25/10/2025
BINIGYAN KA NG LALAKING PALAGING NAG-A-UPDATE, PERO CHEATER NAMAN PALA! 🙂
Minsan, akala mo loyal kasi palaging nag-a-update. "Sleep lang ako love inaantok me", "Good morning," "kumain ka na?" "uwi na ako ha," lahat ng galaw pinaalam. Pero sa dulo, ikaw pa rin pala ‘yung niloloko. Yung mga salita niya, parang pang-kampante lang pala para hindi ka magduda.
Ang sakit ‘no? Yung akala mo secured ka kasi transparent siya, pero yun pala cover up lang lahat. Sa sobrang effort niya mag-update, hindi mo na napansin na may iba na pala siyang kinakausap sa likod mo. Parang ang hirap paniwalaan na kaya niyang mangloko kahit ganun siya ka-sweet dati.
Totoo talaga ‘yung sabi nila, hindi sa dami ng chat mo makikita kung faithful siya. Minsan pa nga, ‘yung mga sobrang showy sa social media, sila pa ‘yung may tinatago. Kasi gusto nila ipakita na “perfect” sila, habang may ibang story na hindi mo alam.
Ang pinaka-masakit pa, ikaw pa ‘yung nagmumukhang paranoid. Kapag nagtatanong ka, ikaw pa ‘yung “toxic” o “walang tiwala.” Pero deep inside, may nararamdaman ka na mali, at yun pala ang intuition mo na totoo mula sa simula.
Kaya next time, wag mo lang tignan kung gaano siya ka-active sa pag-update. Pakinggan mo rin kung sincere ba ‘yung mga sinasabi niya. Kasi ang tunay na pagmamahal, hindi kailangang i-broadcast, ipinaparamdam ‘yan kahit walang salita.
Magtiwala, oo. Pero matuto ka rin. Dahil minsan, ‘yung sobrang sweet, sila rin ‘yung may pinakamatamis na kasinungalingan.