Peaks & Shores

Peaks & Shores Outdoor Adventure / motocamping / car camping / outdoor with pets / rappelling / mountaineering / diving

Grateful for sunny days, quiet skies, and little moments like this. โ˜€๏ธ๐Ÿ“LB
17/08/2026

Grateful for sunny days, quiet skies, and little moments like this. โ˜€๏ธ

๐Ÿ“LB

Balik monday adventures!!
10/08/2026

Balik monday adventures!!

05/08/2026

I once read a comment on a post in a camping group that asked, "๐’๐ข๐ง๐จ ๐ฆ๐ ๐š ๐ข๐ง๐ข๐ข๐๐จ๐ฅ๐จ ๐ง๐ข๐ฒ๐จ ๐ง๐š ๐œ๐š๐ฆ๐ฉ๐ข๐ง๐  ๐ฏ๐ฅ๐จ๐ ๐ ๐ž๐ซ๐ฌ?"

One comment really caught my attention:

"๐–๐š๐ฅ๐š ๐ง๐š ๐š๐ค๐จ๐ง๐  ๐ข๐ง๐ข๐ข๐๐จ๐ฅ๐จ ๐ค๐š๐ฌ๐ข ๐ฉ๐ฎ๐ซ๐จ ๐ง๐š ๐ฌ๐ข๐ฅ๐š ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฆ๐จ๐ญ๐ž ๐ง๐  ๐ฉ๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ฌ, puro flex."

Napaisip ako.

At totoo naman. Bilang viewer, maiintindihan ko rin kung bakit nakakaumay minsan kapag yung dati mong pinapanood dahil sa camping content, puro product flex na lang ang nakikita mo.

Pero gusto ko lang din i-share yung kabilang side ng story.

๐‘๐ž๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐œ๐ก๐ž๐œ๐ค.

(Para lang ito sa mga regular camping vloggers tulad namin na hindi naman sikat.)

Ang totoo, walang malaking kita sa pagiging camping vlogger. Meron man, kadalasan kulang pa para mabawi ang gastos.

Halimbawa sa YouTube, ang 1,000 views minsan nasa $1โ€“2 lang ang equivalent.

Samantalang sa isang camping trip, may:

-Entrance fee
-Tent pitching fee
-Gas
-Pagkain
-Iba pang miscellaneous expenses

Dagdag pa naten syempre yung mga pinuhunan na camera, drone, mic etc.

Madalas nasa โ‚ฑ1,000โ€“โ‚ฑ2,000 (o higit pa) ang gastos sa bawat camp.

Tapos ang balik? 1k views? 2k views? Kapag sinuwerte, 5k views.

Just do the math.

๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ข๐ญ๐จ ๐ฉ๐จ ๐ซ๐š๐ง๐ญ.

Gusto ko lang ma-appreciate ang kapwa naming camping vloggers na tuloy pa rin ang paggawa ng content kahit madalas walang views at madalas talo sa gastos.

๐’๐š ๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐จ ๐ฅ๐š๐ง๐ , ๐ค๐š๐ซ๐š๐ฆ๐ข๐ก๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐š๐ฆ๐ข๐ง, ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐š ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฏ๐ข๐ž๐ฐ๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ๐š๐ง ๐ค๐ฎ๐ง๐  ๐›๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ค๐š๐ฆ๐ข ๐ง๐š๐ ๐ฏ๐จ-๐ฏ๐ฅ๐จ๐ .

Ginagawa namin ito para may memories kaming mababalikan.

Kung hindi mo talaga mahal ang camping, malamang matagal ka nang sumuko.

Matagal na kaming tumigil sa paghabol ng views.

Kaya siguro napapansin n'yo na mas marami kaming product features o collaborations ngayon. Hindi dahil gusto naming gawing puro ads ang content.

Simple lang.

Kahit paano, malaking tulong iyon para mabawasan ang gastos sa bawat camping trip.

Mas gusto na lang naming i-enjoy ang camping, gumawa ng content na gusto namin, at magpasalamat na may mga brands pa ring nagtitiwala at gustong makipag-collaborate sa maliliit na creators tulad namin.

Sana dumating din ang panahon na mas magkaroon ng magandang future ang mga camping vloggers dito sa Pilipinas.

Pero kung dumating man, salamat.

Kung hindi man, okay lang din.

Magka-camping pa rin kami.

Peace out. ๐Ÿ•๏ธ

-Joy

03/05/2026

Send a message to learn more

03/05/2026
01/05/2026

Every time your dogs go out, it isnโ€™t just an adventureโ€ฆ itโ€™s a tail-wagging story being written, one pawstep at a time ๐Ÿพ

Address

Mauban

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Peaks & Shores posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share