07/03/2026
Anta ini ki tonganay? Tunay sabap, bakit mo binaril? Mahuhuli ka din nila π
Ang suspek na si Fattah Esmai Faisal alyas Datu Gulf
CRIME OF PASSION?
Isang empleyado ng Onesimus na kinilalang si Jayson Zoleta ang nasawi matapos barilin sa loob ng isang Muslim Dry Goods Store sa Enriquez St., Brgy. 4, Lucena City, ngayong umaga ng Marso 5, 2026.
Ayon sa ulat ng Lucena City Police, naganap ang insidente bandang 10:30 ng umaga. Ang suspek na si Fattah Esmai Faisal ay binaril ang biktima sa batok habang nasa loob ng tindahan. Lumabas sa paunang imbestigasyon na ang dalawa ay may relasyon at paghihiganti ang tinuturong motibo sa krimen.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad upang mahuli ang suspek na tumakas patungong Gulang-Gulang.
π· Radyo Pilipinas Lucena