Ang SIGAW

Directions

Ang SIGAW Ang Sigaw ay ang opisyal na pahayagan pampaaralan ng Maydolong National High School sa wikang Filipino na nakatuon sa tapat at makabuluhang pamamahayag.

Itinatampok nito ang tinig ng kabataan at hinuhubog ang mga responsableng campus journalist.

  |๐€๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฆ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ๐ฌ 2026Matagumpay na nagtapos ang Intramurals sa Maydolong National High Scho...
20/08/2026

|๐€๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฆ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ๐ฌ 2026

Matagumpay na nagtapos ang Intramurals sa Maydolong National High School matapos ang apat na araw ng masiglang paligsahan, matitinding laban, at masayang pagsasama ng mga mag-aaral.

Nagbigay si Ma'am Marevic ng isang kahanga-hanga at nakaaantig-pusong mensahe upang simulan ang seremonya ng pagtatapos ng Intramurals para sa Taong Panuruan 2026-2027.

Ang pag-anunsyo ng mga nanalo ay ginawa ng mga coach ng bawat isport.

Sa kabuuan, narito ang mga ranggo ng bawat units:
5th-Unit II (Yellow Valiant Tiger)
4th- Unit I (Soaring Green Eagles)
3rd- Unit III (Driven Red Phoenix)
2nd- Unit IV (Mighty Blue Marlins)
1st- Unit VI ( Unstoppable Purple Herons)
Kampeon- Unit V (Majestic Pink Flamingos)

Sa programang ito, binigyang-pugay ang mga manlalaro, g**o, at estudyanteng naging bahagi ng programa. Ipinakita ng bawat kalahok ang kanilang talento, determinasyon, at sportsmanship. Bagamaโ€™t may mga nanalo at natalo, naging mahalaga ang respeto, pagkakaisa, at pagtutulungan ng bawat koponan.

Part 2 out of 2

๐Ÿ–‹๏ธ: Althea Kim Bajado
๐Ÿ“ธ: Arlix KienMar Ladiao

  |๐€๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฆ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ๐ฌ 2026Matagumpay na nagtapos ang Intramurals sa Maydolong National High Scho...
20/08/2026

|๐€๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฆ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ๐ฌ 2026

Matagumpay na nagtapos ang Intramurals sa Maydolong National High School matapos ang apat na araw ng masiglang paligsahan, matitinding laban, at masayang pagsasama ng mga mag-aaral.

Nagbigay si Ma'am Marevic ng isang kahanga-hanga at nakaaantig-pusong mensahe upang simulan ang seremonya ng pagtatapos ng Intramurals para sa Taong Panuruan 2026-2027.

Ang pag-anunsyo ng mga nanalo ay ginawa ng mga coach ng bawat isport.

Sa kabuuan, narito ang mga ranggo ng bawat units:
5th-Unit II (Yellow Valiant Tiger)
4th- Unit I (Soaring Green Eagles)
3rd- Unit III (Driven Red Phoenix)
2nd- Unit IV (Mighty Blue Marlins)
1st- Unit VI ( Unstoppable Purple Herons)
Kampeon- Unit V (Majestic Pink Flamingos)

Sa programang ito, binigyang-pugay ang mga manlalaro, g**o, at estudyanteng naging bahagi ng programa. Ipinakita ng bawat kalahok ang kanilang talento, determinasyon, at sportsmanship. Bagamaโ€™t may mga nanalo at natalo, naging mahalaga ang respeto, pagkakaisa, at pagtutulungan ng bawat koponan.

Part 1 out of 2

๐Ÿ–‹๏ธ: Althea Kim Bajado
๐Ÿ“ธ: Arlix KienMar Ladiao

  | ๐ˆ๐๐“๐‘๐€๐Œ๐”๐‘๐€๐‹๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐๐€๐†๐“๐€๐๐Ž๐’; ๐”๐๐ˆ๐“ ๐•, ๐Š๐ˆ๐๐€๐‡๐ˆ๐‘๐€๐๐† ๐Š๐€๐Œ๐๐„๐Ž๐ ๐’๐€ ๐Ÿ’๐Ÿ• ๐Œ๐„๐ƒ๐€๐‹๐˜๐€Matagumpay na nagtapos ang Intramurals 2026 ng Ma...
20/08/2026

| ๐ˆ๐๐“๐‘๐€๐Œ๐”๐‘๐€๐‹๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐๐€๐†๐“๐€๐๐Ž๐’; ๐”๐๐ˆ๐“ ๐•, ๐Š๐ˆ๐๐€๐‡๐ˆ๐‘๐€๐๐† ๐Š๐€๐Œ๐๐„๐Ž๐ ๐’๐€ ๐Ÿ’๐Ÿ• ๐Œ๐„๐ƒ๐€๐‹๐˜๐€

