
09/01/2025
“Mag-aral kang mabuti para maiahon mo kami sa hirap”
A toxic Filipino Culture na pasalin-salin. WAG GAWING INVESTMENT ANG IYONG ANAK! Wag mo silang sumabatan sa kung ano naidulot mo sa kanila. HINDI TAYO OBLIGASYON NG ATING MGA ANAK! Pina-aral, binihisan, at inaruga natin ang ating mga anak hindi dahil may kapalit ito sa kanilang paglaki. Kung di dahil gusto natin maging maayos, masaya, at masagana ang kanilang mga buhay kapag dumating ang araw na tayo ay wala na.
Kung ano man ang isinakripisyo mo noon at ngayon para sa iyong mga anak, ginawa mo iyon dahil pinili mong gawin at hindi nila yon hiniling. Ikaw ang may pagakakataong pumiling magka-anak at hindi sila. HAYAAN MO SILANG MAGING MALAYA AT BUMUO NG SIRILING BUHAY, Wag mong ikulong ang anak mo sa mga bagay HINDI MO NAGAWA NOON AT ALISIN MO SA MINDSET MO NA SILA ANG TUTUPAD NON PARA SAYO.
Ang mga magulang ay sinadya para bumuo ng masaya at masaganang pamilya, hindi para bumuo ng isang bata o anak na IAAHON KAYO SA KAHIRAPAN.