11/12/2025
‼️Read‼️
Ito yung unang spot kung saan unang naitikman ang Del’s. Mga panahong lasa pang *bulbol* literally ang mga drinks namin 😂☕. Pero imbes na mahiya o tumigil, mas pinili kong mag-improve nang mag-improve. Kumuha ako ng mga negative feedback 💬, kahit masakit minsan 😣, dahil alam ko na dun magsisimula ang tunay na progreso. Hanggang sa unti-unti kong nakuha ‘yung perfect blend na meron kami ngayon 💯✨.
Dito rin nagsimula lahat ng pangarap ko (Perpetual Binan)🌟. Dito ako nagbebenta ng mag-isa umulan man 🌧️ o umaraw ☀️, may pumapansin man o wala. Ito rin yung lugar na unang nagbigay sa’kin ng lakas ng pag-asa ❤️. Kaya minsan, kapag bumabalik ako dito, namimiss ko lalo ‘yung mga unang nagtiwala sa Del’s 🤍. Kahit maliit pa kami nun, naniwala kayo sa produkto at sa pangarap na meron ako 🙏.
Gusto ko lang magpasalamat ng sa inyo 🙌. Isa kayo sa mga dahilan kung bakit hindi ako tumigil 💪. Kaya kung may panahon man na pakiramdam mo wala nang bumibili, walang pumapansin, o parang gusto mo nang sumuko 😔HUWAG!. Hindi ibig sabihin na mahina ka ngayon, mahina ka pa rin sa darating na panahon. Minsan ‘yung mga oras na pinaka-pagod ka na at feeling mo hindi mo na kaya 😓, yun din yung oras na mas dapat mo pang galingan at magpatuloy 🔥.
Pana-panahon lang yan. Sa ngayon papalakpak muna sa success ng iba, malay mo bukas ikaw na ang pinapalakpakan nila🌱🚀. AJA!! 🤝