16/02/2026
MGA BATA MAKINIG SA HINDI SANG AYON SA SABI NI SIR ROBIN. NA WEAK ANG MGA BATA NGAYON.
Tama naman c sir Robin, Mas sobra ang hirap mag aral noon. aklat lang 3 or 4 blackboard susulatan ng g**o, tapos isulat sa note book. ngayon send lang sa messenger ok na. Noon sobra mag disiplina ang g**o. Ngayon takot na sila. Kac kahit Tama ang g**o kapag nasaktan lng ng kunti mga anak reklamo agad. Tanggalan ng trabaho g**o. Kaya ngayon maraming studyante na hindi gumagalang (HINDI LAHAT HA) Marami pa rin ang matitinong bata. Pero Mas marami ngayon ang igsi ng pasencia. Wala kasalanan ang bata diyan kung expose na sila sa mga gadgets bata pa. Pero kung nasa 15 above kana Alam mo na yan mali. Huwag mo ng gawin. Kaya naging matigas ulo ng mga bata dahil sa mga nakikita nilang hindi maganda sa social media. Mga magulang hirap sa pagturo sa mga anak. Naging tamad, bugnutin, lagi mainit ang ulo. Kunting pangaral lang nagtatampo, nagagalit. Marami sa mga magulang ngayon na sila pa takot sa mga anak. Kac kung pagalitan mo sila maglayas, mag bigti. Bilang mga magulang habaan talaga pasencia sa mga anak. Kaya nga mga anak kayo ang pag Asa ng Bayan. Makinig sa payo ng mga magulang. Sabihin natin iba noon, iba ngayong bagong hinirasyon. Pero ang salitang MALI at TAMA hindi nagbabago. Teknolohiya lang nagbabago. Ngayon kung pairalin niyo ang impluwensiya ng bagong technology na makakasira sa inyo. Nasa inyo na yon. Paano kayo matawag na Mga kabataan ang pag Asa ng Bayan kung hindi kayo makinig sa mga tinuturo sa inyo. Tulad ngayon sa sinabi ni Robin marami ang galit. Kung totoong hindi kayo weak ipakita niyo na nagka mali ang sabi ni Robin. Maging strong kayo. Lahat ng hirap, pagsubok, lungkot sa buhay labanan niyo. Kung kaya ni Robin na hindi maging weak kahit mababa ang pinag aralan kayo pa Kaya na mataas ang pinag aralan. Kaya niya nasabi yan kac nga nangyayari ngayon. Marami ngayon igsi ng pasencia. Uulitin ko hindi lahat. Sana gabayan at ipagdasal natin na gabayan ng Diyos ang mga bata. Dahil sila ang pag Asa ng Bayan.Tayong mga magulang hindi titigil sa pagturo at pag suporta sa mga bata. Para mangyari ang tinatawag na Kabataan pag Asa ng Bayan