Matagumpay na nagtapos ang Intramurals 2026 ng Maydolong National High School matapos ang serye ng matitinding kompetisyon na nilahukan ng anim na unit ng paaralan.

Sa pagtatapos ng palaro, Unit V โ€“ Majestic Pink Flamingos ang itinanghal na kampeon, matapos manguna sa opisyal na medal tally na may 47 medalyaโ€”18 ginto, 16 pilak, at 13 tanso.

Nasungkit naman ng Unit VI โ€“ Unstoppable Purple Herons ang 1st Runner-Up na may 15 ginto, 7 pilak, at 1 tanso. Sinundan ito ng Unit IV โ€“ Mighty Blue Marlins bilang 2nd Runner-Up, habang Unit III โ€“ Driven Red Phoenix ang 3rd Runner-Up.

Samantala, nagtapos bilang 4th Runner-Up ang Unit I โ€“ Soaring Green Eagles, habang Unit II โ€“ Valiant Yellow Tigers naman ang nakakuha ng 5th Runner-Up na puwesto.

Higit sa mga medalya at ranggo, naging tampok sa Intramurals 2026 ang determinasyon, disiplina, sportsmanship, at pagkakaisa ng mga atleta. Sa bawat laban, naipakita ng mga MNHStudyantes ang kanilang husay at dedikasyon sa pagtatanggol sa kulay at dangal ng kanilang unit.

Sa huli, nagtapos ang paligsahan na may isang kampeon, ngunit anim na unit ang nag-iwan ng kani-kanilang kuwento ng laban, pagkakaisa, at tagumpay.

Datos galing kay : G. Julian Ador
๐Ÿ–ผ๏ธ & ๐Ÿ–‹๏ธ : Arnold Roman Mencias

  | Bilyar, Naghatid ng Matinding Laban sa Intramurals 2026Nagpakitang-gilas ang mga manlalaro sa larong bilyar sa ginan...
19/08/2026

| Bilyar, Naghatid ng Matinding Laban sa Intramurals 2026

Nagpakitang-gilas ang mga manlalaro sa larong bilyar sa ginanap na Intramurals 2026, kung saan naglaban-laban ang mga kalahok sa 8-Balls at 9-Balls na kategorya para sa Boys.

Sa 8-Balls, nasungkit ni Yamaha James M. Montallana ang gintong medalya, habang pumangalawa si Altur G. Dialino ng Unit V at nagtapos sa ikatlong puwesto si Neil Victor Busa, na kumatawan din sa Unit V.

Samantala, muling nanguna si Yamaha James M. Montallana sa 9-Balls, dahilan upang makamit niya ang isa pang gintong medalya. Nakuha naman ni Rolando B. Caratay Jr. ng Unit I ang ikalawang puwesto, habang pumangatlo si Ezekiel D. Batasan ng Unit V.

Ipinakita ng mga manlalaro ang kanilang husay, tiyaga, konsentrasyon, at diskarte sa bawat laro, na nagbigay ng kapanabik na kompetisyon para sa mga manonood at kalahok ng Intramurals 2026.

