
10/08/2025
Kaya kahit gaano kaluma tinatanggap namin.
‼️PAALALA sa mga Negosyante: Huwag Tanggihan ang Lumang Pera‼️
Para sa lahat ng negosyante at mamimili:
Alam niyo ba na bawal tanggihan ang lumang pera na valid pa? Kapag tinanggihan niyo ito, maaaring magkaroon kayo ng problema o maparusahan.
Sabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa BSP Circular No. 537 at batas RA 7653, lahat ng pera na inilabas ng BSP at hindi pa sinabing hindi na valid ay dapat tanggapin sa kahit anong transaksyon.
Hindi dahilan ang pagiging luma o medyo sira ng pera para hindi ito tanggapin.
Para sa mga mamimili:
Kung may negosyanteng tumanggi sa lumang pera niyo, kumuha ng larawan o video at i-report ito sa DTI o BSP. Protektado kayo ng batas RA 7394. Tulong tulong tayo para maging patas ang negosyo sa lahat. Lumang pera, pera pa rin — respetuhin ang bawat piso.