08/01/2026
Precisely, sir. Natumbok ninyo ang punto.
Sa lahat ng tumutuligsa sa Military, pakibasa at unawain ninyo ang aming saloobin. Lubos akong sumasang-ayon sa pahayag na ito: βHindi lang kayo ang nagmamahal sa Inang Bayan. Hindi lang kayo ang apektado sa mga suliraning panlipunan. Ang kinakailangan ay tugma at makabuluhang solusyon.β π«‘
Puro na lang daw Constitution ang bukambibig ko tuwing inuudyukan na mag-aklas sa gobyerno. Eh ano pala ang sasandalan nating lahat? Sabi-sabi nyo na lang ang basehan?
Gentle reminder: Kahit sinong nauupo sa MalacaΓ±ang, merong taga oposisyon na nagrereklamo! Simula kay FEM, Cory, FVR, Erap, GMA, PNoy, PRRD, at BBM-----parating may nang aakusa ng kurapsyon at kapalpakan!
Nakailang pag-aaklas na ba ang nangyari sa ating kasaysayan? Pagkatapos ng patayan at pagkawasak sa mga kudeta noong 1980s, naubos ba ang mga kurap, mga nang-aalipin, at mga balasubas? Umunlad na bang tuluyan ang Pilipinas? Esep-esep.
Therefore, kung sanayin nyong ang sundalo ay gawing judge at executioner tuwing merong sigalot sa pulitika, aba mag-hunos dili kayo!
Tandaan nyo, mula kami sa ibat-ibang rehiyon, tribo, pamilya at paniniwalang pulitikal. Kung udyukan nyo kaming makisawsaw sa problema ng pulitika at suwayin ang pinanumpaan naming maging non-partisan, aba eh iilang factions ang hati-hati sa AFP!
Kung magkaroon ng factions sa Sandatahang Lakas, ano ang maging resulta?
Walang unity of command, di na kumikilala ng civilian supremacy principle, kanya-kanya nang diskarte. Uunlad at maging mapayapa kaya ang Pilipinas?
Sudan. Myanmar. Pamilyar ba?
Lastly, sino ang maging mas masaya kapag ginugulo ng mga sundalo ang bansa? Eh di ang mga pwersa na nasa likod ng SISTEMA. Di nyo ata alam yong mga anino na iyan. Sila ang parating winner! Idagdag nyo pa doon ang mga CPP-NPA-NDF at Chinese Communist Party na gustong alipinin ang sambayanang Pilipino!
P.S. Hindi lang kayo ang nagmamahal sa inang bayan. Hindi lang kayo ang apektado sa mga suliraning panlipunan. Tugma na solusyon ang dapat ilatag dyan!