18/10/2025
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐ฃ๐จ๐ ๐๐๐ข ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐ช๐๐ฆ๐ง๐ข
๐ฆ๐ผ๐น๐ถ๐บ๐ฎ๐ป, ๐๐๐บ๐ถ๐ธ๐น๐ฎ๐ฏ ๐๐ฎ ๐ ๐ฒ๐๐๐ถ๐ฃ๐ฟ๐ถ๐ฆ๐ ๐๐ฎ๐ฑ๐บ๐ถ๐ป๐๐ผ๐ป ๐ฆ๐ ๐ฆ๐ญ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ
Meycauayan City โ Buo ang puso, tapang, at determinasyon ng mga manlalaro mula sa Immaculate Conception Polytechnic Meycauayan (ICPMY) sa paglahok sa Meycauayan City Private Schools Association (MeyCiPriSA) 2025 Badminton Secondary Boys, Singles at Doubles, na ginanap sa Trinitas College Annex noong Oktubre 17, 2025, ganap na alas-8 ng umaga.
Sa Singles 1, matapang na hinarap ni Lance Soliman ng ICP ang pambato ng The Cardinals Academy Inc. (TCAI) na si Allianz Bliss Arrio. Sa unang set pa lamang ay umarangkada ang kalaban sa iskor na 16โ9, at tuluyang nasungkit ang panalo sa ikalawang set, 31โ16, pabor sa TCAI. Ngunit hindi nagpadaig si Suliman at agad siyang bumangon at muling lumaban sa Losers Bracket.
Dito ay nagharap sila ni AJ Chua ng St. Michael Academy of Meycauayan (SMAM). Muling nagningning si Soliman matapos dominahin ang laban sa dalawang magkakasunod na sets, 16โ8 at 31โ15, dahilan upang makuha niya ang ikalimang puwesto sa kabuuan ng torneo.
Samantala, sa iba pang laban ng ICPMY Badminton Team, nagpasiklab si John Youzef Ermita nang lampasuhin si Miguel Brent Magnaye ng San Isidro San Roque Academy (SISRA) sa sets na 16โ9 at 31โ16, bago bumagsak sa mainit na laban kontra TCAI, 16โ15 at 31โ21. Sa Doubles category, umarangkada rin ang tambalan nina Vincent Puntilar at Jero Santos matapos pataubin ang mga koponan mula SMAM at Colegio de Sto. Niรฑo, bagamaโt bigong masungkit ang panalo sa huling round kontra Nazarenus College.
Sa buong torneo, hindi rin matatawaran ang paggabay ng kanilang coach na si G. Allen Jay Cruz, na naging sandigan ng koponanโpalaging nariyan upang magpaalala, magbigay ng lakas ng loob, at tiyaking bawat tira ay may kumpiyansa at puso.
Sa kabila ng matinding bakbakan at mahigpit na kompetisyon, ipinamalas ni Lance Soliman at ng buong ICPMY Badminton Team ang kanilang puso, sipag, at dedikasyon para sa paaralan. Ang kanilang ipinakitang determinasyon ay nagsilbing inspirasyon sa mga kapwa estudyante na patuloy na nag-aalay ng talento at dedikasyon para sa karangalan ng kanilang paaralan.
------
Isinulat ni: David Joenr Traqueรฑa, Punong Patnugot ng Pahayagang Lawiswis
Idinisenyo ni: Jenmark Santos, Punong Patnugot ng Pahayagang La Icona
Larawan ni: Chryzelle Shaine Antonio, Tagakuha ng Larawan ng Pahayagang Lawiswis