
22/05/2025
“Bumili lang ng Jollibee si mama dahil yun ang hiningi niyo pagkatapos, pagbalik ko, patay na kayo!" 😭
Dalawang magkapatid, 6 at 8 taong gulang, ang namatay sa sunog sa bahay sa Purok Lison, Barangay 1, Bacolod City bandang alas-1:00 ng madaling araw noong Mayo 20. Nasugatan naman ang kanilang 63-taong gulang na lolo, at nagtamo ng second-degree burns sa kaliwang braso at mukha. Wasak ang kalooban ng ina ng mga bata, dahil iniwan niya ang kanilang tahanan upang bumili ng pagkain sa Jollibee dahil sa kahilingan ng kanyang mga Anak na kumain ng jollibee.