JESUS NEVER FAILS

JESUS NEVER FAILS Tears Are A Language God Understand.

Good morning sa lahat. Naway pag palain kayu ng Panginoon sa lahat ng oras.
27/03/2025

Good morning sa lahat. Naway pag palain kayu ng Panginoon sa lahat ng oras.

27/03/2025

2 Corinthian 9;7
Ang bawat isa ay magbigay ayon sa ipinasya ng kanyang puso, hindi nanghihinayang, o napipilitan lamang sapagkat iniibig ng Diyos ang masayang nagbibigay.

27/03/2025

Maica 6;8
Sumagot si Micas: Tinuruan tayo ng PANGINOON kung ano ang mabuti. At ito ang nais niyang gawin natin: Gawin natin ang matuwid, pairalin natin ang pagkamaawain sa iba at buong pagpapakumbabang sumunod sa Dios.

27/03/2025

Isaias 58
Magandang Balita Biblia
Ang Tunay na Pagsamba..
58 Sinabi ni Yahweh, “Sumigaw ka nang malakas na malakas;
itaas mo ang iyong tinig gaya ng trumpeta.
Ang kasalanan ng bayan ko sa kanila'y ihayag.
2 Sinasangguni nila ako sa araw-araw,
tinatanong nila ako kung paano sila mamumuhay.
Kung kumilos sila ay parang matuwid,
at hindi sumusuway sa mga tuntuning ibinigay ng kanilang Diyos.
Humihingi sila sa akin ng matuwid na pasya;
nais nila'y maging malapit sa Diyos.”

3 Tanong ng mga tao, “Bakit hindi mo pansin ang pag-aayuno namin?
Bakit walang halaga sa iyo kung kami ma'y magpakumbaba?”
Sagot ni Yahweh, “Pansariling kapakanan pa rin ang pangunahing layunin ninyo sa pag-aayuno,
at habang nag-aayuno'y patuloy ninyong inaapi ang mga manggagawa.
4 Ang pag-aayuno ninyo'y humahantong lamang sa karahasan,
kayo'y nagkakagalit at naglalaban-laban.
Hindi tunay ang pag-aayunong ginagawa ninyo ngayon,
kaya tiyak na hindi ko papakinggan, ang inyong mga dalangin sa akin.
5 Ganyan ba ang pag-aayunong aking kaluluguran?
Iyan ba ang araw na talagang nagpapakumbaba ang mga tao?
Hinihiling ko ba na yumuko kayong tulad ng damong hinihipan ng hangin,
o mahiga kayo sa sako at abo?
Pag-aayuno na ba ang tawag ninyo diyan,
isang araw na nakalulugod kay Yahweh?

6 “Ganitong pag-aayuno ang gusto kong gawin ninyo:
Palayain ninyo ang mga di-makatarungang ipinabilanggo;
kalagin ninyo ang tanikala ng inyong mga inalipin.
Palayain ninyo ang mga inaapi,
at baliin ang mga pamatok ng mga alipin.
7 Ang mga nagugutom ay inyong pakainin,
ang mga walang tirahan ay inyong patuluyin.
Ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga damit.
At sa mga nangangailangang mga kamag-anak ay huwag kayong magkakait.
8 Kung magkagayon, sisikat ang liwanag sa inyo, at matutulad kayo sa bukang-liwayway,
hindi magtatagal at manunumbalik ang inyong kalusugan.
Mahahayag sa inyong unahan ang mabubuti ninyong gawa,
at sa inyong hulihan ay papatnubayan kayo ng kaluwalhatian ni Yahweh.
9 Sa araw na iyon, diringgin ni Yahweh ang inyong dalangin;
kapag kayo'y humingi ng tulong, sasabihin niya, ‘Naririto ako.’

“Kapag itinakwil ninyo ang pang-aapi,
maling pagbibintang at pagsisinungaling;
10 kapag ang nagugutom ay kusang-loob ninyong pakakainin,
at tutulungan ang mahihirap,
sisikat ang liwanag sa inyong nasa kadiliman,
at ang inyong kapanglawan ay magliliwanag gaya ng sa katanghaliang-tapat.

27/03/2025

2 Timothy 3;1-5
Kawalan ng Pagsamba sa Mga Huling Araw
3 .Ngunit alamin mo ito, na sa mga huling araw, daratingang magulong panahon.

2 Ito ay sapagkat ang tao ay magigimg maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin sa salapi, mayayabang, mapagmalaki, mamumusong, masuwayin sa mga magulang, hindi mapagpasalamat, hindi banal. 3 Sila ay walang pag-ibig, hindi mapagpatawad, mapanirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, mabagsik, hindi mapagmahal sa kabutihan. 4 Sila ay mga taksil, mga hindi mapigil at mga mapagpalalo. Iniibig nila ang kalayawan kaysa sa ibigin nila ang Diyos. 5 Sila ay may anyo ng pagkamaka-Diyos ngunit ipinagkakaila ang kapangyarihan nito. Iwasan mo ang mga taong ito.

Ecclesiastes 9;11 Ito pa ang isang bagay na napansin ko sa mundong ito: ang mabilis ay di siyang laging nananalo sa takb...
15/03/2025

Ecclesiastes 9;11
Ito pa ang isang bagay na napansin ko sa mundong ito: ang mabilis ay di siyang laging nananalo sa takbuhan ni ang malakas ay laging nagwawagi sa digmaan. Ang matatalino'y di laging nakakasumpong ng kanyang mga kailangan at di lahat ng marunong ay yumayaman. Napapansin ko rin na di lahat ng may kakayahan ay nagtatagumpay; lahat ay dinaratnan ng malas.

15/03/2025

Tears are a language God understands

15/03/2025

I want to use this opportunity to tell you about Jesus, Don't be too busy to find Jesus now, tomorrow might be too late, we are all stranger in This world, Don't Leave this world without knowing Jesus, Jesus is only way to eternal life, God bless you as you seek him Amen 🙏

15/03/2025

Philippians 4:6
do not be anxious about anything, but in everything by prayer and supplication with thanksgiving let your requests be made known to God.

15/03/2025

Santiago 4:8-10
Magandang Balita Biblia
8 Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo. Hugasan ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan! Linisin ninyo ang inyong puso, kayong pabagu-bago ang isip. 9 Maghinagpis kayo, umiyak at tumangis! Palitan ninyo ng pagluha ang inyong tawanan, at ng kalungkutan ang inyong kagalakan! 10 Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo.

15/03/2025

Psalm 121:2-3
This passage says, "My help comes from the LORD, the Maker of heaven and earth. He will not let your foot slip – he who watches over you will not slumber".

15/03/2025

Mga Hebreo 10:35-37
Magandang Balita Biblia
35 Kaya't huwag kayong mawawalan ng pananampalataya sa Diyos, sapagkat dakila ang naghihintay na gantimpala para sa inyo. 36 Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ninyo ang kanyang ipinangako. 37 Sapagkat,

“Kaunting panahon na lamang,
hindi na magtatagal, at ang darating ay darating na.

Address

Alangilan
Minalin
6220

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JESUS NEVER FAILS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share