01/12/2025
FOR AWARENESS !!
Sa mga uuwi nang madaling araw or alanganing oras,Mahirap napo tlga pag gabi na sinasamantala ng mga demonyong tao kapag mag isa kalang naglalakad sa daan.Mga dati kong naencounter mga manyak now is napapanood ko lang sa social media and news di ko akalain mangyayare den saakin.
Now lang ako magpopost since di ako open sa Family ko and sa friends ko lang ako nag sasabi at nagpapahatid pag wala akong dalang motor.
Since kalmado napo ako isheshare ko lang po yung experience ko now kakapasok palang po kasi ng December at galing po akong work,Mga around 1AM mag 2AM this DECEMBER 1 habang nag lalakad ako papasok ng postema (kasi wala pang tryc masyado sa kanto,uwing uwi naden) may nakamotor sa left side ng road na lumiko bigla saakin sa right side ng road at hinarangan ako,akala ko magpapark lang kasi may mga nakapark din na motor sa gilid ko pero bigla syang sumenyas sa likod ko yun pala may tao din sa likod ko na nakamask at bigla nyakong hinawakan at hinablot(pinatalbog bago nya hinablot) yung phone na hawak ko then niyakap nyako bandang leeg at naglabas sya ng baril tapos tinutok sa ulo ko sinabing "holdup to! Holdup to!” Then dun nako nag panic and sinabi ko “kuya wag po,yung cellphone ko”(wala po akong pera) then pilit kong kumawala sakanya at inagaw ko yung phone ko(pumatol ako kasi no choice walang taong nadaan) then pagkaagaw ko ng phone ko naiwan yung Case and laman ng case ko na pic and papers and 1H then tumakbo ako buti nalang may nakita akong tindahan na may ilaw dun ako dumeretso at pumasok(Saktong nagising si tatay at papasara palang sya ng tindahan nila) since hinabol pa ako nung lalaki,sa pagtakbo ko naisipan ko agad magvid baka sakaling mavideohan ko yung mukha or motor plate man lang kaso pagplay ko tumalikod na tlga ako sakanila at nag umpisa nang umiyak ng umiyak sa bahay nila tatay(pasensya napo sa abala and thankyou po sa pagpatuloy sakin) and kay manong guard sa emerald thankyou po sa paghatid sakin,now naireport na rin sa barangay.
Vedio from my niece.
゚viralシfypシ゚viralシ