sa kanya.

4. Masakit kapag mas pinapahalagahan ng mister ang privacy ng kanyang cellphone kaysa sa tiwala ng kanyang asawa. Kung parang mas mahalaga ang laman ng kanyang phone kaysa sa tiwala ng asawa, may malaking problema sa relasyon.

5. Masakit kapag pilit niyang pinagtatakpan ang asawa niya sa ibang tao, pero paulit-ulit niyang naririnig ang masasamang balita tungkol sa ginagawa nito. Masakit kapag ikaw ang nagtatanggol, pero paulit-ulit mong naririnig ang mga katotohanang masakit tanggapin.

6. Masakit kapag mas pinipili ng mister na mag-open up at humanga sa ibang babae, kaysa sa sarili niyang asawa na laging nandiyan para sa kanya. Ang isang babae ay gustong maramdaman na siya ang pinakaimportanteng babae sa buhay ng kanyang mister.

7. Masakit kapag todo effort siya—nagluluto, nag-aalaga, nagpapaganda, nananatiling tapat—pero parang hindi man lang ito napapansin o pinapahalagahan ng kanyang mister.
Hindi naman kailangan ng isang babae ng mamahaling regalo—kahit simpleng “Salamat” lang o yakap, sapat na.

8. Masakit kapag hinahayaan ng mister na apihin at pakialaman siya ng kanyang biyenan sa kanilang sariling tahanan, na parang wala siyang boses sa buhay mag-asawa nila. Dapat, ang mag-asawa ang nagdedesisyon sa kanilang tahanan, hindi ang ibang tao.

9. Masakit kapag ang mga lihim na ipinagkatiwala niya sa asawa niya ay nagiging pangungutya, panlalait, at panunumbat laban sa kanya. Ang tiwala ay mahalaga sa pagsasama. Hindi dapat ginagamit ang kahinaan ng isa para saktan siya.

10. Masakit kapag ang pera para sa bahay ay hinahanapan at kinukuwentahan ng mister, pero ang sarili niyang gastos ay hindi niya ipinaliwanag. Ang pera sa mag-asawa ay dapat pinagkakatiwalaan at pinagkakasunduan, hindi isang dahilan para pag-awayan.

11. Masakit kapag puro pangarap lang ng mister ang sinusuportahan, pero ang pangarap ng misis ay hindi man lang pinapansin. Dapat magkasama sa pag-abot ng pangarap, hindi puro isang panig lang ang pinahahalagahan.

12. Masakit kapag ginagawang parang kasambahay, ina, at tagapag-alaga lang ang isang asawa, pero pagdating sa k**a, biglang gusto ng mister ng mainit na pagmamahal at pagsuyo. Ang intimacy ay hindi lang pisikal. Kung sa buong araw ay hindi siya trinato nang maayos, paano magiging totoo ang lambing?

13. Masakit kapag kailangan pang ipagpilitan ng isang asawa ang sarili niya para lang mapansin ng mister niya. Hindi dapat kailangang maghabol para lang makuha ang atensyon ng asawa.

14. Masakit kapag hayagan niyang tinititigan at nilalandi ang ibang babae, pero ni hindi man lang niya napapansin ang kanyang asawa. Ang simpleng “Ang ganda mo” o “Bagay sa’yo yan” ay malaking bagay sa isang babae.

15. Masakit kapag ang lalaking nangako ng masayang pagsasama at pagbuo ng pamilya ay siya rin mismong sumisira dito. Nang ikinasal, pinangako ang habambuhay na pagmamahalan. Pero paano kung siya mismo ang nagwawasak nito?

Ang sakit ng isang asawa ay hindi lang dahil sa mga pagkak**ali ng kanyang mister, kundi sa unti-unting pagkawala ng respeto, pagpapahalaga, at pagmamahal. 💔

Walang nanay ang gustong iwan ang anak nila para magtrabaho,pero minsan kailangan para mabigyan siya ng magandang buhay ...
16/02/2025

Walang nanay ang gustong iwan ang anak nila para magtrabaho,pero minsan kailangan para mabigyan siya ng magandang buhay ❤️

Isang Asawa pa nga lang nakakapagod na,kaya hindi ko talaga ma gets kung bakit yung iba gusto dala-dalawa😅
15/02/2025

Isang Asawa pa nga lang nakakapagod na,kaya hindi ko talaga ma gets kung bakit yung iba gusto dala-dalawa😅

“Kapag laging hinahanap ng anak mo ang tatay niya, ibig sabihin ay isang mabuting ama ka.” 💯Hindi lang ikaw provider ng ...
15/02/2025

“Kapag laging hinahanap ng anak mo ang tatay niya, ibig sabihin ay isang mabuting ama ka.” 💯

Hindi lang ikaw provider ng pamilya, kundi isang gabay at lakas sa buhay ng anak mo. Kapag palaging naghahanap ang anak mo ng iyong presensya, ibig sabihin ay nararamdaman nila ang pagmamahal at proteksyon ng isang mabuting ama. Hindi mo kailangan magpakita ng pagiging perpekto, basta’t naroroon ka kapag kailangan ka, at sa bawat yakap at payo mo, tinuturuan mo silang maging mabuting tao.

