25/07/2025
๐๐๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐ ๐ข๐ก๐, ๐ฃ๐๐ง๐จ๐๐ข๐ฌ ๐ก๐ ๐๐จ๐ ๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐๐จ๐ฃ๐๐๐ก ๐ก๐ ๐๐จ๐ญ๐ข๐ก; ๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐ ๐จ๐ก๐๐ข๐ก, ๐ก๐๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐ก๐ ๐ง๐๐ช๐ฆ ๐ก๐ข. ๐ญ
Patuloy na humihina si Bagyong Emong habang papalabas ng kalupaan ng Luzon ngayong Biyernes ng umaga, Hulyo 25. Ayon sa pinakahuling ulat ng DOST-PAGASA sa ganap na 11:00 AM, huling namataan ang sentro ng bagyo sa paligid ng Calanasan, Apayao, taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 95 km/h at bugso na hanggang 160 km/h. Kumikilos ito pa-hilagang-silangan sa bilis na 40 km/h.
๐๐ ๐จ๐ก๐๐ข๐ก ๐จ๐ฃ๐๐๐ง๐
Bahagyang nabawasan na ang babala ng hangin sa La Union. Sa ngayon, ang hilagang bahagi ng lalawigan ay nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1, partikular sa mga sumusunod na bayan at lungsod:
โข Luna, Santol, San Fernando City, San Juan, Bagulin, Bangar, San Gabriel, Bacnotan, Sudipen, at Balaoan
Inaasahan pa rin ang malalakas na hangin sa mga lugar na ito, bagamat mas mahina na kumpara sa mga naunang bulletin.
๐๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ช๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐๐ข
โข Signal No. 3: Ilang bahagi ng Ilocos Norte (Bangui, Pagudpud, Dumalneg, Piddig, Vintar, Adams, Carasi), Apayao (Calanasan, Luna), at northwestern Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona)
โข Signal No. 2: Nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, hilagang Ilocos Sur, natitirang bahagi ng Apayao, hilagang Abra, Batanes, at hilagaโt kanlurang bahagi ng mainland Cagayan
โข Signal No. 1: Ilocos Sur (natitirang bahagi), buong Abra, bahagi ng Benguet, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at hilagang Isabela
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Emong sa umaga ng Hulyo 26 (Sabado). Inaasahan ding tuluyan itong hihina at magiging remnant low habang papalapit sa East China Sea.