13/03/2025
𝗧𝗶𝘁𝗮 𝗥𝗮𝘆𝗮: '𝗬𝗼𝘂 𝗰𝗮𝗻𝗻𝗼𝘁 𝗴𝗶𝘃𝗲 𝘄𝗵𝗮𝘁 𝘆𝗼𝘂 𝗱𝗼𝗻'𝘁 𝗵𝗮𝘃𝗲'; 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝗸𝗿𝗶𝗽𝗶𝘀𝘆𝗼, 𝗣𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆
Matalam, Cotabato — Sa pagdiriwang ng ika-41 anibersaryo ng Matalam High School (MHS), ipinakita ng institusyon ang patuloy na dedikasyon sa academic excellence, innovation, at holistic development ng mga mag-aaral. Sa pangunguna ni Dr.Tita P. Raya ang Principal IV ng paaralan, naging daan ang mga nakalipas na taon para sa makabuluhang pagbabago at progreso ng paaralan.
Ayon sa punongg**o, mahalaga ang paggunita sa mga kontribusyon ng dating mga school heads, g**o, alumni, at magulang na naging pundasyon ng tagumpay ng MHS. "Kung wala sila, hindi natin mararating ang tagumpay na tinatamasa natin ngayon". Bagamat limitado ang selebrasyon dahil sa pinaikling school calendar, nananatiling buhay ang diwa ng pagdiriwang. "It doesn’t matter na walang celebration, basta’t naipagpapatuloy natin ang legacy ng paaralan," dagdag pa niya.
Simula nang siya ay manungkulan noong Hulyo 2020, ipinagmamalaki ni Ma’am Raya ang mga positibong pagbabago na kanyang naipatupad. Isa sa kanyang pinagtutuunan ng pansin ay ang pag-aangat ng physical environment ng paaralan. Mula sa pagkakaroon ng maayos na water supply sa mga Grade 7 at Grade 9 classrooms hanggang sa pagsasaayos ng mga silid-aralan na ngayon ay mas handa na magsilbing billeting quarters para sa iba't ibang school and community activities.
Sa aspektong akademiko, binigyang-diin ng principal ang kahalagahan ng teacher competency. "You cannot give what you don't have. Kaya tinutukan ko ang training ng mga g**o upang matiyak na may sapat silang kaalaman na maibabahagi sa mga mag-aaral," paliwanag niya. Sa ilalim ng kanyang liderato, unti-unting umangat ang academic performance ng mga estudyante, lalo na sa larangan ng sining at iba pang extra-curricular activities.
Bukod dito, namuno rin ni Ma’am Raya sa pagsasaayos ng sistemang pinansyal ng paaralan. Sa pamamagitan ng transparent na billing system at maayos na pamamahala ng PTA funds, nasig**o niyang walang nawawalang pondo. "Very proud ako na napaayos natin ang financial management ng paaralan. Transparent tayo dito, at walang nawawalang pera," wika niya.
Sa kabila ng hamon na dulot ng pandemya, nananatiling matatag ang kanyang pangarap na mapalawak pa ang imprastraktura ng paaralan, madagdagan ang mga kagamitang pangteknolohiya, at mas mapalakas ang holistic development ng mga mag-aaral. Masusi rin siyang nagpatupad ng apat na oras na pagtuturo mula Lunes hanggang Huwebes upang matiyak ang pagbangon mula sa learning loss na dulot ng pandemya.
Pinahayag din ng punongg**o ang kaniyang pinaplano na magkaroon ng mas aktibong alumni involvement sa hinaharap, pati na rin ang pagdaraos ng homecoming na magbibigay-daan sa mas matibay na ugnayan sa pagitan ng mga alumni at kasalukuyang henerasyon ng MHS.
"Ang pagiging lider ay hindi lamang tungkol sa paggawa ng desisyon, kundi sa pag-iwan ng legasiya na magagamit ng susunod na henerasyon," ani Ma’am Raya. Sa kanyang pangunguna, pinatunayan ng MHS na sa tamang sistema, dedikasyon, at pagmamalasakit, kayang abutin ang mas mataas na antas ng tagumpay.
✍️: Chiara Yvette Aguanta
💻: Rafhael Franzin Balaque
📷: Althea Rhianne Olano