29/10/2025
Isang makasaysayang Memorandum of Agreement (MOA) Signing ang ginanap sa pagitan ng Local Government Unit (LGU) ng San Pascual at Gcash, na layuning mas mapadali at maging mas maginhawa ang proseso ng pagbabayad ng mga bayarin sa munisipalidad.
Sa ilalim ng kasunduang ito, maaari nang magbayad online ng electric bill at water bill ang mga residente ng San Pascual gamit ang Gcash. Layunin ng inisyatibong ito na mabigyan ng mas mabilis, ligtas, at hassle-free na serbisyo ang publiko, lalo na sa panahon ng modernisasyon ng mga lokal na transaksyon.
Ayon sa LGU, ito ay isang hakbang tungo sa digital transformation ng munisipalidad, kung saan ang teknolohiya ay gagamitin upang mapabuti ang serbisyo sa mamamayan.
Sa pamamagitan ng Gcash, inaasahang mababawasan ang mahabang pila at personal na pagpunta sa mga opisina, na magdudulot ng mas episyente at maayos na sistema ng pagbabayad sa San Pascual.