RMN DWNX NAGA

RMN DWNX NAGA we are RMN DWNX 91.1FM and RMN DWNX 1296AM in Metro Naga, Camarines Sur
(15)

08/06/2026

๐™ˆ๐™ž๐™จ๐™จ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™–๐™˜๐™˜๐™ค๐™ข๐™ฅ๐™ก๐™ž๐™จ๐™๐™š๐™™! ๐ŸŽค
๐™๐™ง๐™ค๐™ข ๐™—๐™ž๐™ง๐™ž๐™ฉ ๐™ฉ๐™ค ๐™ฉ๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ ๐Ÿคฉ๐Ÿฅฐ ๐™ฃ๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™ฅ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ซ๐™ž๐™™๐™š๐™ค๐™ ๐™š ๐™˜๐™๐™–๐™ก๐™ก๐™š๐™ฃ๐™œ๐™š ๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฉ๐™ž ๐™–๐™ฉ ๐™œ๐™ค๐™ค๐™™ ๐™ซ๐™ž๐™—๐™š๐™จ๐ŸŽต๐ŸŽถ๐ŸŽค

๐™Ž๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฉ ๐™จ๐™– ๐™ช๐™ฃ๐™›๐™ค๐™ง๐™œ๐™š๐™ฉ๐™ฉ๐™–๐™—๐™ก๐™š ๐™ฃ๐™– ๐™—๐™ค๐™ฃ๐™™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ข๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™๐™–๐™™๐™ฎ๐™ค๐™ข๐™–๐™ฃ.

๐‘ป๐’‚๐’๐’”-๐’‘๐’–๐’”๐’๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’”๐’‚๐’”๐’‚๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’• ๐’”๐’‚ ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’”๐’‘๐’๐’๐’”๐’๐’“๐’” ๐’‚๐’• ๐’”๐’‚ ๐‘ณ๐‘ฎ๐‘ผ ๐‘ต๐’‚๐’ˆ๐’‚ ๐‘ด๐’‚๐’š๐’๐’“ ๐‘ณ๐’†๐’๐’Š ๐‘น๐’๐’ƒ๐’“๐’†๐’…๐’ ๐’‚๐’๐’… ๐‘ช๐‘ฌ๐‘ท๐‘ท๐‘ฐ๐‘ถ ๐’”๐’‚ ๐’Š๐’๐’š๐’๐’๐’ˆ ๐’”๐’–๐’‘๐’๐’“๐’•๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’‘๐’‚๐’Œ๐’Š๐’Œ๐’Š๐’Š๐’”๐’‚ ๐’๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’•๐’‚๐’ˆ๐’–๐’Ž๐’‘๐’‚๐’š ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’‚๐’Ž๐’‚.๐‘ฏ๐’‚๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’–๐’๐’Š, ๐’”๐’‚๐’Ž๐’‚ ๐’”๐’‚๐’Ž๐’‚ ๐’๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’•๐’–๐’๐’๐’š ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š๐’๐’ˆ ๐’”๐’‚๐’š๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’Œ๐’‚๐’Š๐’”๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’๐’Ž๐’–๐’๐’Š๐’…๐’‚๐’….



Mas makapangyarihan ang bertud ng certificate of land ownership award (CLOA) ng mahigit kumulang 150 agrarian reform ben...
08/06/2026

Mas makapangyarihan ang bertud ng certificate of land ownership award (CLOA) ng mahigit kumulang 150 agrarian reform beneficiaries (ARB) kumpara sa titulo ng Wanderlust Land Development Corporation sa 434 na ektaryang lupa sa Barangay San Ramon at Salvacion, Siruma, Camarines Sur.

Matatandaan, 1,014 ektaryang lupa ang nasa land claim ng nasabing korporasyon sa lugar, kabilang na ang lupain ng mga ARB sa nasabing area.