๐Ÿ–‹๏ธ&๐Ÿ“ธ: Nova Aifa Araba

  | ๐ˆ๐๐“๐‘๐€๐Œ๐”๐‘๐€๐‹๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” : ๐Œ๐€๐‰๐„๐’๐“๐ˆ๐‚ ๐๐ˆ๐๐Š ๐…๐‹๐€๐Œ๐ˆ๐๐†๐Ž๐’, ๐๐€๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐‹๐ˆ ๐’๐€ ๐”๐๐€๐‡๐€๐Patuloy ang pag-igting ng kompetisyon sa Intramurals...
19/08/2026

| ๐ˆ๐๐“๐‘๐€๐Œ๐”๐‘๐€๐‹๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” : ๐Œ๐€๐‰๐„๐’๐“๐ˆ๐‚ ๐๐ˆ๐๐Š ๐…๐‹๐€๐Œ๐ˆ๐๐†๐Ž๐’, ๐๐€๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐‹๐ˆ ๐’๐€ ๐”๐๐€๐‡๐€๐

Patuloy ang pag-igting ng kompetisyon sa Intramurals 2026 matapos manguna ang Majestic Pink Flamingos sa pinakabagong partial medal tally hanggang 3:00 ng hapon, Agosto 19, 2026.

Nakapagtala ang Unit V ng kabuuang 20 medalya, kabilang ang 9 ginto, 7 pilak, at 4 tansong medalya. Sinundan ito ng Driven Red Phoenix na may 14 medalya, habang may 13 medalya naman ang Soaring Green Eagles.

Samantala, nakapagtala ng 12 medalya ang Valiant Yellow Tigers, 11 ang Mighty Blue Marlins, at 9 ang Unstoppable Purple Herons.

Patuloy pa rin ang laban sa ibaโ€™t ibang paligsahan, kaya maaaring magbago ang kasalukuyang talaan habang nadaragdagan ang mga medalya ng bawat unit.

Sino ang magpapatuloy sa pamumuno, at sino ang hahabol sa unahan? Abangan ang susunod na medal tally update ng Ang Sigaw.

Datos galing kay : G. Julian Ador
๐Ÿ–ผ๏ธ & ๐Ÿ–‹๏ธ : Arnold Roman Mencias

  | ๐ˆ๐๐“๐‘๐€๐Œ๐”๐‘๐€๐‹๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” : ๐๐€๐‘๐“๐ˆ๐€๐‹ ๐Œ๐„๐ƒ๐€๐‹ ๐“๐€๐‹๐‹๐˜Patuloy ang sagupaan ng anim na unit sa Intramurals 2026 habang unti-unting na...
19/08/2026

| ๐ˆ๐๐“๐‘๐€๐Œ๐”๐‘๐€๐‹๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” : ๐๐€๐‘๐“๐ˆ๐€๐‹ ๐Œ๐„๐ƒ๐€๐‹ ๐“๐€๐‹๐‹๐˜

Patuloy ang sagupaan ng anim na unit sa Intramurals 2026 habang unti-unting nabubuo ang kasalukuyang medal tally ng bawat koponan.

Batay sa tala hanggang 2:00 ng hapon, Agosto 19, 2026, nangunguna sa bilang ng nakuhang medalya ang Valiant Yellow Tigers na may kabuuang 7 medalya, sinundan ng Soaring Green Eagles at Driven Red Phoenix na kapwa may tig-6 medalya.

Samantala, nakapagtala naman ng 4 na medalya ang Unstoppable Purple Herons, habang may tig-3 medalya ang Mighty Blue Marlins at Majestic Pink Flamingos.

Gayunman, hindi pa rito nagtatapos ang laban. Patuloy pang magbabago ang talaan kasabay ng pag-usad ng mga kompetisyon at pagdami ng mga medalya.

Sino ang aangat sa susunod na tala? Sino ang hahabol sa unahan?

Abangan ang mga susunod na update mula sa Ang Sigaw โ€” Special Coverage: Intramurals 2026.

Bawat laban, bawat panalo, hatid ang balita!

Datos galing kay : G.Julian Ador
๐Ÿ–ผ๏ธ & ๐Ÿ–‹๏ธ : Arnold Roman Mencias

  | Sipa ng Tagumpay : Driven Red Phoenix, Naghari sa Futsal; 1-0Intramurals, 2026 โ€” Sa ilalim ng nag-aalab na araw, nit...
19/08/2026

| Sipa ng Tagumpay : Driven Red Phoenix, Naghari sa Futsal; 1-0

Intramurals, 2026 โ€” Sa ilalim ng nag-aalab na araw, nitong Agosto 18, 2026, muling ipinamalas ng Driven Red Phoenix ang liksi at galing, matapos sungkitin tropeyo, kontra Pink Flamingos' sa naganap na Futsal Tournament, Maydolong Town Plaza; 1-0

Bagaman may mga karanasan na sa isports, hindi parin mapigilan ng mga manlalaro ng Phoenix na mangamba para sa gintong medalya. Lalo na't makakalaban nila ang mas nakakatandang manlalaro galing grade 11โ€”subalit pinatunayan nila na ang tunay na lakas ay hindi nasusukat sa edad.

