17/08/2026
GARY VALENCIANO, NAGING TAPAT SA MATINDING LABAN NG ANAK NA SI GAB SA MENTAL HEALTH! 🙏
Muling naantig ang puso ng marami sa pagbabahagi ng OPM icon na si Gary Valenciano tungkol sa pinagdaanang pagsubok ng kaniyang pamilya kasama ang anak na si Gab Valenciano. Sa isang panayam, inalala ni Mr. Pure Energy ang mga kritikal na sandali kung kailan talagang nasubok ang kaniyang katatagan bilang ama. Kuwento ni Gary V, nag-simula ang lahat nang mapansin nilang tila may pinagdadaanan si Gab, hanggang sa makatanggap siya ng isang nakakatakot na tawag mula rito madaling-araw.
"Dad, I'm sorry... because I did something. I took something. I need you here now, Dad. Please come," alala ni Gary sa naging tawag ng anak. Agad na sumugod sila ng kaniyang misis na si Angeli sa kinaroroonan ni Gab at isinugod ito sa ospital, kung saan dinala pa niya ito sa kaniyang likod pababa ng elevator. Dito naitala ang paunang diagnosis kay Gab bilang bipolar.
Hindi pa doon nagtapos ang laban. Nagkaroon din ng pagkakataon noong nasa Amerika si Gab kung saan muntik na itong tumalon mula sa 27th floor ng isang condominium, habang hawak-hawak ng kaniyang dating kasintahan. Sa kabutihang-palad, tila may nagpaalala kay Gab sa huling sandali kaya napigilan ang isang malaking trahedya at bumalik ito sa kaniyang silid. Sa kabila ng lahat, patuloy ang laban ni Gab at ng buong pamilya Valenciano para sa kaniyang kalusugan at kapakanan.
Isang paalala para sa lahat na ang usapin ng mental health ay seryosong bagay na nangangailangan ng pagmamahal, pag-unawa, at tamang suporta mula sa pamilya at mga mahal sa buhay.