Sa ginawang consultation meeting nito lamang Sabado ng umaga sa covered court ng Barangay San Ramon, na pinangunahan ni Partido District Rep. Arnie Fuentebella sinabi ni Atty. Ramon Cabaรฑes Jr., chief legal officer ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa lalawigan, "superior" ang titulo ng mga may lupa sa lugar kumpara sa titulo ng korporasyon.

Aniya, nasa kamay na ng opisina sentral ng ahensya ang imbestigasyon sa titulo ng Wanderlust.

Nakahanda ang DAR sa kanilang legal na hakbang kaugnay ng isyu at sineguro ang pagtatanggol sa titulo ng kanilang mga beneficiaries sa area.

Maliban kay Cabaรฑes, kasama din sa aktibidad si Regional Director for Technical Services Forester Ronnel Astor ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagsabing malaking bagay ang titulo ng land firm mula sa Register of Deeds, hawak ng kaniyang tanggapan, para sa survey sa napakalawak na lupa sa bayan na sinimulan ngayong araw.

Ayon pa kay Astor, sa survey malalaman kung nasaklaw ba sa land claim ng Wanderlust sa lugar ang 300 ektarya ng timberland at 140 ektarya ng bodies of water sa area.

Tiniyak naman ni Fuentebella sa mga residenteng apektado ng isyu na tuloy ang congressional inquiry sa Wanderlust ng House committee on good government and public accountability pagkatapos lang ng SONA ni Pres. Ferdinand Marcos Jr., sa Hunyo 27 - pagbalik sesyon ng mga kongresista.

Una nang naantala ang imbestigasyon ng mababang kapulungan hinggil dito dahil sa iilang isyu sa loob ng kamara baha.

Enero 28, nang sinimulang pabakuran ng korporasyon sa 50 kalalakihan ang land area na pinagmulan din ng pangamba ng mga residente, kinabibilangan ng mga magsasaka't mangingisda at ni KiudKiad Campsite Owner Randall Dagooc.

Pebrero 25, nang ibahagi ni Dagooc ang issuance ng stoppage order ng pamahalaang bayan sa fencing activity sa area.

Pebrero 9, ngayon ding taon, sinulong ni Fuentebella sa kaniyang privilege speech sa kongreso ang imbestigasyon kaugnay ng isyu. || Radyoman Paulo Papa

๐Ÿ“ธ Radyoman Grace Inocentes at the ground.

08/06/2026

MGA KASAMA! Manood na ng inyong mga paboritong programa dito lang sa RMN DWNX Naga! NX Nganiiiiiiiiiiiii!

Magfollow din sa aming Tiktok!
https://www.tiktok.com/

Manood at mag-subscribe din sa aming YouTube channel!
https://www.youtube.com//live

Mapapakinggan din kami sa inyong mga radyo sa 91.1 FM at 1296 AM!

CALL LINES: 0939 394 9969 / 0917 854 3061





08/06/2026

RMN Network News | JUNE 8, 2026 | 12:00NN

๐Ÿ”ด MANATILING MAPANURI SA PINAKAMAINIT NA BALITA

Kasama si Drew San Fernando


MISS BICOLANDIA 2026, HINDI MUNA ITUTULOYKinumpirma ngayong Hunyo 8 ni Mayor Leni Robredo ng Naga City na walang idaraos...
08/06/2026

MISS BICOLANDIA 2026, HINDI MUNA ITUTULOY

Kinumpirma ngayong Hunyo 8 ni Mayor Leni Robredo ng Naga City na walang idaraos na Miss Bicolandia ngayong taon, kasunod ng rekomendasyon ng Miss Bicolandia Committee.

Ayon kay Mayor Robredo, ang beauty pageant ang isa sa may pinakamataas na gastusin sa mga aktibidad ng Peรฑafrancia Festival. Aniya, ikinabahala ng komite ang posibilidad na mahirapan silang makakuha ng sapat na sponsorship para maisagawa ito. | via RM Antonette Eduardo

Address

Milaor

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+639393949969

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RMN DWNX NAGA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to RMN DWNX NAGA:

Share