13/01/2024
Sa Dinami dami ng simbahan ngayon
at lahat ay umaangkin na sila ay tunay
at ang aral ay nasa biblia,
paano natin malalaman kung anong simbahan ba talaga ang tunay? Alamin natin. ๐
Vocabulary:
Spanish: Iglesia
English: Church
Tagalog: Simbahan
๐Tanongโ May nagsabi sa akin na tunay daw ang kanilang Simbahan dahil mababasa sa Biblia ang pangalan ng kanilang Simbahan o Iglesia?
Tama bang batayan ng pagiging tunay na simbahan dahil lang nabasa sa Biblia ang pangalan ng Kanilang simbahan?
Sagot ๐ก
HINDI batayan na tunay ang isang Simbahan dahil lamang nababasa sa Biblia ang pangalan ng kanilang Simbahan,
dahil kung ganyan ang ating batayan, lalabas na maraming tunay,
Born Again - Mababasa Sa John 3:3
Iglesia ni Cristo- Mababasa sa Mga Taga Roma 16:16
Iglesia ng Diyos- Mababasa sa 1 Timoteo 3:15
Iglesia ng mga Panganay- Mababasa sa Mga Hebreo 12:23
Saksi- Mababasa sa Mga Gawa 5:32
Hindi iyan magiging batayan ng pagiging tunay,
dahil lalabas na maraming tunay,
Hindi ba pwedeng naunang mabuo ang Biblia,
kaya ang kanilang mga taga pagtatag ay nabasa sa Biblia at kinuha ang pangalan at Inangkin na sila iyon upang maraming mapaniwala.
Halimbawa ang pangalang "Iglesia Ni Cristo" na mababasa sa Mga Taga Roma 16:16,
Mga Taga-Roma 16:16
[16]Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO
Dapat nating malaman, na sinulat ni Pablo ang
"Mga Taga Roma 16:16"
Para sa Mga Taga Roma o Iglesiang nasa Roma noong Unang Siglo, at hindi para sa pilipinas.
Samantala,
Ang INC o Iglesia ni Cristo na tatag ni Felix Manalo noong 1914 ay dito sa pilipinas lamang at hindi taga Roma at kailan lamang na itatag,
Noong sinulat iyon noong unang siglo, wala pa sila kaya't hindi para sa kanila ang sulat na iyon.
Kaya't walang kinalaman "Mga Taga Roma 16:16"
sa INC dito sa pilipinas,
Nabasa lamang ni Felix Manalo ang nsa biblia at kinopya ang pangalan upang kapanipaniwala.
Kaya't malinaw na hindi porket nabasa sa biblia ang pangalan ng isang Simbahan ay tunay na ito, maaari lamang ginaya sa biblia ang pangalan saka nagtayo ng Simbahan.
Ngayon, Suriin natin kung paano natin malalaman kung talagang tunay, ito ang ating mga Criteria ๐
Mateo 16:18-19
[18]At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya.
[19]Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit. Ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot din sa langit.โ
Sa Mateo 16:18, Ng magsalita ang Panginoon na itatayo nya ang Kanyang Iglesia o Simbahan,
Suriin natin maigi at ating hihimay himayin,
Sabi ng Panginoon,
"Ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya"
"Ikaw ay Pedro at sa ibabaw ng batong ito"
Si Simon ay tinawag na Cefas( Na ang kahulugan ay Pedro)
Juan 1:42
[42]At isinama ni Andres si Simon kay Jesus.Tiningnan ni Jesus si Simon at sinabi sa kanya, โIkaw ay si Simon na anak ni Juan. Ikaw ay tatawaging Cefasโ (na ang kahulugan ng pangalang ito ay Pedro).
Ang ibang kahulugan ng Salitang Cefas/Pedro ay
"Bato o Rock"
Kaya't kung uunawain natin ang sinabi ng Panginoon,
"Ikaw ay Pedro at sa Ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya"
Maliwanag na si Pedro bilang bato ay ang pinagtayuan ng Panginoon ng kanyang Simbahan o Iglesia.