Kung laging ikaw ang hinahanap, ibig sabihin ay ikaw ang pinaka-mahalagang tao sa buhay nila. Ang pagiging isang mabuting ama ay hindi nasusukat sa materyal na bagay, kundi sa pag-aalaga at pagmamahal na ibinibigay mo araw-araw..

Buti nalang talaga nagka anak tayo noh? Mahirap pero kung iisipin mo...Sobrang Blessed pala natin Kase mula nung naging ...
15/02/2025

Buti nalang talaga nagka anak tayo noh?
Mahirap pero kung iisipin mo...
Sobrang Blessed pala natin
Kase mula nung naging magulang tayo

Parang mas Nagkaroon na ng direksyon ang buhay natin
Mahirap sa part na may responsibility na tayo
Kung paano mo bibigyan ng magandang future ang mga anak mo

Kung paano mo i hahandle yung ibat ibang stage ng buhay niyo na magkakasama
Kung paano mo sila i bibuild up
Na maging mabuting indibidwal

Pero yung lakas na binibigay nila satin

Iba eh,

Yung kahit masama ang pakiramdam mo
Babangon ka talaga
Kase alam mong may anak kang nakadepende sayo

Yung pasuko ka na sa buhay
Pero titignan mo lang yung anak mo
Tapos babangon ka na

Laban ulit!

Yung mga bagay nga dati na
Hindi natin nagagawa
Na akala natin hindi natin kaya
Magugulat ka nalang, nagagawa na natin nung nagka anak tayo

Wala ng hiya hiya
Walang pride pride
Basta para sa mga anak

Kasi wala naman na saatin
Yung sentro ng buhay natin e
Nasa kanila na
Parang lumakas tayo nung nagka anak tayo..
Ang dami nating na discover sa strength natin

Pansin nyo un? Parang mas naging mapangarap tayo
Parang mas naging mabuting tao tayo
Tsaka iba din yung joy at fulfillment

Kapag nakakapag provide tayo sa mga anak natin
Napapalaki natin sila ng maayos, naaalagan natin sila

Kaya thank you lord
Dahil pinagkalooban mo kami ng anak na, magpapalakas saatin.

14/02/2025

Taga sana all man tayo ngayon okay lang yan ang mahalaga sanay na tayo😁😆
HAPPY HEARTS ❤️ DAY

ANG RESPONSABLENG MISTER NAGBABAGO NG UGALI, at HINDI NAGBABAGO NG ASAWAAng responsableng mister,  Laging inuuna ang Kap...
14/02/2025

ANG RESPONSABLENG MISTER NAGBABAGO NG UGALI, at HINDI NAGBABAGO NG ASAWA

Ang responsableng mister,

Laging inuuna ang Kapakanan ng kanyang Asawa,

Laging inuuna ang kapakanan ng kanyang mga anak.

At laging inuuna ang kapakanan ng kanyang pamilya, sa Kahit na anong sitwasyon, kahit pa ang kapalit nito ay ang kanyang sariling kaligayahan.

Ang mabuting Padre De Pamilya ay mas pipiliin ang mga Anak kaysa sumama sa ibang babae. Aalagaan niya kahit inis na inis sya sa nanay niyan.

PERO HINDI EH

dahil mayroong ibang Mister na Pagkatapos ng trabaho mas pinipili niyang makasama ang Barkada, ang mga bisyo at ang Babae nya kaysa makasama ang kanyang Asawa at pamilya.

l(HINDI KO PO NILALAHAT)

Pars sa ibang Mister sana maisip nyo na The moment na Bumuo ka ng sarili mong pamilya.

the Moment na magkaanak kayo, hindi na ka na single, kahit pa sabihing hindi kayo kasal.

Meron ka ng responsibilidad na dala-dala. May Asawa ka ng dapat pahalagahan at mga anak na dapat arugain.

Kung sa tingin mo katapusan na ng mundo para sayo dahil mawawalan ka na ng panahon at oras sa Barkada at mga Bisyo nagkak**ali ka,

bakit kailangan mong gawing mundo ang barkada at bisyo?
Tatay ka na.
Asawa ka na at may obligasyon ka na at ang Iyong pamilya sila na ang dapat mong Gawing Mundo mo.

Gusto mo ba na lumalaki ang anak mo na dine-disrespect ka ng partner mo. At yung anak mo na kinamumuhian ka bilang Ama? Gusto mo ba na ang anak mo lumalaki sa isang pamilyang hindi na masaya.

Yung mga Lalake, yung mga Tatay, kayo ang dapat gumagabay at sumusubaybay ng buhay ng mga anak ninyo.

Kaya wag niyo silang bibigyan ng mahirap at masakit na buhay. Dahil sa inyo din ang balik nun eh.

Dahil dito sa mundong ito, walang kwentang tao ang isang pabayang Ama

HINDI PA HULI ANG LAHAT, PWEDE MO PANG MAITAMA ANG LAHAT NG PAGKAKAMALI AT PAGKUKULANG MO SA IYONG ASAWA, SA IYONG MGA ANAK, AT SA BUHAY MO. NANJAN PALAGI SI LORD NA HANDANG GUMABAY SA IYONG PAGBABAGO LAGI KA NIYANG HINIHINTAY.

Ctto.

Address

Claveria, Pob. 2
Masbate
5419

Telephone

+639454056013

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vhelyn's Vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Vhelyn's Vlog:

Videos

Share