16/05/2026
๐๐๐๐ซ๐ง. ๐๐๐๐. ๐๐ซ๐จ๐ฐ. ๐ฑโจ
โ
โIsang makabuluhang araw ang inilaan para sa 30 kabataang may edad 10โ17 taong gulang sa isinagawang Leadership and Personality Development Training, sa pangunguna ni James Flauta. Layunin ng gawaing ito na ihanda sila hindi lamang bilang mga lider, kundi bilang mga responsableng indibidwal na may malinaw na direksyon sa buhay.
โ
โPinangunahan ni Kient Naph C. Palencia ang talakayan sa leadership, kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng disiplina, tamang pagpapasya, at pagiging huwaran sa kapwa. Samantala, ibinahagi naman ni Joey Albert F. Rivera, MAEd ang mahahalagang aral sa personality development, na tumulong sa mga kabataan na mas makilala ang kanilang sarili at mapaunlad ang kanilang kumpiyansa at pag-uugali.
โ
โAng programang ito ay naisakatuparan sa tulong ng mga katuwang na organisasyon na BCA ABBU at 4-H Club, na patuloy na sumusuporta sa paghubog ng kabataan.
โ
โSa bawat aral na kanilang natutunan, dala nila ang inspirasyon upang maging mas mabuting bersyon ng kanilang sariliโhanda sa mga hamon at oportunidad na darating.
โ