20/06/2026
The past days, Book of Romans ang sentro ng devotion ko... At sa Romans 3, may isang bagay na nag-strike talaga sa puso ko. Madalas kasi nating isipin na basta mabuti tayong tao at nagsisikap tayong gumawa ng tama, sapat na 'yun para sa Diyos.
​Pero mare-realize mo talaga sa Bible na walang sinuman sa atin ang nakakaabot sa standard Niya—lahat tayo may pagkukulang, sa gawa man o sa pananalita. Dahil ang Diyos ay banal at makatarungan, hindi Niya pwedeng balewalain lang ang kasalanan.
​Pero ang pinakamagandang bahagi? Doon pumasok si Hesus. Hindi Niya tayo hinayaang mapahamak. Sa pamamagitan ng pananampalataya natin sa Kanya, binura Niya ang marumi nating rekord at itinuring tayong matuwid—isang libreng regalo na hindi natin kailangang pagtrabahuhan. Dahil sa regalong ito, mas lalo kong naramdaman ang hilig ng puso ko na manatiling matatag at higit sa lahat, i-share ang napakagandang balitang ito sa mga taong mahal ko sa buhay na naghahanap din ng totoong kapayapaan.
​Ikaw, kumusta ang puso mo ngayon?
Verse Focus:
Mga Taga-Roma 3:10, 12-14, 16-18, 20, 22-23, 28 MBBTAG12
[10] Ayon sa nasusulat, “Walang matuwid, wala kahit isa.
[12] Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama. Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.” [13] “Parang bukás na libingan ang kanilang lalamunan; pananalita nila'y pawang panlilinlang. Ang labi nila'y may kamandag ng ahas.” [14] “Punô ng pagmumura at masasakit na salita ang kanilang bibig.”
[16] Parang dinaanan ng salot ang kanilang madaanan, [17] hindi nila alam ang daan ng kapayapaan.” [18] “Hindi sila marunong matakot sa Diyos.”
[20] Walang taong mapapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, sapagkat ang ginagawa ng Kautusan ay ang ipaalam sa tao na siya'y nagkasala.
[22] Ginagawang matuwid ng Diyos ang lahat sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya kay Jesu-Cristo. Walang pagkakaiba ang mga tao, [23] sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
[28] Kung gayon, maliwanag na sa pamamagitan ng pananampalataya itinuturing na matuwid ang tao, at hindi sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan.