06/09/2026
๐๐ก๐ซ๐จ๐ฆ๐๐๐ก๐ซ๐จ๐ง๐ข๐๐ฅ๐๐ฌ | ๐๐๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข๐ก๐๐ง
Matagal nang may mga pangalang iniukit sa marmol at tanso, mga buhay na isinakripisyo para sa dangal at kalayaan ng bayan. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon, nasusukat ang kabayanihan sa laki ng pangalang naitala sa kasaysayan.
May mga taong ang ambag ay hindi naging bantayog, subalit naging sandigan. May mga kamay na hindi nakaukit sa mga aklat, subalit araw-araw na humahawak sa bigat ng buhay upang maipagpatuloy ang kinabukasan. May mga tinig na maaaring hindi umalingawngaw sa buong bayan, ngunit sapat upang magsindi ng munting pagbabago.
Ang mga obrang ito ay paalala ng isang payak ngunit malalim na katotohanan: hindi kailangang maging tanyag upang maging makabuluhan. Kung minsan, taglay ito ng taong piniling tumindig kahit walang nakakakita, maglingkod kahit walang pagkilala, at gumawa ng tama kahit walang naghihintay na gantimpala.
Marahil, ito rin ang dahilan kung bakit patuloy nating ginugunita ang diwa ng Araw ng mga Bayaniโupang sariwain ang mga pangalang ipinagkaloob na sa kasaysayan at hindi maging manhid sa mga kabayanihang patuloy na isinasabuhay sa ating paligid.
Kung ang mga museo ay nag-iingat ng alaala, ang kabayanihan naman ang nagpapaalala kung para kanino natin ipinagpapatuloy ang kasaysayan. Maaaring sa pagitan ng mga kuwadro ay matuklasan natin ang isang bayaning matagal na nating nakikita ngunit nakakaligtaan, isang bayaning maaaring wala sa pahina ng kasaysayan, ngunit araw-araw ay nagsusulat ng pagbabago sa sariling paraan.
ni Maxene Malatag
Likha ng mga mag-aaral ng Arkitektura
Pagsasaayos ni Kyle Christian Soriano