15/07/2025
Ang KAGUSTUHAN o ang KABUTIHAN para sa bata???
FOR AWARENESS‼️ BATANG HALOS ARAW-ARAW KUNG KUMAIN NG HOTDOG, NAGKA-LEUKEMIA‼️
Isang 7-taong-gulang na batang lalaki mula sa Maynila ang nagpositibo sa leukemia, na ayon sa mga doktor ay maaaring may kaugnayan sa labis na pagkain ng processed food, partikular na ng hotdog.
Ayon sa ina ng bata, halos araw-araw nitong kinakain ang paboritong hotdog simula pa noong bata pa ito. Madalas ay tatlong beses sa isang araw pa raw itong humihiling ng hotdog sa tuwing kakain.
Sa isinagawang pagsusuri, lumabas na may mataas na lebel ng nitrate at ibang kemikal sa katawan ng bata—mga sangkap na karaniwang matatagpuan sa processed meats gaya ng hotdog. Ayon sa ilang eksperto, ang matagal na pagkakababad ng katawan sa ganitong kemikal ay posibleng magdulot ng panganib gaya ng leukemia, isang uri ng cancer sa dugo.
Payo ng mga doktor sa mga magulang: bantayang mabuti ang pagkain ng mga bata at iwasan ang labis na processed food. Ugaliin ang balanseng pagkain na may gulay, prutas, at sapat na nutrisyon upang makaiwas sa mga seryosong sakit.
Ctto📸
゚