17/07/2023
Darating talaga yung araw na mag-aaway kayo araw-araw.
Darating yung time na puro galit na lang yung mangingibabaw.
Minsan aabot pa sa punto na pareho niyo nang gustong umayaw.
Walang intindihan ng side, walang may gustong magbaba ng pride.
Tipong pag-aawayan niyo kahit sobrang liit na bagay.
Hanggang sa dun na lang kayo masanay. Tipong konting mali lang away agad automatic.
Ganun yung pakiramdam ng relasyon na sobrang toxic.
'Yan yung bagay sa relasyon na hindi natin pwedeng takasan.
Lahat nagdadaan sa ganyan.
Wala kasing relasyong perpekto.
Lahat ng relasyon umaabot sa ganitong punto. Pero ito kasi yung punto, kapag kasi nag-stay tayo sa isang tao dun tayo mas natututo.
Hindi mo ba napapansin?
Kahit palagi kayo magkaaway ng partner mo kayo pa din?
Normal lang naman kasi yun kung tutuusin. Malaking tulong ba talaga yung hiwalayan?
Kapag ba nakakilala ka ng iba hindi mo ba yun mararanasan? Nagegets mo ba yung punto?
Na kahit sino pang maging jowa mo, aabot at aabot kayo sa punto na palagi kayong magtatalo.
Kaya kung sino ang sumuko, siya yung talo.
Iniisip kasi nila na hindi nila mararanasan yung away-bati sa ibang tao. Kaya sana maintindihan niyo na hindi solusyon ang pagsuko kapag hindi niyo na maintindihan partner niyo.
Hindi na tayo mga bata, wag niyong gawing solusyon sa problema ang pakikipaghiwalay.
Tandaan niyo, walang relasyon na walang away at walang relasyon ang tumatatag kapag hindi nag-aaway..