17/10/2025
๐๐ข๐ง๐ก๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐ก๐๐ญ๐ข๐ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐ข๐ญ๐จ๐ฅ๐ฒ๐จ, ๐ฆ๐๐๐ข๐ค๐๐ฅ-๐๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐จ๐ฎ๐ญ๐ซ๐๐๐๐ก ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ค
โ
โMuling ipinamalas ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza ang malasakit sa mamamayan sa pamamagitan ng Medical-Dental Outreach na ginanap sa Barangay Palongoguen, Midsayap ngayong araw, Oktubre 15, 2025. Umabot sa 193 residente ang napagsilbihan sa libreng konsultasyong medikal at dental sa pangunguna nina Dr. Mary Joy Posada, Dr. Rosario Isabel Pader, Dr. Maryjane Apusaga, at Dr. Myra Lisa Parcon mula sa Integrated Provincial Health Office (IPHO). Bahagi rin ng programa ang PhilHealth YAKAP program na isinagawa ng Dr. Amado B. Diaz Foundation Provincial Hospital.
โ
โKatuwang ng IPHO ang mga barangay opisyal at Rural Health Unit (RHU) sa matagumpay na pagpapatupad ng nasabing aktibidad na layong mapalapit ang serbisyong medikal sa mga komunidad. Ang inisyatibang ito ay isa sa mga pangunahing programa ni Governor Taliรฑo-Mendoza sa ilalim ng โSerbisyong Totooโ na isang patunay na ang pangangalaga sa kalusugan ay prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan upang matiyak ang masigla, produktibo, at ligtas na pamumuhay ng bawat Cotabateรฑo.
// idcd-pgo-delacruz //
//Video by: Jake Estimo//