11/09/2026
DEDIKASYON NG KABATAAN: Basketball Court ng Brgy. Del Rosario, Pinaganda ng KK Members at SK Council! ππ*
BRGY. DEL ROSARIO β Hindi lang puro laro ang alam ng kabataan ng Barangay Del Rosario β pinatunayan nilang may tunay na malasakit at bayanihan pa rin sa bagong henerasyon!
Sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Del Rosario, nagkaisa ang mga KK members at youth volunteers para pagandahin at pinturahan ang kanilang basketball court. Mula sa pagguwit ng linya, hanggang sa makulay na logo sa gitna ng court, kitang-kita ang pawis, puyat at dedikasyon ng bawat isa.
Sa post ng SK Barangay Del Rosario:
"The Sangguniang Kabataan of Barangay Del Rosario would like to thank all the KK members and youth volunteers of Barangay Del Rosario for their time and effort in helping paint our basketball court. Your support and dedication are truly appreciated! ππ"
Makikita sa mga larawan ang mga kabataan na sama-samang nagpipintura β may nagbubuhat ng pintura, may nakaluhod para ayusin ang linya, at may nagtutulungan sa pagkulay ng logo. Patunay na kapag nagkaisa ang kabataan, may magandang resulta!
Ang inisyatibong ito ay hindi lang para sa liga, kundi para magkaroon ang mga kabataan ng maayos, malinis at ligtas na lugar para maglaro at umiwas sa bisyo.
Saludo kami sa inyo, SK Del Rosario at sa lahat ng kabataang tumulong! Kayo ang tunay na ehemplo ng "Kabataan ang Pag-asa ng Barangay!"
Abangan ang muling pagbubukas ng court para sa inaabangang liga!
Photos: Courtesy of SK Barangay Del Rosario FB Page
Saludo kami sa inyo, SK Del Rosario! ππ₯