23/08/2025
Galing at husay sa paggamit ng baril,ipinamalas sa pagbubukas ng Kalivungan Shootfest 2025
CENTRAL MINDANAO-Kapanapanabik ang aksyon, galing, at husay ang ipinamalas ng mga kalahok sa pagsisimula ng Kalivungan Shootfest 2025 na ginanap sa PNP/MT. Apo Shooting Range sa CPPO Headquarters, Amas, Kidapawan City sa pangunguna ng Mt. Apo Practical Shooters Association, Incorporated.
Mismong si Governor Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza at Vice Governor Rochella Marie "Ella" Taliño Taray ang nanguna sa pagbubukas ng aktibidad kung saan sa kanilang mensahe ay ipinaabot ng mga ito ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga nakiisa at nagbigay suporta sa selebrasyon ng ika-111 taong anibersaryo ng lalawigan ng Cotabato.
Tinatayang nasa 154 shooters at gun clubs mula sa iba't-ibang bahagi ng Mindanao na binubuo ng Marbel Practical Shooting Association, Ballistics Gun Club, DAVSUR Gun Club, Rio Grande Gun Club, Malaybalay Gun Club, Golden Grain Gun Club, Metro Gensan Gun Club, Gold Cup Davao, Team Davao, Magnus, at T'boli Practical Shooting Association ang lumahok sa iba't ibang kategorya at dibisyon ng kompetisyon na magtatapos bukas, Agosto 24, 2025.
Kabilang din sa mga lumahok ang ilang mga opisyal kabilang na sina DSWD 12 Regional Director Loreto V. Cabaya Jr., Municipality of Banay-Banay, Davao Oriental Mayor Lemuel Ian M. Larcia, PRO12 Chief of Regional Staff PCOL Harold S. Ramos, Davao Del Sur PPO Provincial Director PCOL Leo T. Ajero, at Aleosan Councilor Jason Cabaya.
Bumisita at nakiisa din sina boardmembers Ryl John Caoagdan at Rosalie Cabaya, Tulunan Mayor Lee Roy Villasor, at Nabalawag, SGA-BARMM Mayor Datu Rhenz Tukuran.(Garry Fuerzas with IDCD-PGO-NCOT)