Sa pangunguna ni Laika Joy Dalina, matagumpay niyang naselyuhan ang 1-0, dahilan upang itanghal silang kampeon sa nasabing patimpalak.

โ€œAn nakada la talaga han ak isip an pag minalaka go-goal bis la maka usa, ngan kun mayda ko ngani chance nga pwede ko mahi strike, na strike talaga ak, " ani niya.

โœ๏ธ : Ronie B. Plaza Jr.
๐Ÿ–ผ๏ธ : Arnold Mencias

  | ๐’๐ˆ๐๐Ž ๐€๐๐† ๐’๐”๐’๐”๐๐Ž๐ƒ ๐๐€ ๐Š๐€๐Œ๐๐„๐Ž๐? ๐Ÿ‘€๐Ÿ†MNHStudyantes, ready na ba ang inyong unit pride? Anim na unit, anim na kulay, at sar...
19/08/2026

| ๐’๐ˆ๐๐Ž ๐€๐๐† ๐’๐”๐’๐”๐๐Ž๐ƒ ๐๐€ ๐Š๐€๐Œ๐๐„๐Ž๐? ๐Ÿ‘€๐Ÿ†

MNHStudyantes, ready na ba ang inyong unit pride? Anim na unit, anim na kulay, at sari-saring atleta ang handang lumaban para sa kanilang koponan ngayong Intramurals 2026!

Pero bago pa man tayo mag-abang kung sino ang aangat sa mga kompetisyon, oras na para ipakita kung kanino kayo nakikisigaw!

Hanapin ang inyong unit at i-react ang kaukulang emoji para ipakita ang inyong suporta:

๐Ÿ’š UNIT I โ€” SOARING GREEN EAGLES
๐Ÿ‘ LIKE โ€” โ€œLilipad kami hanggang championship!โ€

๐Ÿ’› UNIT II โ€” VALIANT YELLOW TIGERS
โค๏ธ HEART โ€” โ€œRoar muna bago score!โ€

โค๏ธ UNIT III โ€” DRIVEN RED PHOENIX
๐Ÿฅฐ CARE โ€” โ€œMuling babangon, muling lalaban!โ€

๐Ÿ’™ UNIT IV โ€” MIGHTY BLUE MARLINS
๐Ÿ˜‚ HAHA โ€” โ€œHuwag magpahuli, lumangoy papunta sa panalo!โ€

๐Ÿ’— UNIT V โ€” MAJESTIC PINK FLAMINGOS
๐Ÿ˜ฎ WOW โ€” โ€œPretty in pink, pero palaban sa game!โ€

๐Ÿ’œ UNIT VI โ€” UNSTOPPABLE PURPLE HERONS
๐Ÿ˜ข SAD โ€” โ€œSad react lang, pero hindi sad ang laban!โ€

PAALALA: Hindi ito voting poll at walang opisyal na ranggo o puntos na ibabatay sa dami ng reaksyon. Ang reaksyon ninyo ay simpleng paraan lamang upang ipakita ang suporta at pagmamalaki sa inyong unit.

Kaya, MNHStudyantes, nasaan ang inyong unit pride?
React. Mag-ingay. Makisaya. At higit sa lahat, suportahan ang bawat atletang buong pusong lumalaban!

Dahil sa Intramurals, hindi lang medalya ang ipinaglalabanโ€”pati ang kulay, pagkakaisa, at dangal ng bawat unit!



