03/10/2025
Pinangunahan ng Supreme Student Learner Government (SSLG) ang makulay na pagbubukas ng selebrasyon ng Pandaigdigang Araw ng mga G**o ngayong Oktubre 3 sa DMDPNHS Covered Court.
Nagsimula ang programa sa pambungad na pananalita mula kay Gng. Siony A. Lat, PhD., kung saan binigyan niyang importansiya at halaga ang sakripisyo at dedikasyon ng mga g**o sa larangan ng pagtuturo.
Matapos magbigay ng pambungad na pananalita, nagbigay naman ng mensahe ng pagpupugay ang School Parent-Teacher Association Chairperson na si Engr. Erwin Aloc.
"Kaya po, ako po, bilang magulang, marugod kong ipinaparating sainyo ang aking saludo sa inyong pagpupunyagi, dahil alam ko po [na] ang pagiging g**o ay hindi isang trabaho lamang, ito ay may kaakibat na sakripisyo, may kaakibat na tiyaga upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating mga mag aaral upang mai-angat po ang ating antas ng edukasyon dito sa ating bansa." Ayon kay Engr. Aloc.
Nagbigay rin ng mensahe ang Supreme Secondary Learner Government President na si G. David Dylan Desembrana, para bigyan ng taos-pusong pasasalamat ang kaguruan ng Dr. Maria D. Pastrana.
"On behalf of the Supreme Secondary Learner Government, and to all learners of Dr. Maria D. Pastrana National High School, gusto po naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat at respeto sa ating pong mga g**o." Ani ni G. Desembrana.
"You remind us that education is not just for grades. Its about character, values and giving believing ourselves. Kaya ngayong araw na ito, we celebrate you โour teachers, our mentors, our everyday heroes." Dagdag niya.
Sa pagpapatuloy ng programa, nagbigay ng pagtatanghal ang mga estudyante at kaguruan mula sa iba't-ibang club at organisasyon tulad ng pag-awit, pagsayaw at eksibisyon.
Sa sumunod na bahagi ng programa, nagbigay naman ng token of appreciation ang mga estudyante bilang tanda ng pasasalamat sa kanilang husay at dedikasyon sa larangan ng pagtuturo.
Nagbigay naman ng palatandaan ang ilang g**o para sa mga estudyante na dalahin nila sa hinaharap.
"Para sa akin, ang pinaka-gusto kong matandaan ng mga estudyante ay na kaming mga g**o ay hindi lamang kami para magturo sa classroom, bukod doon ay kami ay katuwang ng inyong mga magulang para kayo ay mahubog, hindi lamang sa talino o talento, kundi na rin sa kagandahang asal." Saad ni Gng. Eden Sanchez, Ulongg**o II ng Senior High School Department.
"At tsaka, ang gusto kong pinakang-matandaan ninyo ay sana hindi makalimot ang mga estudyante sa mga g**o kapag sila ay naging successful na." Dagdag niya.
"Yung nais ko lang na maunawaan ng mga bata na maitanim sa kanilang isip โna ang g**o ay hindi lamang isang teacher. Isa rin din itong nagsisilbing pangalawang magulang nila dito sa school. Nagtuturo ng kabutihan, para madala nila sa kung saan man sila pupunta sa future." Ani ni Gng. Rowena Dumaran, G**o I.
Bakas ang kasiyahan ng mga g**o sa naging preperasyon ng Supreme Secondary Learner Government sa ginanap na selebrasyon ng nasabing programa.
Layunin ng naturang programa na bigyang-pugay ang walang sawang serbisyo, dedikasyon, at pagmamahal ng mga g**o na nagsisilbing gabay at inspirasyon ng mga kabataan.
//Ni Will Benimerito
//Photos: Greyshan Tejada & Claire Dioleta