
24/08/2025
๐๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฌ๐๐ | ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ต๐ฎ๐, ๐๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ
"Ang wika ay kaluluwa ng bayan." Isang pahayag na nagmula kay Lope K. Santos. Ito ay isang munting paalala tungkol sa sariling pagkakakilanlan ng bansa, at ang kahalagahan nito sa paghubog ng pagkakaisa ng bawat mamamayan. Noong Hunyo 28, 2013, iniutos ng Commision on Higher Education (CHED) sa ilalim ng Memorandum Order No. 20, Series of 2013, na baguhin ang General Education Curriculum (GEC) para sa antas ng kolehiyo. Kasama sa pagsasaayos ay ang pagtanggal ng Filipino at Panitikan bilang mga pangunahing asignatura sa kolehiyo. Ngunit sa pagtanggal ng mga ito sa kolehiyo, tila pinatay ang nagbigay ng buhay, inalis ang mismong hininga ng pagka-Pilipino, at pinagtaksilan ang sarili nating bansa. Sa isang bansang ipinanganak sa himig ng sariling salita, tila higit na pinapahalagahan ang wikang banyaga kaysa sa sariling atin.
Hindi masama ang maging mahusay sa Inglesโito ay mahalaga sa pakikipag-kompetensya sa buong mundo. Ngunit hindi solusyon ang pagtanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo upang tayo'y umusad.
Una, ang pagkawala ng bisa ng komunikasyon sa ating kapwa Pilipino. Sa pagtanggal ng Filipino sa kolehiyo, hindi natuturuan ang kabataan sa mataas na antas ng paggamit ng sariling wika. Sa halip na lumalim ang talino sa Filipino, mas lalo pang nababawasan ang kakayahan nilang makipag-ugnayan sa mga ordinaryong mamamayan. Ang komunikasyon ang tulay ng pagkakaisa. Ngunit kung ito ay tinanggal, hahantong lamang ito sa pagbubukod-bukod ng bawat Pilipino.
Ikalawa, ang kawalan ng trabaho sa mahigit 10,000 na g**o ng Filipino. Hindi lamang ito usaping wika, kundi usaping kabuhayan. Libu-libong mga propesor ng Filipino sa buong bansa ay nanganganib na mawalan ng trabaho, o sapilitang lumipat ng ibang larangan. Kung maraming Pilipino ang hirap sa kabuhayan, mas lalong pinapalala ang problema sa pamamagitan ng pag-alis ng asignaturang Filipino, na nagbibigay trabaho sa ating mga g**o.
Ikatlo, Filipino ang susi para sa intelektwal na pag-iisip. Maaaring gamitin ang mga wikang banyaga upang maging daan para sa pandaigdigang ugnayan, ngunit ang tunay na lalim ng kritikal na pag-iisip ay higit na nahuhubog sa sariling wika. Sa resulta ng Programme for International Student Assessment o PISA, mahina ang intelektwal na pag-iisip ng mga Pilipino. Kung ikukumpara sa ibang mga bansa, ang Pilipinas lamang ang hindi humiling na isalin ang pagsusulit sa unang wika na naging sanhi sa mababang marka.
Ang pagtanggal sa wikang Filipino sa kolehiyo ay hindi lamang simpleng isyu sa kurikulum, kundi isang suliranin sa kultura, kabuhayan, at pagkatao ng Pilipino. Sa pagwawaksi ng asignaturang Filipino bilang isa sa mga pangunahing asignatura sa kolehiyo, unti-unti na ring nawawalan ng pakikipag-unawaan ang bawat isa, ng libo-libong trabaho ng mga g**o, at ng pagkakakilanlan bilang isang Pilipino. Hindi ang pagtanggal ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo ang solusyon sa ating intelektwal na pag-unlad, kundi ang pagpapalakas sa wikang Filipino bilang bahagi ng ating edukasyon. Kung ninanais natin na manatiling buo ang ating pagka-Pilipino, dapat tayong magkaisa upang ipaglaban na ang Filipino ay manatiliโhindi bilang opsyon, kundi bilang pangunahing sandigan ng ating bayan.
โ๐ผ| ๐๐๐ง๐จ๐ง๐
โ๏ธ| ๐ง๐ข๐จ๐๐ข๐ช๐๐ฌ
๐ผ๏ธ| ๐๐๐ฌ๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐๐, ๐ฅ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฅ๐๐๐ข๐๐ข & ๐๐ข๐๐๐ก๐ก๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ก๐๐