23/04/2025
Sagutin natin isa-isa ang mga pahayag ni Zarcastico Vines.
1. Zarcastico: Ang kaunlaran po ng isang bayan tulad ng tinatamasa ng Mauban ngayon ay hindi makakamit sa loob lamang ng tatlong taon ng panunungkulan. Taliwas po ito sa ideya ng iilang mga Maubanin. Di umano daw po ang kaunlaran daw ng Mauban ay naramdaman lamang sa panahon ng naka upong Mayor na si NINONG PASTRANA sa loob lamang ng tatlong panunungkulan nito mula noong 2022. Hindi po ako sang ayon sa ideya na yan ng iilang Maubanin na taga suporta ni Ninong Erwin.
Una, totoo naman na ang kaunlaran ng isang bayan ay hindi makakamit sa loob lamang ng tatlong taon. Ang pag-unlad ay karaniwang produkto ng mahabang proseso at ng sama-samang pagtutulungan. Subalit, hindi rin natin dapat isantabi ang katotohanang may mga lider na, sa loob ng maikling panahon, ay kayang gumawa ng malaking pagbabago dahil sa kanilang vision, political will, at epektibo at maayos na pamamalakad.
Pangalawa, maaaring nagkaroon ng pag-unlad ang Mauban noon. May mga programang naibigay ang mga nakalipas na administrasyon. Basic naman ang konsepto ng succession sa isang lokal na pamahalaan. NATURAL na kung may magandang ginawa ang dating lider ay dapat na ipagpatuloy ito ng bagong administrasyon. ANG TANONG AY KUNG NARAMDAMAN BA?
Sabi mo, hindi ka sang-ayon sa ideya na yang iilang Maubanin? Bakit kailangang kwestyunin ang nararamdaman ng ilan sa mga mamamayang Maubanin? Kung ‘yun ang nararamdaman nila, base sa karanasan nila, wala kang magagawa. Tandaan mong iba ang problema ng nakaraan sa kinakaharap ng Mauban sa kasalukuyan. At ang pag-unlad ay nasusukat. Hindi ito abstract na ideya o konsepto na walang panuntunan o standard.
2. Zarcastico: Sapagkat wala pong MAGIC sa pag papaunlad ng isang bayan. Wala pong.. Sa isang kumpas lamang ng kamay ay uunlad ang isang bayan tulad ng Mauban. Ang pag unlad po ng isang Bayan ay dumaan sa mahabang proseso at panahon. Sa pag tutulungan ng mga namumuno at ng taong bayan.
Tama po — wala talagang magic sa pag-unlad ng isang bayan.
At 'yan mismo ang punto: hindi ito magic, kundi EPEKTIBONG na pamumuno at maayos na pamamalakad. Ang mga nagawa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay hindi bunga ng isang "kumpas ng kamay," kundi resulta ng efficiency, political will, at malinaw na direksyon ng pamahalaan.
UULITIN NATIN, Hindi natin pwedeng baliwalain ang ginawa ng mga dating administrasyon. Pero ang labanan sa panahon ngayon ay BILIS, KALIDAD, AT SUSTAINABILITY.
Kung may nakikita tayong mabilis at konkretong pagbabago, ito'y dahil ginawa agad ang mga matagal nang kailangang gawin. Walang patumpik-tumpik. Naipatupad ang mga proyekto hindi dahil sa mahika, kundi dahil sa tamang proseso, mahusay na pag-prioritize, at disiplina sa trabaho.
3. Zarcastico: Ng magsimulang mag lingkod po si Mayor Erwin Pastrana ay maunlad na ang Mauban. Ang tanging gagawin lang niya ay magdagdag ay paunlarin pa ang maubanin. Wala na siyang poproblemahin dahil meron ng pera ang mauban.
“Maunlad na raw ang Mauban” bago pa man naupo si Mayor Erwin Pastrana. At ang trabaho niya raw ay dagdagan na lang ang nasimulan kasi may pera na ang bayan. Basta nagtapon na lang ng pahayag na walang sapat na basehan. Pero bilang kapwa Maubanin,—maunlad na ba talaga tayo noon? Kung maunlad na pala, NASAAN ANG DATOS??? NAIPAHAYAG BA SA MGA MAUBANIN KUNG GAANO NA SILA KAUNLAD? Kung talagang nanghihikayat ang nagpost nito ng matalinong diskurso: ILABAS MO ANG DATOS NA MAGSASABI NA MAUNLAD NA ANG MAUBAN NOON PA MAN. Ang panahon ngayon ay HINDI NA PANAHON NG BOLAHAN. DATOS ANG LABANAN. DATA DRIVEN. HINDI MARITESAN AT HAKA-HAKA.
At ang sinasabing “may pera na ang Mauban”— sa madaling sabi ba noon ay walang pera ang Mauban? Kawawa naman pala ang bayan na walang salapi. ULITIN NATIN: ILABAS MO ANG DATOS SA MGA PAHAYAG. Ang katotohanan, hindi sapat na may pera lang ang bayan. Ang mahalaga, may lider na marunong gumamit nito nang tama— may direksyon, hindi takot gumawa, at may malasakit sa tao. MALASAKIT.
Kaya 'wag nating maliitin ang mga nagawa sa loob ng halos tatlong taon. Hindi ito usapin ng dahil sa “naumpisahan na” o “may pera na.” Mga pahayag na walang kongkretong basehan. Ang maliwanag pa sa sikat ng araw: kung anuman ang bilis ng nakikitang at nararamdamang progreso ng Mauban ngayon: ito'y bunga ng sipag, tapang, at maayos na pamumuno.
4. Zarcastico: Kung matalino kang Maubanin mag isip isip ka...
Mga ganitong halimbawa ng pahayag ay parang kahalintulad ng pangmamaliit ng kapwa Maubanin. Sa totoo lang, hindi kailangan maging ‘matalino’ para makita ang totoo. Sapat na ang pagiging mapanuri. Lahat tayo—bata man o matanda, bago man o lumang henerasyon—ay may karapatang magpahayag ng opinyon at magpahalaga sa nakikitang pagbabago sa bayan. Hindi ito propaganda. Ito ang tinatawag na karapatang mamahayag.
Isa pa, ang pagiging Maubanin ay hindi nasusukat sa talino lang, kundi sa pagiging bukas sa katotohanan at pagkilala sa tamang ginagawa ng gobyerno—kahit pa hindi ito ayon sa ‘yong paniniwala. UULITIN NATIN, KINIKILALA NATIN ANG NAGAWA NG MGA LIDER NG MAUBAN, WALANG PIPILIIN. MULA SA UNA HANGGANG SA HULI. SUBALIT, MAGKAKAIBA ANG PAMAMARAAN NG PAMAMALAKAD NG BAWAT PAMAHALAAN AT KUNG SA SAPANTAHA NG MAUBANIN AY NARARAMDAMAN NILA ANG PROGRESO AT PAGBABAGO NGAYON, ANG SUSUNOD NA ELEKSYON ANG MAGPAPASYA.