25/04/2025
๐ฃ๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ก | ๐๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ป๐ฎ๐ธ
(hango sa totoong kuwento)
--------------------------------------------------------------------------
โHalika na, anak. Kakain na tayo.โ
Mula sa kanyang kwarto, dahan-dahang lumabas si Miguel. Ang sahig ay malamig sa talampakan, at ang ilaw mula sa kisame ay mapusyaw.
Nasa hapag-kainan na sina Inay at Itay.
Si Inay, nakatayo at maingat na hinahain ang adobo sa mesa. Ang kanyang buhok ay maayos na nakatali, ngunit may ilang hiblang kumawala, na parang ilang gabing hindi na niya ito naisusuklay nang maayos. Si Itay naman ay nakaupo, nakahalukipkip, ang malalalim na linya sa noo niyaโy mas kapansin-pansin ngayon.
Sa harap ni Miguel, may nakahandang pinggan. Puti. Malinis.
โHalika, Miguel. Umupo ka,โ sabi ni Itay.
Umupo siya sa kanyang silya.
Tatlong plato ng kanin ang nasa mesa, singaw pa ang mainit na ulam, at sa gitna ay isang pitsel ng malamig na tubig.
โSige, Miguel, ikaw na mauna,โ malambing na sabi ni Inay.
Kumuha siya ng kanin. Ang butil-butil na bigas ay magaan sa kanyang kutsara. Sinandukan niya ng adobo. Malapot ang sarsa, kulay kastanyas, mabango, may halimuyak ng toyo at bawang na naghalo sa hangin.
Nakangiti lang sina Inay at Itay, pinapanood siyang kumain. Tahimik. Hindi nag-uusap.
Laging ganito.
Siya ang nauuna.
Siya ang palaging pinapakain muna.
Siya ang paboritong anak.
Dumaan ang mga araw, at walang nagbago. Lagi siyang inuuna sa pagkain. Lagi siyang binibilhan ng laruan. Lagi siyang pinapanood ng mga magulang niya habang kumakain, bago sila magsimula.
Noong una, naisip niya, mahal na mahal siya ng mga magulang niya.
Ngunit isang gabi, nagising siya sa uhaw.
Dahan-dahan siyang bumangon mula sa k**a. Ang hangin sa loob ng kwarto ay malamig, malamig na tila may halong lamig ng ulan kahit wala namang bumubuhos sa labas. Tahimik. Wala ni isang tunog, maliban sa bahagyang ugong ng electric fan na umiikot sa sulok ng kwarto.
Maingat siyang naglakad palabas.
Sa pasilyo, ang lumang orasan sa dingding ay mahinang tumunog, tila pagod na rin sa pagbilang ng oras. Dumaan siya sa sala, kung saan naroon pa rin ang lumang litrato ng kanilang pamilyaโsi Inay, si Itay, at siya, mas bata pa, nakangiti, nakayakap sa kanila.
Papalapit na siya sa kusina nang marinig niya ang bulungan.
Tumigil siya.
Ang tinig ni Itay. Mabigat. Pagod.
โPalagi na lang bang ganito?โ
โNararamdaman ko rin โyan,โ sagot ni Inay, halos hindi na marinig ang boses. โPero mahal natin siya.โ
โTama. Atโฆ wala tayong magagawa.โ
Nanlamig ang kanyang katawan.
Nanginginig ang kanyang mga k**ay habang dahan-dahan niyang isinilip ang sarili sa kusina.
Naroon sina Itay at Inay, nakaupo sa hapag-kainan.
Tatlong plato ng pagkain ang nakalatag.
Tatlong baso ng tubig.
Tatlong upuan.
Ngunit dalawa lang silang nakaupo.
At doon niya nakita ang kanyang pinggan.
Puti, malinis, at walang laman.
โ๏ธ Adriane Gonzales
๐จ Eizza Mae Cabalan