๐Ÿ–ผ๏ธ & ๐Ÿ–‹๏ธ : Arnold Roman Mencias

  | Alon ng Laban: Mga Manlalangoy, Humataw sa Intramurals 2026Humahampas ang tubig sa bawat hagod habang buong bilis na...
18/08/2026

| Alon ng Laban: Mga Manlalangoy, Humataw sa Intramurals 2026

Humahampas ang tubig sa bawat hagod habang buong bilis na tinatahak ng mga manlalangoy ang kanilang lane sa Swimming Competition ng Maydolong National High School ngayong Agosto 18, 2026.

Sa 50M Backstroke, nanguna sina Brennan C. Contado (G11-Wisdom) at Hessel Mae T. Bajado (G7- Azucena ) sa boys at girls.

Samantala, sa 50M Breaststroke, nangibabaw sina Ruendel A. Capones (Grade 12-CSS) at Shelley Faye B. Amado (Grade 7-Rosal), habang sa 50M Butterfly, pinangunahan nina John Aiken J. Merida (Grade 7-Sampaguita) at Hazel Caroline Catudio (Grade 8-Mabini)

Sa 50M Freestyle, muling humataw sina Ruendel A. Capones at Shelley Faye B. Amado, na kapwa nagwagi sa kanilang dibisyon.

Sa likod ng kanilang bawat hagod at pagsisid ay ang paggabay nina Coach Joeffry Palce at Coach Nazelma May Rapada, na katuwang ng mga atleta sa kanilang paghahanda at pagharap sa kompetisyon.

Higit sa bilis, bawat paglangoy ay sukatan ng tiyaga, disiplina, at tapang. Sa bawat segundong lumilipas, bawat metro ay nagiging laban hanggang sa huling hagod at pag-abot sa finish line.

โœ๏ธ : Ludy Chica at Jericho Baje
๐Ÿ“ธ : Jericho Baje at Ludy Chica

  | Wakas ng Sumpa: Driven Red Phoenix Kampeon kontra Magestic Pink Flamingos, 2-0Nagpakitang-gilas ang Grade 9 Driven R...
18/08/2026

| Wakas ng Sumpa: Driven Red Phoenix Kampeon kontra Magestic Pink Flamingos, 2-0

Nagpakitang-gilas ang Grade 9 Driven Red Phoenix matapos nilang dominahin ang Grade 11 Majestic Pink Flamingos sa isang matira-matibay na serye ng penalty shootouts, 2-0, upang sungkitin ang titulong kampeon sa football sa Maydolong town plaza ngayong hapon, Agosto 18, 2026.

Bigo ang dalawang koponan na umiskor sa regulasyong oras, kaya naman napunta sa isang matinding do-or-die na sitwasyon ang dalawang magkalabang baitang kung saan matagumpay na tinunaw ng Red Phoenix ang depensa ng Pink Flamingos at matikas na ipinasok ang dalawang krusyal na puntos sa goalpost.

"Kanina habang nag pe-penalty shootout, ura-ura nak kulba dara kay pirme nala kami napipirde hit penalty tikang pa han grade 7, urog na han wra ak pakagoal kanina han Akon na. Malipayon ak han kami nagdaog labi na kay nag champion na gihap kami after 2 years nga pirmi la ikaduha." ani ni Joshua Vincent O. Buenafe, manlalaro mula sa panig ng Driven Red Phoenix.

Bago marating ang rurok ng tagumpay, pinadapa muna ng Red Phoenix ang Grade 10 Blue Marlins sa isang kapana-panabik na ikalawang laro, 3-2, upang tuluyang makapasok sa finals.

Sa kabilang banda, pinadapa naman ng Pink Flamingos ang Grade 7 Soaring Green Eagles, 4-1, sa ikatlong laro upang umabante sa kampeonato. Ang Grade 7 naman ay naunang nagwagi laban sa Grade 8 Valiant Yellow Tigers, 2-1, sa pambungad na salpukan.

โœ๐Ÿป Nikki Jane Bajado
๐Ÿ–ผ๏ธ : Lupon ng mga tagadisenyo ng Ang SIGAW

Address

Brgy. 04, National Highway, Maydolong, Eastern Samaw
Maydolong
6802

Opening Hours

Monday 7:30am - 5am
Tuesday 7:30am - 5am
Wednesday 7:30am - 5am
Thursday 7:30am - 5am
Friday 7:30am - 5am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang SIGAW posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share