28/09/2024
1. Itakwil ang sarili
* Hindi na ang sarili ang masusunod sa buhay mo kundi ang kalooban na ng DIYOS. Lagi mo nang isasaalang-alang mga bagay na gagawin mo, mga desisyon sa buhay o kahit mga nais gawin mo kung eto ba ay align sa kalooban ng DIYOS o kung ikalulugod ba Niya ang mga eto. Kaya, kelangan mo dito ng self-control at self -discipline.
2. PASANIN ANG KANYANG KRUS
* Kung anong responsibilidad na iniatang saiyong balikat ng Panginoon ay dapat mo etong gampanan o gawin ng buong puso at pagtityaga. Anumang kaloob na ipinagkaloob sayo ay dapat mo etong ingatan na hindi mawala sayo.
3. SUMUNOD SA AKIN
* Gawin ang plano ng DIYOS sa buhay mo. Isa ka nang lingkod ng Panginoon sapagkat Ikaw ay nanampalataya sa Kanya bilang Panginoon at Tagapagligtas ng iyong kaluluwa sa pamamagitan ng pagsuko ng iyong buhay sa Kanya. Ikaw na ngayon ay isang bagong nilalang sa pamamagitan ng pagtanggap sa Panginoon Jesus diyan sa puso at buhay mo dahil sa pagsisi at talikod mo sa iyong mga kasalanan at pagpapabautismo sa tubig sa pangalan ng Panginoong Jesus. Kaya naman, priority mo na palagi ang DIYOS.Uunahin mo siya palagi. Palagi kang magseset ng prioritization over what you want and what God wants in your life. Hahanapin mo palagi Siya. Kikilalanin mo Siya Ng lubusan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa Kanya sa pamamagitan ng pagsasaliksik ng KANYANG mga salita, pananalangin at pagdadalo sa mga gawain para sa Kanya.
*********
Hindi mahirap sumunod sa Panginoon kung lubos mong nauunawaan ang iyong pananampalataya, dahil walang mahirap sa paglilingkod kung buong puso mo itong ginagawa.