P**i tandaan 1๏ธโฃ
1๏ธโฃItinayo kay Pedro o Nasa ibabaw ni Pedro1๏ธโฃ
Sabi ng Panginoon:
"Itatayo ko ang aking iglesya"
Itatayo KO, Nangangahulugang ang Panginoon ang tagapag tayo, tagapagtatag o Founder
P**i tandaan 2๏ธโฃ
2๏ธโฃAng Panginoon ang Founder2๏ธโฃ
Sabi ng Panginoon
"Itatayo ko ang aking iglesya"
"Ang aking Iglesya" Ilan? Iisa lamang,
HINDI nya sinabing itatayo ko ang aking MGA Iglesia.
P**itandaan3๏ธโฃ
3๏ธโฃIisa lamang ang itinayo ng Ating Panginoon3๏ธโฃ
Sabi ng Panginoon,
"Ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya"
"Ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya"
Kung uunawain natin, ang daigdig daw ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa Iglesia o Simbahan,
kung hindi magtatagumpay ang daigdig ng mga patay?
Nangangahulugang ito ay WALANG kamatayan hindi natatalikod.
P**itandaan 4๏ธโฃ
4๏ธโฃWalang kamatayan ang Simbahan o Iglesia na tatag ng Panginoon4๏ธโฃ
Noong nagsasalita ang Panginoon na itatayo nya ang kanyang Simbahan,
Nasaan Siya? Sa Jerusalem, kaya sa Jerusalem nya itinatag ang kanyang Simbahan o Iglesia
P**itandaan 5๏ธโฃ
5๏ธโฃSa Jerusalem itinatag ng Panginoon ang kanyan Simbahan5๏ธโฃ
Noong nagsasalita ang Panginoon na itatayo nya ang kanyang Simbahan,
Kailan yan? Kailan ba namuhay sa Mundo ang Panginoon Jesus?
Noong Unang Siglo, ang Unang Siglo ay sa Pagitan ng
1 A.D to 100 A.D
Sa Makatuwid ang kanyang Simbahan ay itinatag noong Unang Siglo na Hindi lalagpas ng 100 A.D(Anno Domini) at Sa Biblia ang Panginoon ay nagsimulang mangangaral sa Edad na 30 yrs old, yan ay 29-30 A.D
Lucas 3:23
[23](23-27a) Magtatatlumpung taon na si Jesus nang siya'y magsimulang magministeryo.
Base naman sa mga Bible Scholar, Tatlong Taon nangaral ang Panginoong Hesus.
Samakatuwid, 30yrs old nagsimulang mangaral ang Panginoon, tatlong taon siyang na ngaral,
Ang kanyang Iglesia ay sa Pagitan lamang ng
29-30 A.D to 32-33 A.D naitatag.
P**itandaan 6๏ธโฃ
6๏ธโฃNaitatag ang kanyang Simbahan noong Unang Siglo, sa pagitan ng 29-33 A.D6๏ธโฃ
โ
Mga Dapat Criteria sa tunay na tatag na Simbahan ng Panginoonโ
1๏ธโฃItinayo kay Pedro o Nasa ibabaw ni Pedro.
-Ang Simbahan yan ay may kinalaman sa mga Apostol ni Cristo specially kay Pedro
2๏ธโฃAng Panginoon ang Founder
-Ang Panginoon lamang ang taga pagtatag wala ng iba,
3๏ธโฃIisa lamang ang itinayo ng Ating Panginoon.
-Hindi maaaring lahat ay tunay meron talagang IISA lamang na tunay na tatag ng Panginoon.
4๏ธโฃWalang kamatayan ang Simbahan o Iglesia na tatag ng Panginoon
-Simula noong Panahon ng Panginoong Jesus hanggang ngayon, ay naririto parin ang kanyang Simbahan.
5๏ธโฃSa Jerusalem itinatag ng Panginoon ang kanyang Simbahan
-Nagsimula sa Jerusalem hanggang lumaganap sa buong mundo, hindi maaaring magsimula sa ibang lugar tulad america, pilipinas o kung saan saan pa ,tanging sa Jerusalem lamang naitatag at nagsimula ang kanyang simbahan.
6๏ธโฃNaitatag ang kanyang Simbahan noong Unang Siglo, sa pagitan ng 29-33 A.D
-Naitatag noon pang unang siglo, hindi lang basta lumitaw ngayong 1500, 1600, 1700, 1800, 1900, 2000,
Kung ang Simbahan mo ay pasok sa Criteria natin sa taas ๐ nakakasigurado tayong tunay ang ating Simbahang kinaaniban..